Love Shit

10 0 0
                                    


RomCom Short Story Contest Entry #4:

Pamagat: Love Shit!
Username: ThisismememeXD

PINAGMASDAN ko ang tubig na unti unting tumutulo mula sa buhok nya, pababa sa matipuno nyang dibdib, patungo sa abs nya, pababa pa ulit saㅡ biro lang, wala nang ibababa pa. Masyadong SPG kapag ibinaba ko pa. Agad kong binawi ang manyakis kong mga mata at piniling tumingin nalang sa mga halaman. Tama ba kasing mag-swimming sa harapan ng babae? Kung iba lang akong babae baka kanina pa ako tumakbo palapit sa kanya at pinagsamantalahan sya. Napailing ako tiyaka tahimik na napa-tawa sa mga kalokohang pinag-iisip ko. Hindi halata sa itsura ko na may kalandian akong taglay, mukha kasi akong inosente, idagdag mo pa ang pagiging mahinhin at pagiging pala-aral ko.

"Oy Mirah, tulala ka nanaman dyan. Kinakausap mo ba ulit yung mga tropa mong duwende?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakahalumbaba sya sa sahig samantalang, ang katawan nya naman ay nakalubog sa tubig. Iniiwas ko muli ang paningin ko sa kanya. Naaalala nya pa pala yun? Noong bata pa kasi kami ay sinasabi ko sa kanya na may kaibigan akong duwende dito sa kanilaㅡna hindi naman totoo. Tinatakot ko lang sya kaya ko sinabi iyon.

"Hoy, babae. Pansinin mo 'ko."

Marahas akong napabuntong hininga. Nakakairita! Hindi nalang sya magpaka-lunod sa swimming pool na 'yan, kailangan nya pa akong guluhin!

"Kuya! 'Wag mo ngang asarin si Mirah, minsan ka na nga lang umuwi dito sa Pilipinas gaganyanin mo pa sya, tiyaka dapat nga magpasalamat ka sa kanya kasi sya ang sumundo sa 'yo kanina sa NAIA."

Biglang lumitaw sa harapan namin ang kapatid nyang si Genesis. Isa lang naman ang pinunta ko dito eh. 'Yung notes lang na hinihiram ko sa kapatid nya.

"Hindi ko naman sinabing sunduin nya ako ah! May pagnanasa lang talaga sya sa akin kaya atat syang makita ako, diba Mirah?"

Nakangising tanong nya sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at tumayo sa pagkakaupo tiyaka kinuha ang pakay ko kay Genesis. Totoo naman kasi 'yun, pero, hindi pagnanasa ang tawag 'dun! Nagkagusto ako sa kanya noong third-year highschool pa lamang kami. Umamin ako sa kanya noon pero tinawanan nya lang ako at sinabihang kamukha ko daw yung lola ng lola ng lola ng lola nya kaya hindi nya daw ako magugustuhan. Buwisit sya. Tanggap ko pa na mukha akong lola pero hindi yung kamukha ng lola ng lola ng lola ng lola nya.

"Hindi po ako nagnanasa sa 'yo, Mister Tan. Ni-request po sa akin ng mama mo na ako ang magsundo sa iyo. Masyado ka po kasing feelingero."

Sagot ko pabalik tyaka inilagay sa bag ko ang mga notebook na hiniram ko. Akmang aalis na sana ako nang hilahin nya yung paa ko pababa sa swimming pool. Nalaglag ako pababa habang sya ay tumatawa habang lumalapit sa akin.

"Ano bang problema mo ha?! I think you need a psychiatrist, Calixx!"

Singhal ko nang makalapit sya sa akin. Imbis na umayos sya o mag-sorry manlang ay tinanggal nya pa ang salamin ko sa mata! Kinusot ko ang mga mata ko dahil nanlalabo ang paningin ko.

"Kuya! Argh, isusumbong kita kay mom!"

Dinig 'kong sigaw ni Genesis. Sa tingin ko ay tumakbo sya papunta kung saan naroon si Tita.

"Dapat nga kiligin ka kasi ang lapit natin sa isa't-isa, hindi yung inaaway mo pa ako."

Natatawang sambit nya tyaka maingat na isinuot sa akin ang salamin ko. Hinampas ko sya sa braso pero hindi sya lumayo. Lord, mabait na bata naman ako, hindi ba? Bakit ganito ka sa 'kin? Huhu.

"Wahahaha hampas ba talaga 'yun? Bakit feeling ko hinimas mo lang?"

"Alam mo, Calixx? Maghanap ka ng pagti-trip-an mo! 'Wag ako!"

Write A Shot: Rom-ComTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon