I got a new routine from my daily life. At yung routine na yun, included na si Ethon.Hindi pa din siya pumapalya sa paghatid at sundo sakin. Plus, gabi-gabi pa siyang tumatawag hanggang sa makatulog na 'ko. It feels like a dream come true, pero dahil feeling ko nga na nagbago na 'ko, hindi na ako makuntento dun kahit sobra-sobra na yung nangyayari sa naimagine ko. I'm becoming demanding.
Ilang linggo na rin kasi kaming ganoon lang, pero walang progress yung dating status ko. Zero pa din! Hindi lang pala ako nagiging demanding. Nagiging impatient na din, which I do not like. Dahil sa lahat ng meron ako, yung mahabang pasensya ko ang pinaka-proud na meron ako, tapos mawawala pa? No! It can't be!
“Uy,” Troy pulled my hair lightly, stopping my inner battle with myself, “Problema mo?” he asked when he saw my contorted face.
Ngumuso ako at hindi na nagdalawang isip pa na sabihin yung gumugulo sa isipan ko. Maybe he can do something about it. He can solve anything anyway.
“I'm getting impatient and demanding. Hindi naman ako ganito dati, di 'ba?” sabi ko.
Tinitigan niya ako nang matagal bago nagsalita, “How?” nagtatakang tanong niya.
I cupped my face as I propped my elbows on my desk, “Hindi pa kasi kami nagdi-date ni Ethon. I'm getting impatient for that, and I badly want to demand a date with him!” I whined.
Hindi agad nagrespond si Troy sa sinabi ko. Probably shocked at my sudden desire. Kahit ako, never kong naimagine na magkakaganito ako. Siguro ganito talaga kapag in love tapos narereciprocate yung love. But I wasn't sure about the last part though. Tss. Assuming na din yata ako!
“There's nothing wrong to ask him first for a date. But on the other thought, its better to wait. It's more memorable and ego-booster,” he said, emphasizing the last word.
I pouted, then I nodded, easily convinced.
Troy always knew the right thing. I knew it. Kaya nga proud akong best friend ko siya. Not because of the bragging rights, pero siya kasi ang adviser ko kapag naguguluhan ako sa isang bagay or hindi makapagdesisyon, parang ngayon. And he never fails me.
I was busy then enumerating good traits of him when he suddenly added, “Let's date”
Gulat akong napabaling sa kanya. At bumungad sakin yung infamous smirk nila. Suddenly, parang huminto yung pintig ng puso ko habang nagtititigan kami.
“A practice for your official date with Ethon,” patuloy niya nang hindi ako agad nakaimik.
I blinked several times. At nung nagsink-in na finally yung sinabi niya, hindi ko na napigilan pa ang abot tengang ngiti ko. Sure, it sounds weird. Sino ba naman ang nagpapractice para sa date? Pero para sakin, walang weird doon dahil si Troy naman ang kasama ko at alam kong magiging perfect ang date namin ni Ethon after the practice.
Naexcite tuloy ako bigla.
Enthusiastically at walang pag-aalinlangan, I nodded vigorously which made Troy chuckled. He then ruffled my hair. Magrereklamo na sana ako, pero inayos niya din naman kaya hindi na ko umimik pa.
“Clear whatever your schedule tomorrow. Sakin lang dapat ang buong araw mo bukas,” he stated.
Nilagay ko yung kamay ko sa tapat ng noo ko na parang sundalo habang ngiting-ngiti, “Yes, Sir!” I replied.
He didn't say about the details anymore though. Ang sabi niya lang, maaga akong gumising dahil maaga niya kong susunduin.
I informed Ethon last night na magiging busy ako today kaya hindi ko masasagot ang tawag niya, if ever na tatawag siya. He asked why, at sinabi ko naman na may gagawin kami ni Troy. Glad that he didn't probe anymore, kasi, ayokong magsinungaling dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na 'magpapractice kaming magdate para perfeft yung first official date natin once niyaya mo 'ko’. Ano na lang iisipin niya nun?!
BINABASA MO ANG
If I'm Not In Love
Teen FictionThey say "Chase your dream" so im chasing mine and it's you.