RomCom Short Story Contest Entry #5:
Title: Thank You, Ex
By: Lynkyn ***
"Tanya magbreak na tayo," bungad sa'kin ni Ram pagpasok pa lang niya ng room, breaktime na kasi. Tamang-tama dahil inuumpisahan ko ng ligpitin ang gamit ko na nagkalat sa table ko. Baka kasi pagtripan na naman ako ng mga estudyanteng walang magawa sa buhay kundi ang mambully.
"Ah, oh sige Ram, gutom na rin naman ako." Masayang sagot ko.
Si Ram ang two months boyfriend ko.
Naging kami para maasar niya raw si Von. Si Von naman ang ultimate crush ko simula pa nung high school kami. Walang sinuman akong pinagsasabihan na crush ko siya dahil baka sabihin nilang malandi ako. Kung alam lang kasi nila kung bakit ako niligawan ni Ram at kung anong dahilan ko sa pagsagot sa kanya, malamang uusok ang mga pwet nilang mga bullies.
Isa pa nagtataka rin ako sa rason ni Ram para ligawan ako. In the first place, hindi naman ako napapansin ni Von. Mas acceptable pa nga ang reason ko sa pagsagot sa kanya para hindi ako pagtripan ng mga langyang bully students dito.
"Tanya, I want space." Naku, nilipad na naman ng agila ang common sense nitong si Ram. Ang lawak ng space rito, sa'kin pa humihingi.
"Hala Ram, kulang pa ba 'tong space ng room para sa'yo? Oh teka't uusog ako." Lumayo ako sa kanya at umusog ng sobrang lawak. Tipong two inches away sa kanya, siguro naman wala na siyang masasabi.
"You still dont get it, do you? I said tapusin na natin 'to!" Napatakip ako ng tenga at sinamaan siya ng tingin. Kaso naiinis ata siya sa'kin dahil napapahilamos na siya ng mukha.
Kasi naman kung makasigaw 'tong si Ram, parang kung sinong bingi ang kausap niya. Sakit sa tenga, tsaka dinaig pa niya ang mga bakla sa tinis ng boses niya.
Tinignan ko siya ng masinsinan magmula ulo hanggang paa saka ako napailing. Hindi pwedeng maging bakla 'tong isang 'to, ang laki kasi ng katawan, ang puti, on top of that, sobrang gwapo! Sayang ang lahi nito kapag nagkataon.
"Teka Ram ah. Anung tatapusin natin kung naipasa na natin 'yung project kay Ms. Young." Nakakapagtaka naman kung may project kaming bago na hindi ko alam samantalang always present ako. Hindi lang always kasi ako palagi ang leader kapag may mga projects. Kulang nalang magkaroon ako ng award of excellence sa pagiging consistent ko.
Natakot ako bigla sa klase ng pagtitig ni Ram at sa pagsigaw niyang makabasag-eardrums. "TANYA MAGHIWALAY NA TAYO!" Literal akong napaatras dahil sa tinis ng boses niya na nagecho ata pati sa labas.
Nakakaloka! Pwede naman niyang sabihin ng maayos na mauuna na siyang umuwi. Baka gutom na siya kaya gusto na niyang mauna, eh wala sa akin ang kaldero. O baka naman may nagrarambulan sa loob ng tyan niya, eh wala sa akin ang comfort room.
"Eh 'di sige mauna ka ng umuwi Ram para makapagpahinga tenga ko sa'yo." Isinukbit ko sa balikat ko ang sling bag saka ibinigay sa kanya ang librong pinatago niya sa'kin.
"Tangna naman, Tanya, tigilan mo na nga ang kakabasa ng quotes na nakasave pa sa phone mo! Sabi ko, ayoko na. Ayaw na kitang maging girlfriend!"
After niyang sabihin 'yon, dali-dali siyang umalis habang ako tulala. Break? As in wala na kami? Tatawa na ba ako? Hahalakhak? O ngangawa hanggang balikan niya ako't sabihin niyang nasa shooting kami ng isang pelikula?
Pero tanga Tanya sinong niloko mo? Mukhang seryoso nga siya.
Gusto kong habulin si Ram pero he wants space daw eh. Don't get me wrong paero kasi paano na 'yung protection ko? Kaya ko nga siya pinatulan kasi may makukuha akong immunity dahil sikat silang dalawa ni Von eh.
Ayoko ng mabully ulit. Tsaka isa pa, dapat sinabi na lang niya na ako ang makipagbreak, ako kaya ang babae! He hurts my ego, bigtime!
Lumabas ako ng kwarto at tumakbo ng sobrang bilis. Naiiyak akong isipin na babalik na naman ako sa dati, mahihirapan na naman akong ilaba ang mga uniform ko dahil sa pinturang ibubuhos sa'kin, sa itlog na ibabato pati ng kamatis.
Pumara ako ng taxi saka tahimik akong sumakay. Nakikisimpatya ata si koyanga driver kasi hindi man lang ako tinanong kung saan ako bababa.
"Ms., panyo?" tanong nung driver.
"Hindi po Panyo ng apelyido ko koya." Sagot ko kahit na mangiyak-ngiyak na ako sa kakaisip ng mga pwedeng gawin ulit sa'kin ng mga mean sa school.
"Psh, Im asking if may panyo ka." Ganoon na ba ako kabait tignan para pati panyo ko gusto niyang hingin? Kung tutuusin mas ako ang nangangailangan ng panyo rito.
Malamang meron ako sa bag, pero asa naman si koyang driver na ibibigay ko sa kanya. Armando Caruso kaya 'yon tsaka gagamitin ko pa 'yon para ipamunas sa ibabatong itlog sa'kin bukas dahil siguradong kakalat na agad ang masamang balita.
"Hanep ka koya ah, imbes itanong mo kung saan ako bababa, inuna mo pa ang panyo. Bumili ka na lang, 3 for 100 lang naman ang Armando Caruso." Buong byahe akong nakayuko at paminsan-minsang tumitingin sa bintana. Ni hindi ko na inabalang tignan ang maraming tanong na driver, nakakaiyak kasing sumagot.
Tsaka ang mura mura ng panyo nanghihingi pa.
Narinig ko naman siyang tumawa ng malakas. May sayad ba 'tong si koyang taxi driver?
"Pft! I'm just asking kung may panyo ka kasi kung wala, then I'll let you borrow mine kasi naiiyak ka na." Kakaibang driver 'to ah!
Bakit English spokening dollar si koya driver? Tumaas na ba ang standards sa pagiging taxi driver? Tss. Kung ganoon, hindi lang pala gasolina ang tumataas, ngayon pati driver standards na.
"Where is your house?" Feeling ko tumitingin-tingin na sa'kin to si koya sa mirror eh.
"Wala akong house. Nakikitira lang ako sa mga magulang ko." Sagot ko. But with that, umalingawngaw na naman ang tawa niya sa loob ng taxi.
Nakakasakit na siya ah! May nakasulat bang clown sa noo ko at nakalipstick ba ako ng kulay red para tawanan niya ako ng ganyan? Hindi ba siya nausuhan ng pakikiramay? Kaloka!
"Ano ba koya driver, kita mo ngang emotional ang peg ko ngayon, tumatawa ka pa diyan. Makisama ka naman." Inirapan ko siya kaya lang hindi ko makita ang mukha niya kasi hindi siya nakaharap sa salamin.
"You're silly."
"Bitter lang ako pero hindi ako maanghang." Sagot ko pero narinig ko ulit siyang tumawa kahit mahina lang.
Much better kasi naging peaceful ulit sa loob ng taxi. Inalis ko na ang katawan ko sa pagkakasandal nung makita ang labas ng bahay namin.
"Dito na lang po koya driver. Magkano ang metro?" tanong ko.
This time tumingin na ako kay koya kasi napaka-improper naman kung magbabayad ako ng nakatungo diba?
Pero halos lumuwa ang mata ko nang makita ang mukha ng tinatawag kong koya driver. Literal na halos mawalan ako ng dugo dahil sa pagputla ng buong mukha ko.
Napasampal ako sa noo ko. Kinurot ko pa pati sarili ko para malaman kung totoo man 'to.
"I dont need cash so that means may utang ka sa'kin Ms. Mendiola." Nakangiting sagot niya habang nakatagilid paharap sa akin. Juiceko! Ang ganda naman ng ngiti at ngipin ng taong 'to.
"Sorry Sir Von." Juicemiyo talaga! Si Von nasa harapan ko, nakatingin at nakatitig sa mukha ko! Shit bigla naman akong naconscious! Pero wait lang, alam niya ang apelyido ko! Juicko kinikilig ako masyado!
"Drop the 'po'. Bukas kita sisingilin kaya humanda ka." Banta niya na ayos na ayos sa akin! Kahit pa magkano ang singilin niya ayos sa akin basta makasama ko lang siya. Crush ko kaya siya, super!
Pero bago pa ako mahimatay sa mala-Lee-Min-Ho nyang kapogihan, bumaba na agad ako.
"Hmm sorry and thanks," sigaw ko nung maisara ko ang pinto. Narinig niya 'yon kasi nagthumbs up siya sa'kin. Hindi maalis ang ngiti sa labi ko, napalitan ng kilig ang kaninang mabigat na pakiramdam. Maraming salamat, tadhana!
Pagkaalis ng taxi este kotse niyang mamahalin, pumasok na agad ako sa bahay saka dumiretso sa kwarto ko.
Come to think of it. Nagbreak kami ni Ram ang resulta, pumara ako ng akala ko taxi, kung anu-ano pa ang sinabi ko sa akala kong taxi driver which happened na si Von Climente pala na anak ng head at kaibigan ng ex kong si Ram at pantasya ng lahat sa school na pinapasukan ko.
Hooray may utang ako sa crush ko! So kelangan ko na atang magwithdraw pambayad kay Von maylabs. Natawa pa ako nang maisip na ako na ata ang pinakamasayang tao kahit na nagkaroon ng utang.
----
Kinabukasan, kakatilaok pa lang ng manok sa alarm clock ko ay naghahanda na kaagad ako ng towel at kung ano pang gamit para mamaya. Alam ko kasing ibubully na naman ako at wala na akong maaasahang immunity ngayon.
Handang-handa na akong naglalakad ako sa corridor pero bigla akong nagtaka kung bakit wala pang nambabato ng itlog at harina sa'kin kahit nakalahati ko ng lakarin ang hallway.
Liliko na ako nang biglang may tumawag sa akin.
"Hey, Tanya Mendiola." At heto't palapit na sa akin ang taxi driver ko kahapon. Sakto naman dahil nakapag-withdraw na ako kanina kay Mama, mabuti na lang.
Ngumiti ako, "Hey too." Parang tanga na sagot ko.
Nasa harap ko si ultimate crush kaya dapat lang magpaka-prim and proper.
"Why so cute? Anyway sisingilin na kita ngayon." Pakiramdam ko biglang nagkaroon ng blush on sa pisngi ko dahil sa narinig kong compliment galing sa kanya.
At bago pa ko makapagsalita, he did pinched my cheeks and then tumakbo na siya palayo. Mas lalo tuloy mamumula ang pisngi ko dahil sa kurot niya, dinagdagan pa niya ang aftershock nung sinabi niyang 'why so cute'. Kainis, ang aga aga pero kinikilig na agad ako.
Hindi pa ako nakakamove-on nang marinig ko ang pangalan ko.
"Calling the attention of Ms. Tanya Mendiola, BSBA student, please proceed to the quadrangle now."
Ito na ba ang pinaghandaan ko kanina? May bully session na ba? Kelangan talaga i-microphone ang gagawin nilang pambubully sa akin?
Bumilis ang lakad ko nung inulit ang pag-page nila sa pangalan at course ko. Pero nabigla pa ako nang makita kung gaano kadami ang tao sa quadrangle. Masyado ata akong naparanoid nung akmang aatras ang mga paa ko. Paanong hindi kung mukhang may bagong technique ata sila.
"Come here on stage Ms. Tanya Mendiola."
Nagtago ako sa likod ng mga tao saka dahan-dahang umatras.
"Again. Come here on stage Ms. Tanya."
Paalis na ako nang biglang may tumapat sa akin na ilaw. "On stage Ms. Tanya." Nasilaw pa ako dahil nakatapat 'yon sa buong spot kung saan ako nakatayo. Pati ata anino ko nasilaw na.
Wala akong nagawa kundi sumunod.
Napilitan akong umakyat. Hindi madali sa akin 'to pero baka lalo lang silang magwala kapag hindi ako sumunod. Baka imbes na ketchup lang ang ibato sa'kin, iupgrade nila sa dugo. Takot ko na lang.
Kaya lang pag-akyat ko, nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ram na may hawak na boquet of flowers.
Ano 'to? Hindi ba bully session 'to? Makikipagbalikan ba si Ram? Naku kung 'yon ang lalabas sa bibig niya, aalis talaga ako rito. Ayos lang kung ibully ako tutal napansin ako ni Von kanina.
"Tanya, Im sorry about last time," bulong niya sa'kin.
"You're forgiven Ram," pabulong din na sagot ko.
Lumapit siya sa'kin saka hinawakan ang kamay ko.
"Thanks. Don't worry, you are still under protection. No one will dare bully you. Takot lang nila." Binitawan niya ang kamay ko sabay tawa nya.
Bigla tuloy akong naguluhan. Paanong may protection pa ako kung nawala na ang immunity niya para sa'kin? Eh dadalawang tao lang naman ang kayang magbigay ng immunity. Siya at ang bestfriend niyang si Von.
"Ram what is this all about?" nagtatakang tanong ko. Nakakunot ang noo ko nung ngumisi siya.
Kumindat siya't bumuka ang bibig niya para magsalita. "Tanya will you be---" pero pinutol ko na kaagad kung anuman ang sasabihin niya. Alam ko na yun eh, makikipagbalikan siya.
Desidido na akong hindi siya balikan. "Ram, Im sorry pe---" hindi pa ako tapos magsalita pero pinatahimik din niya ako in return.
"Im not yet finish. Don't ruin the momentum. Going back. Will you be---" hindi niya tinapos ang sasabihin niya dapat nang may magsalita sa background.
"My girlfriend?" At lumundag ang puso ko dahil paglingon ko, si Von na nakasuot ng lapel habang may hawak na bulaklak.
Nakangiti siya ng sobrang lawak kaya lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Juiceko, panaginip ba 'to? He want me to be his girl? Grabe! This is too good to be true.
Unti-unti siyang lumapit sa'kin habang nagsisigawan ang mga tao. Hinampas niya si Ram nang makalapit siya sa amin. Binigay niya sa'kin 'yung hawak niyang flowers at nakipag-apir siya kay Ram pagkatapos.
"Ito ba ang pambayad sa utang ko?" 'Yon na lang ang tanging lumabas sa bibig ko kasi seryoso, Im totally speechless. Hindi lang basta speechless, pati ata kaluluwa ko humihiwalay na sa katawan ko!
"Yeah. So, don't dare say 'no' 'cause I can sue you. I will repeat, Tanya Evangelista Mendiola, will you be my girl?"
Kaya lang bumigat ang pressure nang magtilian ang mga tao at nagkanya-kanya sila ng sigaw.
Sagutin mo na.
Swerte mo Girl, si Von Climente na yan!
Say Yes, say yes!
Nakakabinging hiyawan at tilian na lang ang tanging maririnig sa quadrangle. Kaya paano akong tatanggi kung may sumisigaw na sagutin ko siya? Tsaka paano naman akong hihindi kung mismong puso ko sumisigaw din ng malakas na 'OO'?
"Ultimate crush kita so why would I answer you 'NO? So it is a YES!" Overwhelming para sa akin ang moment na 'to pero sumasabay na lang ako sa flow at mamaya nalang ako magtataka kung paanong nangyayari ang mga bagay na 'to.
Napasigaw din sya ng 'Yes sa wakas', saka binuhat niya ko at pinaikot-ikot.
"Well, I'm also your ultimate secret admirer but that stupid Ram courted you without me knowing. But thanks to him, I already got you now." Nakakakilig na litanya niya.
Ang dami pang tanong sa isip ko kaya lang sabi ko nga, mamaya na ang mga 'yon. I will savor this moment first.
"Tans, bakit hindi ka man lang nagpaligaw sa torpe na 'yan?" sigaw ni Ram.
Nilingon ko siya from behind and mouthed the words 'Thank You'.
Thank You, kasi nakipagbreak siya sa'kin. Ang main reason kung bakit abot-kamay ko na si ultimate crush.
"I will never be your Ex 'cause I'll always be your present." Nakangiting dagdag ni Von na tagos hanggang bone marrow. Juiceko! Maniniwala na ako kay kumareng forever kung ganun!
We hugged kasabay ang tilian ng mga tao, kasama ako.
Thank You, Ram.
Thank You, Ex.
BINABASA MO ANG
Write A Shot: Rom-Com
MizahRomance and humor, combined together will make you feel happy in love. Read our entries for TheOfficialWU's September Contest; Rom-Com Short Story Contest hosted by Admin RuputhChepel