Prologue

270 18 15
                                    


Leigh POV

"So were cleared! Dun na tayo sa place nila Leigh ha! Dala kayo maraming snacks para di naman nakakahiya." Narinig kong sabi ni Lyca.

"H-ha? A-anong sa'min?" Tanong ko.

"Gagawa ng project. Stupid." Sagot niya matapos akong tignan mula ulo hanggang paa.

"P-pero hindi ko alam ipagpapaalam ko muna." Sabi ko.

"Oh akala ko cleared na tayo? Ni hindi naman pala pa aware si Leigh." Noreen said.

"Alam mo ikaw---" akma na sanang susugurin na naman ako ni Lyca.

"Guys enough!" Sigaw ni Wency at nilapitan ako. "Look Leigh my mom and your mom already talk last night and she already gave us the permission na sa bahay niyo tayo gagawa ng project."

"O-okay." Napayuko na lang ako.

"Wag kasi lahat dinadaan sa darag." Sabi na naman ni Noreen sabay bangga kay Lyca.

Isa isa na silang nag-alisan ng classroom hanggang sa ako na lang ang natira.

"Baby girl bakit ang tagal mo?"

Napatingin ako sa back door ng classroom namin. Si Reign pala.

"Let's go na uwing uwi na ko eh. Are you okay?" Reign asked.

I just nod.

Kinabukasan.

"Good morning guys! I'm Erica mother of Leigh."

"S-stepmother actually." Pagtatama ko sa sinabi niya.

"Batang 'to talaga." Sabi ni mom sabay gulo sa buhok ko.

"Hello po." Sabay sabay na bati ng lahat.

"Mom classmates ko po si Noreen, si Chriselle, si Ella, si Sher, si Melanie, si Krish, si Mae, si Ferciel, si Evan, si April kapatid po niya si kuya Avery then leader po namin si Lyca." Pakilala ko sa mga kasama.

"And she?" Napatingin naman kami sa tinutukoy ni mommy.

"Uhmm si Ate Cherry po girlfriend ni kuya." Sagot naman ni April. "Pasensiya na po hindi po kasi ako papayagan kapag hindi kasama si kuya." Pahabol pa niya.

"Dami daming sabit na kasama feeling excursion ang ipinunta." Pabulong man rinig pa rin ng lahat ang sinabi ni Lyca.

"Oh okay. it's alright, I understand." Sagot ni mom kay April.

"Sorry guys were late." Napatingin naman kami sa nagsalita, si Wency.

"Hi ninang." Bati ni Wency kay mommy na may kasama pang beso.

"Ang inaanak ko you're so beautiful! Kamukhang kamukha ka ni Arnelieh nung ganyang age pa kami." Puri ng stepmom ko kay Wency. "Bakit ngayon ka lang?"

"Sinundo ko pa kasi sila." Sabay turo niya sa tatlong kasama.

"Hello po I'm Anne, this is Pamela and this is Rodelyn." Pakilala ng mga ito sa sarili.

"Nice meeting you all ngayon lang ako ulit nakakita ng kaibigan ng anak ko, anyway guys I really wanted to look after you kaso may business trip din kasi ako eh." Mom explained.

"It's okay ninang, by the way mom said yung driver na namin maghahatid sayo sa airport, go na po kayo." Sabi ni Wency.

"Alright. Bye guys! Just feel at home. Wency ikaw na bahala sa baby girl ko ha at ang ate niyan ewan ko ba hindi mapirmi dito sa bahay." Yun lang at tuluyan ng lumabas ng mansion namin si mommy.

"Gosh Leigh as in ito ang bahay niyo?" Amaze na amaze na tanong ni April habang iniikot ang paningin sa kabuuan ng mansyon.

"Amaze ka? Mas amaze nga kami sa dami ng chaperon mo." Sarcastic na sabi ni Lyca.

"Don't worry hindi kami pabigat sa budget niyo may sarili kaming dalang pagkain." Sabi ng kuya ni April na tila naiirita na sa kagaspangan ng ugali ni Lyca.

"Sorry guys I'm late." Napatingin kami sa bagong dating na si Teresa.

"Isa pa tong primadonna." Si Lyca na naman.

"Uhmm guys siguro let's go upstairs? I'll lead you to your rooms para maibaba niyo na gamit niyo." Sabi ko.

"Wait! Me and my girls will take yung guest room." Wency insist.

Hindi na ko nakipag-argue pa, kabisado na niya ang bahay namin since family friend nga namin ang family nila at halos madalas nga sila pumapasyal dito lalo na nung kabataan pa namin.

Si April, Kuya Avery niya at ang girlfriend nitong si Cherry magkakasama sa isang room.

Habang si Teresa lang ang bukod tanging isinama ko sa room ko since siya lang naman talaga ang natatangi kong kaibigan sa lahat.

Then the rest of the girls na hindi kasama sa grupo ni Wency ay magkakasama na sa isang room.

Nagkwekwentuhan kami ni Teresa ng makarinig kami ng kasiyahan sa may pool area na agad naman namin pinuntahan.

"Marc?" Gulat na sabi ko ng makitang naghaharutan silang magnobyo sa pool.

"Okay wait! What's this at bakit nandito ang lalaking yan?" Tanong ni Lyca.

"Chill guys let's have some fun muna mamaya na natin gawin yung project, easy lang kay Teresa yun." Sagot ni Wency.

Napatingin ako kay Teresa pero wala naman itong naging reaksyon.

"Urgh! You guys are hopeless!" Inis na sabi ni Lyca saka nagwalk-out.

Humingi naman ng permiso ang iba na kung pwede rin silang lumusong sa pool.

Pinayagan ko na lang rin, kaya naman nagmistulang party ang group study na ito.

Lumipas ang maghapon na wala pa kaming nasisimulan sa project, nagpakasawa na sila sa pool kaya ito naman kami ngayon sa family room nagmovie marathon.

"Hija handa na ang hapunan kakain na ba kayo?" Tanong ni manang Tunjeng.

"Sige po manang sunod na po kami." Sagot ko.

Nagtayuan na ang lahat para tumungo sa dinning.

"Sunod ako tawagin ko lang si Pam nilamon na yata ng banyo." Paalam ni Rodelyn.

"Ang tagal ah paimportante naman yata masyado mga kaibigan mo Wency." Nagsisimula na naman si Lyca ng medyo natatagalan na sila Lyn at Pam.

"Sige ako na tatawag." Presinta ni Marc.

Patayo na si Marc ng magulat ang lahat sa paglitaw ni Pamela.

"Yes? Nakakita ng multo?" Tanong nito.

"Asan si Rodelyn?" Tanong ni Ella.

"Rodelyn? Malay ko hindi niyo kasama?" Nagtatakang tanong ni Pam.

"Tsss! Hahanapin ba namin kung nandito? Obviously wala, sinundan ka para sabihin kakain na." Sagot naman ni Ella.

"Fine! Fine! Ako na." Presinta naman ni Anne at tuluyan na ngang lumayo sa dinning.

"La~~la~~la~~ ang tagal nila ah." Pairitang kanta ni Sher.

"Pustahan babalik si Rodelyn dito, si Anne naman ang hahanapin tssss." Lyca said.

Ilang minuto nga at bumalik sa amin si Anne.

"Guys hindi ko makita si Lyn." She said.

"Urgh I knew it!" Si Lyca ulit.

"Guys tara hanapin na nga natin." Sabi ni Noreen.

Nagtayuan na nga ang lahat para maghanap.

"May nawawala na. Ibig sabihin nagsimula na." Napahinto ako sa narinig.

Pabulong man, alam ko at sigurado ako sa narinig ko.

Subalit hindi ko gaano napamilyaran ang boses sa dami nilang nasa likuran ko.

Ano kaya ang tinutukoy niyang nagsimula na?

Slumber Party | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon