Chapter 3

29 0 0
                                        

Naging blurred na lahat ng pakiramdam ni Andrea, Nawala na siya sa liwanag. Nagdilim na ang lahat sa kaniya.

Umaga na siya nagising. Nanghihina siya na akala mo ay natulog siya ng isang taon.

Nauuhaw din siya at babangon sana siya para kumuha ng tubig ng biglang bumukas ang pinto at....

"Oppppps! Stay there. Ako na ang kukuha niyan." Sabi ng boses na nagdala sa kanya sa Hospital.

Pag angat niya ng ulo niya ay, nakita niya ang pinakguwapong nilalang na sumira ng sidecar niya.

"Walanghiya ka!!!!" yun ang unang lumabas sa bibig niya.

" I know im sorry sa ginawa ko." Puno ng emosyong sagot nito.

"Papatayin kita." Galit na sabi nito.

"Eat your food muna bago mo gawin yan sa akin. Kailangan mo ng lakas na gawin yan. Sa ngayon alam kung hindi mo pa kaya. And im sorry for everything."

Tumingin siya sa mukha nito, nakita niya na sincere ito sa paghingi ng tawad. Natahimik siya at nagdasal.

"Lord talaga bang gusto mo na akong maging kriminal. Bakit inilalapit mo sa akin itong taong gusto kung patayin ." Dasal niya.

"Here's your water. And please eat . I bought your food outside. Hinatid ko na rin si Lani. Yung batang sumama sa akin kagabi para dalhin ka dito sa Hospital."

Kahit nagtatalo ang isip niya at puso niya ay kinuha niya ang pagkain.

"Saka ko na iisipin ang plano ko sa gagong ito pag malakas na ako. At tama siya . Wala akong lakas ngayon para patayin ito. Kailangan kong magpalakas. Para makaganti ako dito sa lalaking ito."sabi ng isip niya.

Kumain siya at doon pa lang niya naramdaman na gutom na gutom pala siya. Kinuha niya ang baso saka iinom na lang sana siya ng biglang magsalita ang lalaki.

"Urhhhmmm,!!"

Nasamid siya dahil sa gulat. Inubo siya ng husto.

"Ako bay papatayin mo?"inis na tanong nito.

Lumapit naman kaagad ang lalaki para haplusin ang likod niya, para guminhawa ito.

Nag iba ang pakiramdam niya sa paghaplos nito sa likod niya na pinakakalma ang pagkasamid niya.

"Bakit naman kita papatayin, kung papatayin kita di hindi mo na ako mapapatay."painsultong sagot nito.

"Gago ka rin ano! Nang-insulto ka pa.

"Hindi naman." Nakangiting sagot nito. Naaliw siya dito sa babaing ito.

"Im sorry kung nagulat ka. Gusto ko lang sanang magpakilala sayo."

"Bakit ba ang bait bait ng gagong ito ngayon. Noong isang araw akala mo demonyo sa kademonyohan."sabi ni Andrea sa isip niya.

"By the way, my name is Joshua Dela Fuente. Ikaw anong name mo?"

"Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga kaaway." Matigas na sagot niya.

"Look I am sorry, andito ako humihingi ng tawad, papalitan ko yung side car mo ng bago."

"Ganyan naman kayong mayayaman eh. Ang akala niyo lagi nabibili niyo lahat ang tao. Ni hindi niyo inisip ang feelings ng isang tao na sinasaktan ninyo. Ang pera lang ninyo ang pinapaikot ninyo." Umiyak na siya ng tuluyan.

Doon na hindi nakatiis si Joshua . Sa lahat ng ayaw niya ay yung umiiyak sa harap niya ang isang babae, niyakap niya ito.

" I am sorry Andrea. Alam ko, naging gago ako nong gabing iyon, ni hindi ko man lang inisip ang lahat bago ko sagasaan ang sidecar mo. Im not in the mood din kasi nong gabing yun, kasi galing pa ako ng manila. At kaya ako bad trip eh dahil pinauwi ako ng mama ko para lang ipakilala ang babaeng pakakasalan ko na hindi ko naman gusto."

"Hindi naman talaga ako ganon kasama. Patawarin mo na ako ."dagdag pa ni Joshua.

Tulo pa rin ang luha niya habang yakap-yakap siya ni Joshua, saka nag iiba ang nararamdaman niya sa pagkakayakap ni Joshua sa kanya.

HInalik halikan naman ni Joshua ang ulo niya. Hanggang sa nadadala na rin si Andrea sa paghalik halik ni Joshua.

Ng biglang pumasok ang nurse na magchecheck kay Andrea. Nagulat sila at sabay na naghiwalay.

"Mam, Andrea, ichecheck ko po kayo kung ok na kayong lumabas."

Hindi alam ni Andrea na kinindatan ni Joshua ang Nurse.

"Eh mam Andrea, may iba pa pong findings ang doctor eh, kaya hindi kayo makakalabas muna. "Medyo serious po. Sabi ng doctor kanina itatransfer daw kayo sa Manila."

"Hah!!! Bakit? Akala ko lagnat lang ito?"

"Kausapin niyo po ang doctor mamaya pag binisita kayo Mam Andrea."

"Ok," sabi na lang niya. Pero kinakabahan siya dahil hindi niya alam kung anong sakit niya. Ang alam niya ay healthy siya.

"Joshua? Bakit? " tanong niya kay Joshua.

Di niya malaman kung anong klaseng tanong ang tinanong niya dito. Basta ang feelings niya ngayon ay helpless siya.

"Im so sorry. "Sabi din ni Joshua. Nagiguilty siya. Kasi may kalokohan siyang sinabi sa doctor.

Binilin niya kasi ang doctor na sabihin yun para maisama niya si Andrea sa Manila. Hindi rin niya alam ang dahilan.

Sa kauna unahang pagkakataon nakita niya si Andrea na hindi palaban. Na hindi galit sa kanya.

"It's alright I'm always here. I will take care of you." Hindi napigilan ni Joshua na lumabas yun sa mismong bibig niya.

"Ano ba itong nangyayari sa akin,"sabi ni Joshua sa isip niya.

Umiyak ng umiyak si Andrea at yakap yakap naman siya ni Joshua. Hindi nagtagal ay pumasok ang doctor.

"Andrea, I have to be very honest with you. You need to go with Joshua sa Manila para doon ka mag pagamot."

"Doc ano po bang sakit ko maliban sa lagnat?"

"May ano sa baga mo. Baka nalamigan." Sabi ng doctor habang kinakamot ang ulo.

Ninerbiyos naman si Joshua at baka mahalata ni Andrea na niloloko lang siya ng doctor at yun ay utos niya sa nurse at doctor. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito. Ang alam lang niya ay ayaw niyang iwanan pa si Andrea sa Lugar na iyon. Gusto niya itong isama dahil ang rason niya ay, makabawi o makabayad man lang sa ginawa niya sa dalaga.

"I know naaawa lang ako sa kanya."dagdag pa ng isip niya.

"When can we transfer her to Manila doc?" tanong ni Joshua sa Doctor.

"As soon as possible Mr. Dela Fuente."

Nakatulala lang si Andrea. KInakabahan siya at hindi niya alam kung anong gagawin niya.

"So pahinga ka na Andrea dahil bukas na bukas din ay sa Manila ka na ikoconfine ulit." Nakangiting sabi ng Doctor.

Walang nagawa si Andrea kundi mahiga ulit at matulog. Natatakot siya talaga . Nakatingin lang si Joshua sa kanya.

Nakatulugan niya ang pag-iisip, She woke up in the morning sa mabining pagyugyog ni Joshua sa kanya.

"Andrea, we have to get ready sweetie. The Helicopter is arriving soon. "

Nagulat siya. Akala niya nananaginip pa rin siya. Ang ganda sana ng panaginip niya pero naputol dahil sa pang iistorbo ni Joshua sa kanya.

"Hah!!!! Nasan na ba tayo?" gulat niyang bangon.

" Easy andito pa tayo. Hindi pa tayo nakakaalis. "nakangiting sabi ni Joshua.

Napasimangot naman siya dahil naistorbo ang tulog niya.

Ano ang mangyayari kay Andrea sa Manila. Magkakasundo ba sila ni Joshua ngayon araw araw na silang magkakasama?

Abangan.....

Bakit Ngayon Ka Lang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon