"Special lugaw for three! Here we go!" Nico announced when he got back to our table with our orders.
I smiled at him saka tumayo para tulungan siyang maghain. Pinanood lang kami ni Ethon hanggang sa salinan ko ang mangkok niya ng bawang, paminta at kalamansi. Tahimik akong kumain pagkatapos kong timplahan ang akin.
"Sayang, wala si Troy," sabi ni Nico.
Tumingin ako sa kanya saka ngumiti "Bakit? Miss mo na siya?" tanong ko.
"Hindi kami talo oy! But seriously, mas okay kasama si Troy kesa dito sa pinsan ko. Tingnan mo nga, ayaw na namang galawin ang pagkain. Tsk"
Napatingin ako sa mangkok ni Ethon. True enough, ni wala pang bawas yung kanya samantalang halos paubos na yung samin. I heaved a sigh and looked at him.
"You don't believe me, do you?" I asked.
Ngumiti ako sa kanya saka umiling at kinuha ang mangkok niya. He doesn't have to answer me. Mas okay na hindi na lang niya sagutin. That way, it would still be tolerable.
"Sayang.." I said without looking at him and started eating again. "Masyado 'tong masarap para hindi kainin," I shrugged.
"Agree," Pagsang-ayon ni Nico na umorder pa ng isa.
Napahinto ako sa pagsubo nang biglang hawakan ni Eton ang wrist ko. Nagtataka akong tumingin sa kanya at napamaang nang dahan dahan niyang ilapit at hilahin palapit sa kanya yung kamay ko na may hawak na kutsara. I watched him tasted the food. Parang slowmo ang nangyari. I was speechless nang ulitin niya ulit yun habang nakaalalay parin siya sa kamay ko. Feeling ko tumigil sa pag-ikot ang mundo. Ang dating, parang sinusubian ko siya.
"Hhm.." Tumango tango pa siya na parang nasatisfied sa kinain. "Not bad," sabi niya at binitawan na ang wrist ko.
Nico cleared his throat then shook his head, tapos nagpatuloy na lang sa pagkain at hindi na lang nagkomento.
Ethon frowned at me when he caught me staring saka tinagilid ang ulo niya at ngumisi. "You like me that much ha? Let's see.." sabi nito saka tumayo at tinapik ang balikat ni Nico para magpaalam nang umalis.
"What was just happened?" nagtatakang tanong niya pagkaalis ni Ethon.
I sighed and shook my head. "I don't know either"
I heard him sigh, "Lala.."
"Hindi niya nagustuhan"
"Sabi sayo, maselan talaga yon"
Umiling na lang ulit ako saka tumingin sa labas. I bit my lower lip when I remembered how he held my hand. Ang lambot ng kamay niya at ang init. A small smile formed my lips as I lifted my hand and pressed it on my cheek.
“Malala ka na,” komento ni Nico habang pinapanood ako.
Mas lalo lang lumaki ang ngiti ko. “Ganito pala ang feeling nang may nagpapakilig,” I chuckled.
Nico shook his head and just ignored me and continued eating. Pagkatapos naming kumain, umalis na din si Nico habang ako naman, hindi na maalis ang ngiti sa labi ko.
*
"I don't feel like studying," sabi ni Troy nang makasakay ako sa backseat ng sasakyan niya.
I tilted my head and stared at his back. Nakahilig siya sa upuan at kita ko sa side mirror ang pagpikit niya. Napailing ako. Hindi naman tamad mag-aral si Troy pero minsan talaga sinusumpong lalo na kapag unang araw ng eskwela. Well, nakakatamad naman talaga dahil wala pa namang ginagawa kaya naiintindihan ko ang sentiments niya about schooling.
BINABASA MO ANG
If I'm Not In Love
Teen FictionThey say "Chase your dream" so im chasing mine and it's you.