Evan POV
Bakit ba kasi ako narito?
Bakit? Bakit? Bakit?
Bakit ko hinayaang manipulahin nila ako ng ganon ganon na lang?
Kalma Evan!
Walang masamang mangyayari. Pinagtitripan ka lang nila dati.
Hindi na mapakali ang utak ko mula ng tumuntong sa bahay nila Leigh.
Hindi ko na alam, pilit ko na lamang pinapakalma ang sarili at nananalangin na wala sanang mangyaring hindi maganda.
"Guys tara hanapin na nga natin." Sabi ni Noreen.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
"So M-may nawawala na? I-ibig sabihin ba nito nagsimula na?" Bulong ko sa sarili.
- - - - -
"Evan! As expected ikaw na naman ang lowest sa klase ko at balita ko nangungulelat ka rin sa iba pang subjects. Inaasahan mo pa bang makaka-martsa ka sa moving up ceremony?" Singhal ni Ms. Arciaga matapos iabot ang bokya kong test paper sa subject nitong Math.
"Malala ka pa kay Wency." Pahabol pa niya at tuluyan na nga lumabas ng classroom.
Naisipan kong sundan si Ms. Arciaga upang pakiusapan kung ano ang pwede ko pang magawa para makahabol sa klase niya.
May kahabaan ang hallway kaya naman binilisan ko pa ang paglakad upang maabutan ito at nang ilang dipa na lang ang lapit ko sa kanya ay hindi ko napigilan mapatigil.
Ang teacher na sinusundan ko ay walang ulo.
Makailang ulit ko pang kinusot ang mata ko para siguraduhing hindi ako namamalikmata, subalit lalo lang tumitindig ang mga balahibo ko dahil kumpirmado nga! hindi ko maaninag ang ulo niya.
Magdamag kong naaalala ang bagay na iyon. Wala akong napagsabihang iba tungkol sa nakita ko, ayaw kong isipin nilang baliw ako o kaya nama'y weirdo.
"A-anong ganap?" Tanong ko ng maabutang nagtutumpukan ang mga kaklase ko pagpasok ko kinabukasan.
"Evan nandyan ka na pala, si Ms. Arciaga kasi---" hindi natuloy ni Sher ang sinasabi, kita sa mga mata nito ang lungkot.
"Evan kasi si Ma'am wala na." Pagtutuloy ni Mae.
"P-paanong... Paanong w-wala na?" Nababasag na ang boses ko, alam ko ang tinutukoy nila pero kailangan ko ng kumpirmasyon.
"Patay na." Simpleng sagot ni Ferciel.
"Naaksidente daw yung kotseng minamaneho niya." Ani Krish.
Nanglamig ang buo kong katawan, unti-unti akong napaupo sa silya ko. Hindi malapit si Ms. Arciaga sa akin pero kung sana'y may nagawa ako para mailigtas man lang siya sa kapahamakan.
"Evan are you okay? Namumutla ka?" Noreen asked.
"Alam namin nararamdaman mo kahit kami nabigla rin." Sabi naman ni Chriselle.
Patuloy ang klase maghapon sa kabila ng trahedya kay Ms. Arciaga.
Hindi pa rin ako makapaniwala.
BINABASA MO ANG
Slumber Party | on-going |
Short StorySlumber Party | a famiLEIGH Adventure Series 1 | highest rank achieve #37 in katatakutan category as of August2019 #64 in slumberparty category as of July2019 #479 in short story category as of Jan2017. Classmates. Buddies. Partners. Lovers. Enemies...
