18

1K 46 7
                                    


I'm in love.

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa realization na yan. Kailangan lang pala ng close proximity at ng sayawan para maramdaman ko yun.

I went back on my trance nung naramdaman kong may humila sa buhok ko.

"Eat," sabi ni Troy saka dinagdagan ng fried rice ang plato ko.

I smiled at him at pinagpatuloy ang pagkain ko. Kaming dalawa lang ang magkasabay na kumakain ngayon, tinanghali na kasi kami ng gising sa magkaibang dahilan. Si Troy dahil lasing at may hangover ako naman hindi makatulog kakaisip sa estado ng puso ko.

"Tss. Tapusin mo muna yang kinakain mo bago ka magdaydream," sabi ni Troy.

"Ang sungit mo talaga pag may hangover ka," I huffed.

Hindi na niya ko pinansin kaya tinitigan ko siya. I chuckled nung makita kong kunut na kunot ang noo niya habang dahan dahan pang sumusubo.

"What?" tanong ni Troy.

I pinched his cheek then smiled widely, "Ang kyut mo kapag nagsusungit, para kang si Kuya Trystan"

"Hindi naman masungit si Kuya"

"Sa atin hindi, pero nakita ko na siyang magsungit"

He shrugged at hindi na ulit sumagot kaya nagpatuloy na lang ulit ako sa pagkain. Sa kwarto kami ni Troy tumambay at nanood ng movie, but I was too preoccupied at my thoughts to understand the flow of the story. Bumalik lang ako sa trance ko nung hilahin ni Troy ng mahina yung buhok ko.

"What are you thinking?" tanong niya while looking intently at me.

I smiled at him tapos sumandal ako sa balikat niya. "I think I'm in love," I said.

Hindi agad siya nagsalita kaya bahagya akong lumayo at tiningnan yung reaksyon niya. He tilted his head at nakakunot ang noo niya habang nakatitig sakin. Then he smiled at me and ruffled my hair.

"Troy!" saway ko pero tinawanan niya lang ako.

Sumandal ulit ako sa balikat niya saka tumingin sa TV.

"Wala ka bang comment sa sinabi ko?" tanong ko.

"Ano ka, facebook? At yung sinabi mo facebook status mo na kailangan kong magreact at magcomment?" sabi niya ng pabiro.

Hinampas ko yung braso niya pero tumawa lang siya, "Seryoso kasi!" I hissed.

He shook his head but the humor in his eyes were still there.

"You know that i'll always support you all the way if it makes you happy. Just be cautious, okay?" sabi niya saka pinisil yung pisngi ko.

I smiled at him saka ko inakbay yung braso niya sa balikat ko at niyakap ko siya sa bewang. "The best the talaga"

He shrugged, "You know what to do then," he said. "Wala ng libre sa mundo"

I chuckled then stood up. Lumabas ako ng kwarto niya at pumunta sa kusina. Naabutan ko si Tito Great na nagluluto na ng lunch.

"Tito.." I called.

"Crêpe?" tanong niya.

I smiled at him while nodding. Sanay na sakin si Tito Great. Crêpe lang naman kasi ang dahilan ko kung bakit ako napapadpad sa lutuan nila.

"May ingredients sa ref, go prepare it while I'm finishing this," he said and I willingly obliged.

Pagkatapos kong gumawa ng banana crêpe, sabay sabay na kaming kumain ng lunch. Kumpleto sila since Tai insisted na umuwi ng tanghali para dito kumain every Saturday.

"Why Kuya's dessert's different?" tanong ni Tai sabay turo sa crêpe.

"It's their thing. Hindi ka pa nasanay," sabi naman ni Tan.

Napailing na lang ako. The twins didn't stop bickering hanggang sa sawayin sila ni Tito Great. Tahimik kaming natapos sa pagkain and Troy offered me a ride but I declined it.

"Are you sure?" tanong niya.

I nodded, "Magpahinga ka na lang, matutulog ka lang din naman sa sasakyan," sabi ko.

He smiled then ruffled my hair which earned him a punch in his arms. "Ouch!"

I stuck my tongue out then immediately hopped inside the car para hindi siya makaganti. I settled inside the passenger's seat then opened the car window. Troy leaned down to level me then he reached for my hair and ruffled it again.

"Troy!" I grunted pero tinawanan niya na naman ako. Pasaway.

"Text me when you got home," sabi niya bago tumuwid ng tayo.

I waved my hand then smiled at him. He smiled back then copied my gesture which made me laughed.

"Bye sa inyong lahat," paalam ko bago umandar ang sasakyan.

I texted Troy and Tita Honey pagkapasok ko sa bahay. I locked the door and went upstairs saka nagpalit ng damit at humiga sa kama. Good thing wala akong hangover. Troy told me na ang pangit sa pakiramdam ng masakit ang ulo dahil sa hangover kaya wag ko na daw subukan uminom ng alak. Wala naman kasi talaga akong balak ubusin yung isang baso kagabi, magaling lang talagang magendorse si Ethon.

I chuckled at the thought.

Pumikit ako then nagflashback yung nangyari kagabi. I can't help but smile. Kinikilig ako. Ganito pala yung feeling na mainlove, ang sarap lang. Parang lahat sa paligid ko kumikinang kahit maalikabok na kasi hindi pa ko nakakapaglinis ng bahay. Kinuha ko yung malaking teddy bear sa tabi ko saka niyakap ng mahigpit. Nakakagigil. Naeexcite ako at parang gusto ko siyang makita pero hindi ko naman alam kung nasaan siya kaya kinuha ko na lang yung phone ko at binuksan yung instagram.

I was a bit disappointed nung makita kong walang update si Ethon pero ayos lang, hindi naman madalas magpost yun hindi kagaya ni Nico na hindi yata mabubuhay kapag hindi nakapagpost sa IG once a day.

Naghanap ako ng picture na kinuhanan ko kagabi saka ko siya pinost sa IG ko. Picture lang ng mga nagsasayaw sa dancefloor pero nakahighlight yung party lights sa taas at silhouettes lang ng mga tao ang kita. Nilagyan ko ng caption na 'unforgettable' at ilang seconds lang, napusuan agad ni Nico saka nagcomment pa ng kamay na nakathumbs up. Napangiti at napailing na lang ako. I was about to close the app when a notification popped up on the screen.

Ethon Esguera requested to follow you on instagram.

A waved of excitement hits me kaya mabilis kong kinlick yung check para iaccept ang request niya. Then, ilang segundo lang may nareceive ulit akong notification.

Ethon Esguera liked a photo you posted.

If I'm Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon