Melanie POV"Ikaw talaga may kasalanan bruha ka eh."
Nagkakagulo na sila.
"Tama na! Tama na pwede ba! Kung may dapat sisihin dito ikaw yon!" Sigaw ni Noreen. "Kung hindi mo pinilit si Leigh, wala tayo dito ngayon!"
Natigilan ako sa sinabi ni Noreen.
*** Flashback ***
"Sige na please?" Lambing ng kaibigan ko sa akin.
"Hindi talaga ako papayagan April pasensiya na, isa pa mukhang kaya naman na nila yon bukod sa nandun si Lyca ka-group pa natin si Teresa." Tanggi ko sa pangungulit niya.
"Ano ba yan, ikaw nga dahilan bakit ako sasama, chance na natin to girl mag-overnight ng walang kahirap hirap."
"Sige try ko magpaalam."
"Yieeee! Kinikilig ako thankee thankee friend!" Sabay yakap niya sa akin.
* * *
"Mel okay ka lang?" Tanong ni Krish habang patuloy na nagkakagulo ang lahat.
Tumango lang ako, hindi ko alam kung sino ang dapat pagkatiwalaan sa mga nangyayaring ito ngayon.
"Mali si Lyca hindi si Leigh." Sabi ni Krish habang pinagmamasdan nagkakagulo ang iba.
Napatingin ako sa kanya.
Alam din niya?
"W-what do you mean?" Paninigurado ko.
"May nagmamasid kanina sa atin sa pool eh."
"Are you sure?" Kunot noo kong tanong.
"Oo sigurado akong hindi ako namalikmata nun." Pagkukumpirma niya.
"Seryoso usapan ah!" Halos mapalundag ako ng bigla na lang kaming akbayan ni April.
Yung totoo? Sa ganitong sitwasyon namin nakukuha pa talaga niyang mangharot?
"Ah pinag-uusapan namin Pril kasi----"
Bigla kong hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Krish kaya hindi nito natuloy ang sinasabi.
"Ano ng ganap friend?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Ah wala naman, umakyat si Leigh para daw tumawag sa phone." Sagot ni April.
"Babe natatakot na ko uwi na tayo please." Sabi nung Cherry sa kuya ni April.
Agad naman lumapit si April sa kanila kaya nagkaroon ako ng pagkakataon magsalita kay Krish.
"Krish..." Muli kong hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. "Sa puntong ito please wala tayong pagkakatiwalaan kundi ang isa't isa."
Kita ko ang pagtataka sa mga mata niya.
"P-pero bestfriend mo si April." Bulong niya.
Hindi ako nakapagsalita, tinignan ko lang siya sa mata.
"Isa pa buong pagkakataon kasama natin siya." Pagpapatuloy niya.
Kahit ako naguguluhan na rin sa nangyayari, bakit kailangan umabot sa ganito?
"Nung moment na nawawala si Pam at Rodelyn lahat tayo nasa dinning." She said.
"Lahat nga ba tayo?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Slumber Party | on-going |
Cerita PendekSlumber Party | a famiLEIGH Adventure Series 1 | highest rank achieve #37 in katatakutan category as of August2019 #64 in slumberparty category as of July2019 #479 in short story category as of Jan2017. Classmates. Buddies. Partners. Lovers. Enemies...