Chapter 5: Mae and Ferciel

122 9 5
                                    



Mae POV

Mahilo hilo pa ako ng imulat ko ang mga mata ko, pilit akong bumangon para tignan ang mga kasama.

Halos lahat tulog pa.

Ako pala ang unang nagising sa lahat.

"Hmmmm." Dinig kong may umungol.

Bumalik ako sa pagkakahiga at nagpanggap na tulog pa ng makita kong bumangon si Leigh.

Sapo niya ang ulo na tulad ko'y tila nahihilo pa rin mula sa pagkakatulog.

Luminga linga sa paligid hanggang sa kinalabit na nga niya ang pinakamalapit na tao na naabot niya.

"W-wency? Wency gising." Sabi niya sa hinang-hina na boses.

Nang hindi ito magising, bumaling naman siya sa isa pang katabi.

"Ferciel? Fers! Fers gising." Yugyog niya dito.

Hanggang sa nagising na nga si Ferciel.

At sinimulan na nga nila gisingin ang iba pa.

Si Evan ang nanggising sa nagkukunwaring tulog na ako.

"Ano nangyari guys?" Tanong ni Anne na huling nagising sa lahat.

"Lahat tayo nakatulog." Sabi ni Marc na kinilatis pa ang pitchel ng tubig. "Nilagyan siguro ng pampatulog itong ininom natin."

Lyca hissed. "Ngayon niyo sabihin sakin na hindi killer ang babaeng yan." Sabi nito habang nakatingin kay Leigh.

"Oh please Lyca!" Sita ni Noreen.

"Oh bakit kaninong maid ba ang nag-serve sa atin ng pesteng tubig na yan?" Pagpupumilit ni Lyca.

"Guys bago kayo magtalo talo nasaan muna sila Mel?" Tanong ni Ferciel.

Kanya kanya kaming tinginan walang nakapansin kanina na lima sa amin ang nawawala.

Si Melanie at Krish.

Pati ang magkapatid na April at Avery saka ang girlfriend nito.

"Sino unang nagising?" Tanong ni Teresa.

Inaabangan kong magsalita si Leigh pero hindi ito umiimik.

Puno ng takot ang kanyang mga mata.

"Guys?" Ulit ni Tere.

"A-ako yung pangalawang nagising." Sagot ni Ferciel.

"Sino yung una?" Tanong ni Wency.

"S-si Leigh." Sagot ni Ferciel.

Nabaling ang lahat ng paningin kay Lyca, tila inaabangan ang magiging reaksyon niya.

"Alam na this." Taas kilay nitong sabi.

Madali para sa kanya husgahan ang isang tao, lalo pa't mainit ang dugo niya dito.

Pero ako, alam ko at nakita kong nagising lang din mula sa pagkakatulog si Leigh.

Tahimik ang lahat tila kanya-kanyang isip kung paano makakatakas sa lugar na ito.

Napatingin ako sa wrist watch ko 12:30 pa lang ng madaling araw.

Mahaba pa ang gabi.

Marami pang posibleng mangyari.

Alam kong matatalino ang mga kasama ko, pero kahit gaano katalino ang isang tao kung nilalamon na ng emosyon ang utak niya, panigurado hindi na ito makakapag-isip pa ng tama.

Slumber Party | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon