Dedicated to genchellelouisse. Salamat sa pag-vote. :)
Enjoy~
_______________________________________________________________
Ilang araw akong lalong nawala sa sarili ko. Malaking palaisipan sa akin kung sino ba si Janice. Napakaganda niya, kahit hindi ko man nakita ang buo niyang account, kitang-kita iyon sa profile picture niya. Nasasaktan ako, sobra. Saka pupunta siya sa Korea, para ba magkita sila ni Janice? Doon na ba siya titira?
Hindi na ako nagbukas pa ng Facebook pagkatapos ng araw na mabasa ko ang huli niyang post. Ayoko nang dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko. Alam ko naman na magiging malinaw sa akin ang lahat kapag nag-browse pa ako uli. Makikita ko 'dun panigurado ang mga pictures niyang masaya sa pagkikita nila ni Janice.
Nagseselos ako.
Alam 'kong wala akong karapatan na magalit at magselos. Hindi ako galit sa kanya, hindi ko kayang magalit sa ginawa niya. Masyado lang akong nasasaktan at nagseselos. Wala lang akong karapatan. Hindi ko siya pag-aari.
Sino nga naman ako sa buhay niya?
Isa lang naman akong stranger na nakatabi niya sa bus. Totoo, nagkakilala kami. Pero hindi niya pa ako lubos na kilala, ganoon din ako sa kanya. Hindi kami close.
Nakakatawa lang isipin na kahit na nasasaktan na ako ng sobra-sobra at malaking sampal sa akin na baka nga girlfriend niya si Janice, hindi ko pa rin maalis-alis ang pagmamahal ko para sa kanya.
Mahal ko si Tyler.
Ga'nun naman talaga 'pag nagmamahal 'diba?
Hindi maiiwasang masaktan.
Pero, tama ba na umasa ako na makikita ko siya uli?
Sa kabila kasi ng sakit na nararamdaman ko, gusto ko pa rin siyang makita uli. Kahit 'yun lang. Magiging masaya na ako. Umaasa ako na makikita ko pa rin siya.
Malapit na rin pala ang pasukan namin. Isang linggo na lang, nasa ikaapat na taon na ako sa high school.
Hindi ko na-enjoy ang bakasyon. Alam niyo naman kung bakit 'diba? Masyado akong baliw sa kanya. Kailan ko kaya siya makakalimutan?
Naisipan 'kong tawagan si Tita. Gusto ko lang siyang kumustahin. Hindi kasi ako nakapunta sa kanila nung bakasyon. Saka gusto ko ring malaman kung kumusta na si Tita Julie at Tito Martin, lalo na si Tyler.
Nag-dial ako, agad naman niyang sinagot ang tawag. Mabuti't hindi siya busy ngayon.
"Hello, Emily. Napatawag ka. Kumusta ka na?"
"Okay naman po. Kayo po? Na-miss ko lang po kasi kayo."
Napapikit ako nang sinabi 'kong Okay naman po. Nagsinungaling ako. Hindi ako Okay. Pero hindi ako nagsinungaling na na-miss ko siya.
"Miss na rin kita. Okay lang naman din ako. Hindi ka man lang nakapagbakasyon dito sa bahay."
"Oo nga po. Sa susunod po. Kamusta naman po yung company ninyo?"
Alam 'kong kila Tita Julie ang tuloy ng usapan namin. Kumusta na kaya sila? Pati na si Tyler.
"Okay naman, nasa Korea na sila Julie. Inaasikaso kasi nila yung expansion ng company sa Seoul."
Kumirot ang puso ko. Tama nga, nasa Korea sila. Siguradong kasama si Tyler ‘dun.
Nanahimik lang ako at hinitay ang sasabihin ni Tita. Naramdaman ko ang pagtalon ng puso ko nang banggitin niya ang pangalan ni Tyler.
"Si Tyler pala lilipat na."
Unti-unti nang pumatak ang luha ko. Lilipat na siya sa Korea? Sabi ko na nga ba, tama ang hinala ko. Wala ng pag-asang makita ko siya uli.
"May gagawin pa po pala ako. Ibababa ko na po."
Pinilit kong hindi mag-crack yung boses ko. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Tita, nag-end call na ako.
Si Tyler pala lilipat na.
Si Tyler pala lilipat na.
Si Tyler pala lilipat na.
Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabi ni Tita. Nawasak nito ang pag-asa ko na magkikita kami uli.
He's leaving.
Siguro nga, wala ng pag-asa na makikita ko pa siya uli.
BINABASA MO ANG
The Bus Love Story
Teen FictionLove comes when you least expect it. What if, you loved a person whose stranger? You just met him once… And you thought it was just an attraction. But when the second time you saw him, the strange feeling for him is still there. He’s a stranger… You...
