Chapter 2: Chriselle - Ella - Sher

107 15 10
                                    


Leigh POV

"A-anong nangyari?" Tanong ko ng makarating kaming tatlo sa sala.

Umiiyak si Anne at Wency.

"Wala na si Lyn." Sabi ni Marc.

"W-what? Paanong wala na?" Sher asked.

"Patay na siya nakita namin katawan niya sa ilalim ng hagdan." Sagot ni Marc.

"P-patay na rin si Pam." Teresa informed everyone.

"What?" Tanong ni Chriselle.

"You! Anong ginawa mo? You freaking killer." Pasugod na sana si Lyca sa'kin.

"Wala siyang kasalanan!!!" Sigaw ni Teresa. "Me and Ella was there! Aksidente lang ang nangyari!"

"Yeah? At paano naman mapapaliwanag ang kay Lyn aber?" Pagpupumilit ni Lyca.

"Hindi ko alam!" Sigaw ni Teresa.

"Ayoko na. Ayoko na dito." Sabi ni Chriselle hanggang sa nagtatatakbo ito palabas.

Pipigilan pa sana siya ng lahat subalit napakabilis nitong tumakbo, dahil na rin siguro sa pagiging athlete niya.

Napahawak na lang ako sa bibig ko noong nangangalahati na ang itinatakbo nito palabas ng gate nang bigla na lamang humiwalay ang ulo niya sa katawan niya.

"F*ck what was that?" Kuya Avery asked.

"Tara tignan natin." Sabi naman ni Sher.

"What? No!" Tuloy pa rin ang paghagulgol ni Wency.

Takot man pilit pa rin inalam ng grupo ang ikinasawi ni Chriselle.

Isang string na hindi mapapansin ng kahit na sino man dahil sa nipis nito.

"Aray!" Hiyaw ni Marc ng tangka niyang hawakan ang string.

Mukha ngang matalim ito dahil nasugatan agad si Marc ng ganon ganon na lang.

"Are you okay baby? Bakit kasi kinalabit mo pa." Sita ni Wency sa nobyo.

"Guys pumasok na lang tayo sa loob lock yourselves sa mga room niyo then I'll find out what's going on." Sabi ko.

"No! Let's all stay together sa living room mas maproprotektahan natin ang isa't isa." Noreen suggest.

"Are you nuts? Umalis na tayo dito!" Sigaw ni Lyca.

"Imposible. liblib ang lugar bago tayo makalabas ng gate nila Leigh ang haba ng lalakarin, paglabas ng gate MAS mahaba ang lalakarin bago makakita ng susunod na bahay." Sabi ni Kuya Avery.

"I'll call mom magpapasundo ako." Umiiyak pa rin si Wency.

Agad pumasok ang lahat at kinuha ang kanya-kanyang cellphone.

"Guys I can't find my phone." Mae said.

"Ako rin." Si Krish.

"Me too." Sabi rin ni Evan.

"Great! What now huh?" Tanong ni Lyca.

"Guys asan sila Sher?" Suri ni April.

Nagkatinginan kaming lahat. Dalawa sa aming mga natitira ang muling nawawala.

"Ikaw talaga may kasalanan bruha ka eh." Bigla na lang akong sinugod at pinagsasabunutan ni Lyca.

"Tama na! Tama na pwede ba! Kung may dapat sisihin dito ikaw yon!" Sigaw ni Noreen. "Kung hindi mo pinilit si Leigh, wala tayo dito ngayon!"

"A-akyat lang ako guys. Tignan ko kung gumagana ang phone sa room ko iba ang line non dito lang kayo." I said.

"Baka mapahamak ka samahan ka na namin." Mae offered.

"Hindi yan mapapano, siya yung killer eh." Gigil na sabi ni Lyca.

* * * * *

Ella POV

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa impyernong lugar na 'to, pero ang alam ko lang hinihintay ako ng mama ko kaya kailangan kong makaalis dito ng buhay.

*** Flashback ***

"Ate!" Salubong sa akin ng dalawa kong nag-iiyakang kapatid pagkadating kong ospital mula sa school.

"Bakit? Ano nangyari?" Tanong ko.

"Malala na ang mama mo, wala na daw magagawa pa ang gamot at mga doktor dito." Sagot ng papa ko na nakaupo sa tabi ng kama ni mama.

"Mano po." Abot ko sa kamay niya. "Hindi pwede pa, ililipat natin si mama sa mga kayang magpagaling sa kanya." Sabi ko.

"Ano? Naririnig mo ba sinasabi mo Ella? At saan tayo kukuha ng pambayad? Sa maduming gawain mo?" Singhal sa'kin ni papa.

"Oo! Kung yun ang kailangan para madugtungan ang buhay ni mama." Sagot ko.

"Dahil diyan sa pang-uumit mo nanay mo ang nagbabayad sa karma mo!" Tuluyan na nga niyang pinakawalan ang palad niya na lumapat sa pisngi ko.

"Gusto ko lang naman pa gumaling si mama." Hindi ko na napigilan maiyak at mapahawak sa pisngi kong nasampal.

"Ambisyosa ka. Yan ang totoo kaya nagpumilit kang pumasok sa eskwelahang yon at ano? Kung hindi mo huhuthutan mga kaklase mong anak mayaman, ninanakawan mo naman!"

Nagtitinginan na ang mga kasama namin sa kwarto dahil sa pangiiskandalo sa akon ng sarili kong ama.

Kaya minabuti kong umalis at sumama sa bahay nila Leigh, kahit nakapagsabi na ako kay Lyca na baka hindi ako makasama.

At ngayon nandito na ako, kinuha ko na ang pagkakataon habang nagkakagulo silang lahat.

"E-Ella?" Laking gulat ko ng mahuli ako ni Sher sa akto habang kinukuha ko ang mga cellphone at wallet nila. "W-what are you doing?"

"Sh-sher let me explain."

"No!" Sigaw niya. "Ikaw ang killer! Ikaw ang may pakana sa lahat ng to!"

"Engk! Mali ka! Magnanakaw lang siya, ako ang mamamatay tao."

Halos hindi ako makagalaw ng bigla niyang gilitan sa leeg si Sher.

"Opps! Subukan mong sumigaw!" Tinutukan niya ko ng baril.

"I-ikaw?" Yun lang ang nasabi ko.

"Oo ako. may sikreto ka, may sikreto rin ako." Sabi niya habang dinidilaan ang kutsilyong may dugo ni Sher.

"P-please w-wag ako." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Nakangising demonyo lang siya.

"Lahat na ba yan?" Tanong niya habang nakatingin sa bag na hawak ko.

"O-oo lahat ng cellphone n-nila, k-kunin mo na basta p-please wag mo ko sasaktan." Pakiusap ko sa demonyong kaharap ko ngayon.

"S-sher? E-ella? Nandito ba kayo?" Rinig kong tawag ni Leigh.

Sisigaw na sana ako ng biglang ipasok ng demonyo ang baril na hawak niya sa bibig ko.

Itutuloy...

Slumber Party | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon