"Get in," he said and stepped aside to give way.I stared at him in awe. Hindi agad ako nakakilos kung hindi lang dahil kay Nico na siniko ako.
"Sakay na," bulong pa ni Nico sakin.
I nodded my head at wala sa sariling naglakad palapit sa itim na sports car. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko habang humahakbang ako palapit sa kanya. I've never been this shy to anyone. Tahimik akong sumakay sa kotse niya, calculating what to say habang nasa byahe kami pero wala akong maisip. Biglang nablanko ang utak ko for the first time at ang tanging nasa isip ko lang ay si Ethon na hindi ako makapaniwalang ihahatid ako pauwi sa bahay.
Ganito pala ang feeling. Nakakakilig at ang sarap sa pakiramdam. Hindi ko mapigilan ang pagngiti ko kaya tinutok ko na lang ang mga mata ko sa bintana ng sasakyan.
"Hindi kita maihahatid kung hindi mo sasabihin sakin kung saan ka eksaktong nakatira," he blurted out.
I bit my lower lip at napakunot ang noo ko. Only trusted person lang ang nakakaalam ng address ko. Tumingin ako sa kanya at nakita kong salubong na naman ang mga kilay niya. I smiled at the sight of him. He looks so manly. His aristocrat features were more defined whenever he's in a very serious expression. Hindi man siya magsalita kuntento na 'ko sa ganito. He made me speechless anyway.
"Dalawang bahay pagkalagpas sa lugawan ni Nanay Milly," I tilted my head, "Tanda mo ba?" I asked.
He glanced at me, pero saglit lang at ibinalik agad ang tingin sa daan. Hindi na ulit siya nagsalita na para bang hindi niya narinig ang tanong ko at tahimik na lang na nagdrive. Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang mga salitang gustong kumawala sa bibig ko saka pilit na ngumiti. I should be contented with this.
Hinagod ko na lang nang tingin ang loob ng kotse niya. Wala naman akong alam sa mga sasakyan pero alam ko naman ang itsura ng sports car. Wala naman akong hilig sa ganito saka can't afford ko naman bumili ng isa kaya hindi ko na pinangarap pa.
"Mahilig ka rin pala sa sports car," nasabi ko na lang.
He briefly glanced at me, but didn't say anything again afterwards. Tahimik lang siyang nagdrive kaya hindi ko na ulit sinubukan pang magsalita hanggang sa makarating kami sa kanto malapit sa bahay namin.
"Ihinto mo sa tapat ng puting gate," Sabi ko pagkalagpas namin sa lugawan ni Nanay Milly.
Itinigil niya ang kotse sa tapat ng bahay namin. He stared at our house for a few seconds before unlocking the door para makababa ako ng kotse. Hindi muna ako bumaba agad at hinintay ko muna siyang tumingin sakin saka siya nginitian.
"Thanks.." I said.
Hindi siya sumagot o ngumiti man lang. He didn't have any reactions about it. Nag-iwas lang siya ng tingin at hinintay akong makababa bago niya paandarin ang sasakyan nang hindi man lang hinintay na makapasok ako ng gate namin. Napailing na lang ako. Life is so much better when we expect nothing from anyone.
I heaved a long sigh saka tuluyan ng pumasok sa loob ng bahay. Una kong nakita ang bag ko na nakapatong sa center table. Napangiti ako at napailing ng lapitan ko ito at mabasa ko ang maliit na note. Troy really knew how and when to make me smile. Kinuha ko agad sa loob ng bag ko ang phone ko saka siya tinawagan.
"The owner of this number you are dialing is trying to sleep, please tell immediately what you wanted to say," Troy answered in a monotone voice.
I chuckled. "You're lying. Ang aga pa kaya!" I said.
Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya at ang ibang mga boses pa na nasisiguro kong sila Tan-tan at Tai na nag-aasaran na naman.
"We're in the kitchen, Tai unexpectedly wanted to learn how to cook," he announced.
BINABASA MO ANG
If I'm Not In Love
Teen FictionThey say "Chase your dream" so im chasing mine and it's you.