Chapter 1: Pamela and Rodelyn

149 16 0
                                    



Pam POV

*** Flashback ***

"Naiirita na ko diyan sa pagiging palautos ni Wency ah." Reklamo ni Rodelyn.

Ngayon pa lang kami papasok sa school dahil nautusan kaming kuhanin ang mga pina dry clean ni Wency na mga damit.

"Sandamakmak ang maid nila tayo pa talaga inutusan. Buwisit talaga! Traffic pa." Dagdag niya sabay hampas sa kanyang manibela.

"W-wala tayong magagawa kundi sumunod, a-alam naman nating---" hindi ko natapos ang sasabihin dahil muli na naman niyang hinampas ang manibela.

"Leche siya! Matagal ng bayad ang pamilya ko sa pesteng utang na loob na yan." Singhal niya sa'kin.

"Teka ano pa bang nirereklamo mo eh sa ating tatlo ni Anne ikaw ang mas close sa kanya ah?" Pagtataka ko sa kasalukuyan niyang reaksyon.

"Ako? Oo nga ako. Kaya nga ako kasama mo ngayon, tapos si Anne naman ang nakabuntot sa kanya. Oo! Ako ang mas close sa kanya. Ako! Ako! Ako!" Panggagalaiti niya.

"Oh kalma ka na. bakit sa'kin ka nagagalit?" Sabi ko.

"Ang daldal mo kasi! Mas gusto ko pa si Anne kasama kesa sayo." Sagot niya.

Bigla niyang prineno ng malakas ang kotse.

Narito na pala kami sa parking lot ng university.

"Grabe dahan dahan naman Lyn." Sabi ko ng halos halikan ko na ang dashboard ng sasakyan niya.

"Ibaba mo na mga yan, panigurado salubong na naman ang kilay ng mahaderang yon." Utos niya sa akin.

"Ako lang?" Tanong ko.

"Oh bakit? Ikaw na lang naman may utang na loob sa bruhildang yon." Yun lang at tuluyan na itong nauna sa akin.

Grabe siya pero kapag kaharap si Wency para siyang anghel na ewan.

Tao nga naman oo. Kapag may kailangan napaka-amo, pero kapag wala daig pa ang kung sino.

"O-okay ka lang? Tulungan na kita." Salubong sa akin ni Anne.

"Hi sis!" Bati ni Rodelyn kay Wency may beso pang kasama.

Urgh! Kakaiba siya. Grabe! Gusto ko masuka sa kaplastikan niya.

"Thanks talaga mga sizzies huh! Di ko na alam talaga if wala kayo." Pag-iinarte ni Wency akala mo aawardan.

"Guys have to go, hinintay ko lang may makakasama si Wency, may meeting ako sa council ngayon." Anne said at tuluyan na nga itong nagpaalam.

"Girls I'm so nervous wala pa naman si Marc sabay din kasi ang try-out nila dito sa audition ko eh." Sabi ni Wency.

"Don't worry sis were here naman na oh. Todo support sayo. Do you need anything para pampatanggal ng kaba mo?" Kaplastikan na tanong ni Rodelyn.

"Yes please. I want something cold, milkshake will do." Wency answered. "Pero sino bibili? Utos tayo sa iba, wait tawag ako ng---"

"No--no--no! Keri na ni Pam yan." Sabi nitong Rodelyn sabay harap sa'kin. "Pam please? Milkshake?" Nakangiting demonyo pa ang isang to.

Wala na kong nagawa kundi huminga ng malalim.

May araw ka rin sa'kin Lyn.

At alam kong nalalapit na yon.

Slumber Party | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon