Chapter 6: One Big Dying Family

89 10 6
                                    




April POV

"Bunso!" Napalingon ako ng tawagin ni Kuya Avery habang naghihintay kaming lahat dito sa sala nila Leigh.

"Bakit?" Tanong ko.

"Duda ako sa dalawang yan." Nilingon ko naman ang tinutukoy niya.

"S-si Mel? Bestfriend ko yan kuya, bakit anong problema?"

"Kanina pa bulungan ng bulungan." Aniya.

"Wala yan huwag ka nga praning."

"Baka yang dalawang yan pa ang magpahamak sa atin ha."

"Dami mo naman napapansin."

Para matigilan na ang paranoid kong kapatid sinubukan ko na lang din lapitan sila Mel para makasigurado.

"Seryoso usapan ah!" Bati ko habang nakaakbay sa dalawa.

"Ah pinag-uusapan namin Pril kasi----" biglang natigilan si Krish sa sinasabi niya.

Bakit?

Ano meron?

"Ano ng ganap friend?" Tanong ni Melanie.

"Ah wala naman, umakyat si Leigh para daw tumawag sa phone." Sagot ko.

"Babe natatakot na ko uwi na tayo please." Dinig kong daing ni Ate Cherry.

Mahusay talaga umarte ang isang ito, kung hindi lang talaga dahil kay kuya. Urgh!

Iniwan ko muna ang mga kasama para lapitan sila kuya at masimplehan batukan ang girlfriend niya, na imposible ko rin naman magagawa at baka ako pa ang makonyatan ng mapagmahal kong kapatid.

Mula sa malayo pansin ko pa rin ang seryosong usapan ni Krish at Melanie.

Nagsisimula na rin ako magduda.

Hindi kaya tama si Kuya?

Baka ang bestfriend ko pa ang dahilan ng ikapapahamak namin?

Sa sobrang pag-iisip hindi ko na namalayan na nagkakagulo na pala sila.

"Let go of me! Let go of me!" Nagpupumiglas si Lyca mula sa pagkakahawak ni Leigh sa kanya.

"Kumalma kayo kukuha ako ng maiinom." Sabi ni Manang Tunjeng.

"Guys." Bulong ni Ate Cherry. "Naalala ko may sleeping capsules ako dito, ihahalo lang natin yung powder nito sa inumin ng lahat presto makakatulog na sila."

"For what?" Bulong ko din.

"In that case malaya tayong gawin ang gusto natin gawin habang tulog silang LAHAT." She said.

Napataas ang kilay ko sa huling word na binitawan ni ate, tinignan ko si kuya at sa simpleng tinginan lang mukhang nagkaintindihan kaming tatlo.

Nagkasundo na kami kaya naman nagsimula ng umakto na pupunta ng CR si Ate Cherry para sundan sa kusina si Manang Tunjeng.

"Kuys paano si Mel kaibigan ko siya."

"What? No! Hindi nga tayo sure sa kaibigan mong yan eh."

"Kuya ako dahilan bakit nandito yan, please naman---"

"No!"

Hindi na ko nakipagdiskusyon pa ng makita kong matapos nilang magbulungan ni Krish ay sinundan nito si Ate Cherry.

Nakakapanghinala na nga rin talaga ang kinikilos nila, lalo pa't napansin kong hindi siya uminom sa dinalang tubig nung maid.

Nilapitan ko ito at inusisa.

Slumber Party | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon