28

969 37 11
                                    

I sighed when I got a reply from Troy. He said he understands, pero hindi ako mapakali at nagiguilty ako dahil umoo na ako e, and I'm a woman of my words.

"Are you sure that you like me?" tanong bigla ni Ethon which made me forgot my dilemma.

I looked at him and frowned. "Oo naman," I lied because that truth is.. mahal ko na siya.

"But you don't look happy, now you're here with me," he commented.

Mas lalong napakunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya, but my phone beats me when I felt it vibrated. I checked it and saw Troy's another message. Napangiti na lang ako nang nabasa ko ang text niya.

From Troy: I'll fetch you tom and you're gonna cook my fav, like usual.

I immediately replied yes without any thought. What for? May kasalanan ako kaya bakit ako magrereklamo? He really knew how to make me compensate though.

"Troy?"

"Huh?" nagtatakang napabalik ako ng tingin kay Ethon.

"You're texting Troy?" he asked.

I nodded then stowed my phone inside my bag. Humilig ako sa upuan saka tumingin ulit sa kanya. "Sasamahan ko kasi siya dapat ngayon na bumili ng gift for his Mom kaso kinidnap mo ko," I chuckled.

He gave me a second glance, pero hindi na nagreact kaya I took advantage of the situation na at pinanood ko siyang seryosong magdrive. I really have a penchant for drivers. Ang cool kasi tingnan, kaya nga minsan kinukulit ko si Troy magdrive e. Kaso, tamad talaga.

"Saan to?" tanong ko nang tumigil kami sa tapat ng saradong bar.

Hindi siya sumagot at bumaba na agad ng sasakyan. Binasa ko muna ang name nang bar bago lumabas at sinundan si Ethon papasok sa loob.

"Sarado pa Ethon!" pigil ko sa kanya kaso, tuluy-tuloy pa rin siya kaya sumunod na lang ako.

"Good afternoon, Sir!" bati sa kanya nang isang staff.

Napakunot ang noo ko saka tumingin kay Ethon. I saw him staring at me then he grinned when our eyes met.

"My family owned this.." sagot niya sa unspoken question ko.

I nodded in understanding. Naupo kami sa pinakasulok na couch. Inutusan niya ang waiter na kumuha ng beer at pulutan.

"Hindi ka nainom di ba? Anong gusto mo?"

Hindi ko napigilan ang ngiti ko. Bigla akong kinilig sa tanong niya. Ganito pala ang feeling na nababasa ko sa libro na kapag naaalala nang guy ang little things about sa girl. Ang sarap sa feeling.

"Mango juice," I chirped.

His forehead creased. "Ano pa?"

Umiling ako dahil kuntento na naman ako. Siya nga lang, sapat na.

"Give her fries and nachos," sabi nito. Nakita niya kong nakatingin sa kanya kaya nagkibit balikat siya. "Magugutom ka. Mamaya pa tayo uuwi," sabi nito.

Hindi na lang ako umimik. Sino ba naman ako para tumanggi? This is just a rare occasion na gusto niya 'kong makasama. Hindi ko pa nga inakala na makakasama ko siya, yung kaming dalawa lang talaga. Maybe tumatalab ang step by step ways ko na hindi ko na naman talaga nasunod since biglang nag360 degrees ang sitwasyon. Destiny na siguro ang nagawa ng paraan para sa amin.

"Magpapakalasing ka ba?" tanong ko habang nakatingin sa kakalapag lang na bucket ng beer.

"This will be the last. I'm quitting"

If I'm Not In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon