Chapter 9: The Lovers

63 4 3
                                    

Warning: there are scenes and languages in this chapter that are not suitable for young readers, read at your own risk.


Wency POV

"Hayop ka!" Hagulgol ko.

Sa awra niya siguradong katapusan ko na dahil mukhang desidido siyang patayin ako. Dinala niya kami sa isang bodega at itinali sa kanya-kanyang upuan. Mahigpit. Talagang walang kawala.

"Tumahimik ka!" Sabay sampal nito sa akin.

Punong puno siya ng galit. Mali, hindi galit kundi poot. Binalutan na ng poot ang puso at buong pagkatao niya. Hindi na ito marunong tumanggap ng positibo, tingin niya sa lahat ng bagay at pagkakataon ay negatibo na.

"Dahil sa nanay mo basta na lang pinagpalit ni papa ang mama namin! Kung hindi nakilala ni papa si Erica sana buhay pa rin ang mga alaala ng mama ko at naaasikaso pa rin kami ni papa!" Panunumbat nito.

"You witch! Eh bakit kami sinisisi mo? At bakit ako ang sinisingil mo eh sayo na nanggaling si mommy ang nagpakilala kay Tita Erica at papa mo!"

Binatukan niya ko. "Ang arte mo bobita ka naman! Malamang pag-ikaw nawala syempre mas masakit sa mommy mo."

"I swear! Mapatay mo man ako, magbabayad ka!" Pananakot ko sa kanya.

"Ah ganon? Fine. Pero bago kita bawian ng buhay sisiguraduhin kong triple ang sakit at pagdurusang sasapitin mo, kumpara sa mga nauna sayo."

Napahiyaw ako ng balatan niya ang mukha ko gamit ang labaha. Sinimulan sa noo, pababa sa pisngi at kung saan parte pa ng mukha. Nangingilo na ang pakiramdam ko.

"Ngayon ka sumali sa modeling at beauty pageants mo tignan ko lang." Sabi ng mangkukulam na ito.

"Hayop!" Patuloy kong hinagpis.

"Wala ng mas hahayop pa sayo Wency!" Punong puno ng panggigil niya akong sinabunutan. "Palalagpasin ko na sana eh, pero ng marealize ko kung gaano kabasura yang ugali mo. Ikaw mismo ang nagprovoke sa akin gawin ito. Pailalim ka manggago, hindi lang sa kaibigan kundi sa lahat ng tao! Hindi ka lang maarte leche ka, malandi ka rin!"

Kinaladkad niya ang paa ko hanggang dumausdos ang buo kong katawan papunta sa sahig, at nang nasalapag na'y hinubad nila ang suot kong shorts at panty hanggang sa kita na nang lahat ang pagkababae ko. Hindi ko alam ano ang balak ng mga demonyong ito.

"Tama na. Tama na please." Pagmamakaawa ko.

Wala na akong makita dahil nababalot na nang dugo ang buo kong mukha. Muli akong napasigaw ng tahiin nito ang pagkababae ko, damang-dama ko ang paglabas masok ng karayom sa maselang bahagi ng aking katawan.

"Yan ang bagay sa malanding tulad mo!" Aniya.

Wala na akong lakas pa para pagmumurahin ang mga gumagawa ng kahayupang ito sa akin. Ang bukod tangi ko na lang iniisip ay tapusin na nila ang buhay ko kung 'yon ang magpapaligaya sa kanila.

Subalit hindi. Hindi pa sila tapos sa kademonyohan nila nang pigaan pa ng mga ito ng kalamansi ang nabalatan kong mukha. Wala na akong lakas sumigaw. Wala na.

Ang mapulang dugo na nakikita ko kanina ay unti-unting nagiging itim, dumidilim ang paningin ko, ito na ba ang inaasam kong katapusan?

"Baby I love you." Hindi ko alam kung talaga bang narinig ko siya, si Marc, ang mahal ko o hallucination ko na lamang ito dahil sa matinding paghihirap na nadarama ko ngayon.

Slumber Party | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon