Chapter 4: Who's who?

103 11 6
                                    



Killer POV

"Sobrang layo na ng lahat ng ito sa plano." Sabi ko sa kanya.

"Alam ko, pero pare-pareho tayong mapapahamak kung may makakaligtas sa mga nakakita na sakin." Sagot niya.

"Pati yung dapat natin witness wala na ngayon." Sabi naman nitong isa pa.

"Pakialamera eh anong magagawa natin?"

"Si Pam din." Panghihinayang ko.

"Tssss katangahan naman niya yung nangyari sa kanya."

Wala talagang konsensiya ang isang to, malayong malayo sa personalidad ng kapatid niya.

"May isa pa tayong problema." Sabi ko.

"Ano?" Tanong nila.

"May sumasabotahe sa mga plano natin, kung di tayo kikilos baka maunahan tayo."

"Edi iligpit na rin."

Napabuntong hininga ako, iba talaga ang likaw ng bituka ng isang to.

"O-okay." yun na lang ang nasagot ko.

Mahirap kontrahin o kalabanin siya, lalo pa't alam ko ang mga kapasidad niyang gawin.

"Actually. Parang nag-eenjoy akong ubusin silang lahat."

Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya.

Pero tama siya, ako man parang may kung anong saya sa katawan ko habang nakakakita ng dugo.

Fulfilling.

May satisfaction. 

Mas maraming papatayin, mas maraming dugo.

At yun ang nakapagpayag sa akin na sumama sa kanila.😈


Itutuloy...

Slumber Party | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon