Chapter 1

1.3K 27 4
                                    

"Sir, ready na po yung breakfast niyo. Kumain na po kayo at baka malate po kayo sa klase niyo."

Bumaba na ako. Pagkababa ko, puro maids nanaman ang naabutan ko.

"Nasaan sila papa?"

"Ay, sir, kanina pa po umalis."

As usual.

Palagi naman silang busy sa business nila eh.

So, ito ako ngayon, kumakain ng breakfast na sawang sawa na kong kainin. Hotdog nanaman? Wala na bang iba?

Hindi ko na tinapos yung breakfast ko.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at pumasok na ako sa school.

Wala pang 15 minutes, nakarating na ako sa school.

"Waaaaa!!!!! Nandyan na si Thomas!!!" narinig kong tilian ng mga babae.

Ganito naman palagi eh.

I don't get them. For me, napakapathetic nila. Masyado silang nagpapapansin at nagpapacute sa mga lalaki. Wala naman akong panahon para sa mga girls girls na yan.

"Bro! Himala pumasok ka ng first day?" bati sa akin ng bestfriend kong si Jake.

"Eh tutal last year naman na natin 'to sa high school then let's make the most out of it. Besides, I heard napakarami daw new students ngayon. Lalo na sa freshmen. Kailangan nilang mabinyagan." I smugged.

Tumawa na lang si Jake sa sinabi ko.

Kilalang kilala naman na ako ng bestfriend ko na yan. Simula ng ipanganak kami, bestfriends na kami niyan. Magkadikit na ang bituka naming dalawa.

We checked our sections on the list. Kung sinuswerte ka nga naman. Magkaklase pa din kami nitong mokong na 'to.

Pumasok na kami sa loob ng room namin.

The usual reaction ng mga nasa loob? Nagsipag-ayos ng upo ang mga girls while yung mga boys, nanahimik.

Tama yan!

Alam nila kung saan sila lulugar.

"Bro, tabihan ko muna mga girls." Jake said. Si Jake kasi, napakababaero niyan. Every week yata iba iba yung mga pinapakilala sa aking mga babae pero ako, dedma lang.

Umupo na ko sa favorite spot ko.

Sa likod sa tabi ng bintana.

Walang naupo dun sa upuan na 'yun dahil alam naman nila kung sinong dapat umupo dun. While sitting, ininspect ko ang mga mukha ng mga magiging kaklase ko for this year.

Merong mga nerds, merong mga average lang. Yung iba naman, pacute. Halos lahat sila ay naging kaklase ko na mula pa nung elementary kami.

"Good morning, class!"

Bumati din yung mga kaklase ko except me and Jake na busy sa pakikipagkulitan sa mga babae naming kaklase.

"Okay. So I will be your adviser for this school year. Last year niyo na 'to sa high school so I expect everybody to enjoy and make this year memorable. Iwas muna sa mga gulo. Did you hear that, Mr. Castillo?" oops! Ako pala pinupuntirya nitong teacher na 'to

Kung minamalas ka nga naman.

Adviser namin yung isa sa mga pinakamatanda at pinakalumang teacher sa school na 'to. Siya pa nga yata first teacher dito sa school na 'to eh.

And sad to say, family friend namin siya.

Kaibigan niyang matalik yung lola ko. Vibes na vibes sila so pwede ako isumbong nito sa magulang ko kapag may ginawa akong kalokohan.

Pero yun ay kung mahuhuli nya ko

After 3 hours, nagbreak na din. Sa wakas.

Hindi ko mapigilan yung antok ko habang kwento ng kwento si Ma'am Fortejo.

"Bro, dun muna ko sa tambayan natin. Matutulog lang ako." paalam ko kay Jake.

Antok na antok talaga ako.

Bakit nga ba ko pumasok eh first day pa lang naman.

Wala din naman akong mapagtripan.

ANG BORING!!!!!

Pumunta na ko sa tambayan namin ni Jake. Dito yun sa likod ng school. Wala ring napunta dito dahil alam nilang dito kami natambay.

Ang magtrespass dito, mayayari sakin.

Makatulog nga muna.

"Shhhh! Wag kang maingay. Baka magising si Thomas." medyo nakakarinig ako ng bulong.

Nananaginip ba ko?

"Bilisan mo na. Ilagay mo na yan."

"Waaa!!! May gagamba." narinig kong tili ng isang babae.

Nagising ako bigla.

Pagkagising ko, nakita ko ang dalawang babaeng halatang gulat na gulat na nakatayo dito sa gilid ng hinihigaan kong bench.

"S-sorry, Thomas. Di namin sinasadya." sabi nung isang babae na nabubulol bulol pa.

"Oo nga, Thomas. Sorry. Hindi na namin uulitin." sabi nung isa pang babae.

"Sinong nagsabi sa inyong pwede kayong pumunta dito? Nakita nyong natutulog ako diba?" medyo inis kong sabi.

Ayoko kasi sa lahat na kapag natutulog ako, maiistorbo ako.

"Sorry na, Thomas. Ito kasing kaibigan ko gusto kang bigyan ng cake. Nagbake kasi siya para sayo." sabi nung isa na tinuturo yung cake na nasa ibaba ng bench na hinigaan ko.

"Oo, Thomas. Nagbake ako para sayo."

"Bakit? Birthday ko ba?" naiinis pa din ako. So childish.

"Sorry." sabay pa nilang sabi.

I just smirked and then they walked away.

Naiwan ulit ako ditong magisa sa likod ng school.

Maya maya pa, dumating na si Jake at kasama niya pa din yung kaklase naming babae. Nakangiti pa silang parehas habang ako naman ay lukot ang mukha dahil sa inis.

"Bro, bakit nakabusangot ka?" natatawa nya pang sabi habang nakaakbay pa sa babaeng kasama nya.

"May mga nang-istorbo sa akin eh. Nagdala ba naman ng cake. Di ko naman birthday."

Nakita kong natawa yung dalawa.

Akala ko naman ako yung pinagtatawanan pero yun pala may sarili na silang mundo. Parang wala nga silang ibang kasama dito eh. Parang invisible ako

Napakamot na lang ako sa ulo.

Out Of My League (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon