Hindi talaga ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon. Yung taong hindi ko inaakala na makikilala ko. Akala ko imposibleng magkakilala kami.
Kung dati katabi ko lang siya sa bus at malabong magkita kami uli at malaman ko man’lang yung pangalan niya.
Ngayon, kilala ko na siya. Kilala ko na ang parents niya. Kilala niya na rin ako. At higit sa lahat, magkasama kami ngayon at nagde-date. Choz. Haha
Nakasakay kami ngayon sa Ferris Wheel. Napakaganda ng view. Katapat ko siya. Tumigil ung ride at sumaktong nasa pinakataas kami.
“Ang ganda talaga dito sa Tagaytay.” naaamaze kong sambit habang tinatanaw ko ang napakagandang tanawin.
Nakatingin lang siya sa akin at napangiti. Feeling ko matutunaw ako sa ngiti niyang iyon. Hindi ko maiwasang kiligin at hindi makapaniwala na kasama ko siya dito.
“Salamat pala sa pagsama mo sa akin dito, Emily.” Ngumiti na naman siya. Makikita mo sa mukha niya na masayang masaya siya dito.
Nginitian ko siya pabalik. “Walang anuman, Tyler.”
Isa na yata ito sa pinakamasayang araw ng buhay ko. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Feeling ko may something sa tiyan ko. Siguro nasobrahan lang ako sa pagkain kanina. Basta, iba yung feeling eh. Lalo na’t nagtitinginan lang kami at nag ngigitian ni Tyler dito sa loob. Hay ewan. Basta ang hirap i-explain. Ito ba yung tinatawag nilang “Butterflies in Stomach?”
In-love na ba ako kay Tyler?
“Emily, halika na.”
Tapos na pala yung ride. Kung anu-ano kasi yung iniisip ko eh. Tinampal ko na lang ang mukha ko at umiling-iling. Sumunod na ako sa kanya sa labas.
Nakaupo kami sa bench ni Tyler. Ano bang nangyayari sa akin? Feeling ko lutang ako.
“Okay ka lang ba? Namumula ka ah.” Nag-aalalang tanong niya sa akin at hinawakan niya pa ang mukha ko.
Imbes na maging maayos, lalo yatang lumala yung nasa tiyan ko. Yung puso ko, nag-uunahan na naman sa pagtibok.
Ang lapit ng mukha niya sa akin, kitang-kita ko ang perpekto niyang mukha. Mahal ko na ba siya? Bakit ang bilis? Kanina lang, inamin ko sa sarili ko na gusto ko pa rin siya.
Hinawakan niya ako sa noo at sa leeg. Chineck niya ata yung body temperature ko.
Lalong nagwala yung sistema ko.
Ano bang nangyayari sa akin?
“Okay lang ako.” Nginitian ko siya.
Ayoko namang masira ‘tong araw ko. I-nenjoy ko nalang ang moment naming dalawa. Kahit na may kung anong kakaiba sa akin.
Kung saan-saan kami nakapunta. Sobrang nakaka-enjoy siyang kasama.
“Emily, dito ka lang ah. Wait lang.”
Tumango lang ako sa kanya at umupo sa bench.
Nakabalik na siya. Umupo siya sa tabi ko.
“Salamat talaga Tyler, sobrang nag-enjoy ako.” Natutuwa kong sambit sa kanya. Masaya talaga akong nakasama ko siya ngayon.
“Wala yun. Ako nga dapat ang magpasalamat sayo. Salamat sa pagsama mo. Nag-enjoy ako.”
Ngumiti ako sa kanya at tumango. Masaya ako kasi nag-enjoy din siya.
“Saan na pala tayo?” Naeexcite kong tanong sa kanya.
“Alam ko na! Tara sa---”
Natigilan siya sa pagsasalita. Nag ring kasi yung cellphone niya.
“Hello. Oh Mom. Opo, papunta na kami dyan.”
Binaba na niya yung phone niya.
“Kailangan na nating bumalik. Paalis na pala sila Mom. Hinahanap na nila tayo.”
Tumango ako at sumunod sa kanya. Medyo natagalan pala kami sa skyranch. ‘Di namin namalayan yung oras. Uuwi na kami.
Nandito na kami sa Bus. And guess who kung sino ang katabi ko….
Edi si Tyler.
Pagbalik namin kanina, pinaulanan kami ng asar nila Tita Julie. Grabe sila. Feeling ko kanina, kamatis ang mukha ko sa sobrang pula.
Tapos kanina, grabe lang sa motor. Sobrang bilis ng pagpapatakbo ni Tyler. Pero syempre as usual, nakapulupot ang aking braso sa kanyang bewang kaya na-enjoy ko.
Umandar na yung Bus. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. One of my happiest day in my life.
Tiningnan ko si Tyler, ang sarap ng tulog niya. Tulog na rin yung mga kasama namin dito sa loob. Ako nalang yata yung gising.
Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Last na pala ‘to.
Hindi ko alam kung magkikita pa kami uli ni Tyler.
Tinitigan ko nalang ang napaka-gwapo niyang mukha na para bang kinakabisado ko ang bawat angulo nito.
Mahal ko na nga ata siya.
Pero, masasaktan lang ako…
BINABASA MO ANG
The Bus Love Story
Novela JuvenilLove comes when you least expect it. What if, you loved a person whose stranger? You just met him once… And you thought it was just an attraction. But when the second time you saw him, the strange feeling for him is still there. He’s a stranger… You...