Chapter 8

86 6 17
                                    


Lyca POV

"Ok ka lang?" Tanong ni Noreen.

Kasalukuyan kaming nasa labas ng mansyon nila Leigh upang hanapin ang iba pa naming kasama.

"H-ha? O-oo naman." Sagot ko.

"Worried ka sa kanya?"

"W-what? Kanino?"

"C'mon Lyca. Isang tao lang nakakapagpalambot sayo and that's Alfred."

"Course not."

"Yeah right. Alam mo mabait ka naman eh, hindi ko maintindihan ano nangyari sa cheerful Lyca na kababata ko noon." Noreen said.

Napatigil ako sa sinabi niya.

Oo nga. Ano nga ba nangyari sa akin?

- - - - -

"I-is that Alfred?" Tanong ni Noreen.

Kasalukuyan kaming nasa school ground at nagrereview, nang sabay sabay namin magkakagrupo lingunin ang tinutukoy ni Noreen.

Kung paano niya hawiin ang buhok niya.

The way how he hold his bag.

Siya nga.

It's Alfred.

My puppy love.

"Ano naman ginagawa ng mokong na yan dito?" Muling tanong ni Noreen.

"Sabi may exchange student daw tayo, baka yan na yun." Sagot ni Teresa.

Umayos na ako ng upo at sinubukang muling ituon ang atensyon sa inaaral.

"Hi Noreen."

Natigilan ako ng may magsalita mula sa likod ko.

Hindi ko pa man siya nakikita pero tila may trampoline sa puso ko at wagas ito kung makatalon.

"H-hi Lyca."

Naglakihan ang mata ko ng pangalan ko na ang sunod nitong banggitin.

Pinilit ko siyang lingunin at batiin kahit para akong binuhusan ng yelo dahil kasalukuyan ngayong nanginginig ang buo kong katawan.

At halos himatayin na ko sa kinauupuan ng tumabi pa ito sa akin.

"So anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Noreen sa kanya.

Elementary pa lang kasi magschoolmates na kaming tatlo, hindi nga lang nagkakapareho ng section dahil madalas nasa star section ako.

"Pinalipat ako dito ni Erpat eh." Sagot ni Alfred.

Salamat sa bell ring at kailangan na namin bumalik sa mga class namin, dali dali akong tumayo subalit paglingon ko tinamaan ko ng bitbit na libro si Alfred at tumilapon ang mga ito.

Agad kong pinulot ang mga libro ko sa lapag.

Leche naman! Kung kailan nagmamadali.

Slumber Party | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon