Leigh POV
Palala ng palala ang sitwasyon, hindi kakayanin ng konsensiya ko na mapahamak dito ang natatanging tao na malapit sa akin.
"Leigh okay ka lang?" Teresa asked.
"H-ha? O-oo." Pagmamaang-maangan ko.
"Gusto mo water? Kukuha kita."
"No! Dito ka lang." Pigil ko sa kanya.
Habang hinihintay ang umakyat na sila Mae and Ferciel ay hindi ko na talaga napigilan pang kausapin si Teresa.
"Tere listen. Ayaw kong may mangyari sayong hindi maganda, please find some help."
"W-what?"
"Tumakas ka." Pabulong kong sabi. "Sa secret garden ka dumaan, make sure na hindi ka hahawak sa ano mang bakal dahil may volt ang lahat ng nakapaligid sa mansyon sa ganitong oras."
"P-pero."
"Incase I wouldn't make it, pakisabi kay papa I love him so much." Bilin ko dito.
"L-leigh."
Hinawakan ko ang mga kamay niya.
"Matapang ka Tere, matalino. makakatakas ka dito basta magfocus ka lang."
Hanggang sa tuluyan na nga itong umalis, hindi na nakapalag pa ang takot na takot na si Anne.
***Few hours ago***
"S-sher? E-ella? Nandito ba kayo?" Tawag ko sa mga kasama nang makaakyat sa second floor para tignan ang phone-line sa room ko.
Wala naman ako nadatnan roon maliban sa nakakapandudang blood stains sa room nila Sher.
Pababa na sana ako upang ipaalam sa mga kasama na wala roon sila Ella, nang may tinig akong narinig na nakapagpatigil sa akin.
"Don't you dare ruin my plan sissy or else pagsisisihan mo." Kita ko ang mga nanglilisik na mata ni Reign.
"I-ikaw?"
Naglakihan ang aking mga mata, hindi ako makapaniwala na kapatid ko ang may kinalaman sa lahat.
She just give me a weird smile na sobrang nagpataas ng mga balahibo ko sa katawan.
"S-sabi n-ni Mommy Erica u-umalis ka daw."
"Pwede ba stop calling her mom, she's not our mom for Christ sake."
"P-pero b-bakit? B-bakit mo ginagawa 'to?" Tanong ko.
"Tinuturuan ko lang sila ng leksyon."
"Yun ang way mo? Ang pumatay?"
Lumapit pa siya ng husto sa akin at hinaplos haplos ang buhok ko.
"Huwag mo na akong kontrahin baby girl, after all bukod sa main reason ko, isa ka rin sa dahilan bakit ko ginagawa ito. Now go back to your friends and act normal." Aniya na may bahid ng pananakot.
At gaya ng utos niya, hindi na nga ako kumontra pa, tatalikuran ko na sana ito ng muli siyang nagsalita.
"On a second thought, I have a better idea."
BINABASA MO ANG
Slumber Party | on-going |
Historia CortaSlumber Party | a famiLEIGH Adventure Series 1 | highest rank achieve #37 in katatakutan category as of August2019 #64 in slumberparty category as of July2019 #479 in short story category as of Jan2017. Classmates. Buddies. Partners. Lovers. Enemies...
