Chapter 7

24 0 0
                                    

Galit na galit si Joshua sa mama niya. Kinuha niya ang 1 million at inilagay sa wallet. Wala namang masabi pa si Andrea. Ramdam niya ang galit ni Joshua. Kaya hindi na siya nagsalita pa. Lumabas siya ng Kuwarto habang nasa banyo si Joshua. Gusto niyang personal na ihanda ang pagkain nilang dalawa ng nobyo.

Kinaumagahan ay nagpaalam si Joshua kay Andrea na uuwi sa kanila.... Sinabihan niya si Andrea na baka dalawang araw siya sa probinsiya. Andrea assure him na walang problema. Dala dala ni Joshua ang 1 milyon na ibinayad ng mama nit okay Andrea.

Inabala naman ni Andrea ang sarili sa pagdidilig ng mga halaman at pag luluto ng kung ano ano. Gusto niyang matutong magluto para kay Joshua. Inayos din niya ang mga gamit sa kuwarto ni Joshua.

Samantala .....

Kadadating ni Joshua sa kanila. Tuwang tuwang ang mama niya ng dumating siya. Pormal lang si Joshua pero hindi niya kinalimutan ang galangin ang mama niya.

"Joshua iho, mabuti naman at nakauwi ka. Andito pa si Carla. Mabuti nahintay ka niya."tuwang salubong ng mama niya.

Umaga ng makarating si Joshua sa kanila. Minabuti niyang magdrive para makapag-isip siya ng sasabihin niya sa mama niya.

"I want to talk to you mama."pormal na sabi niya.

"Nagulat man sa tono ng boses ni Joshua ay ngumiti pa rin siya, Trying to control herself. May kutob siyang sinabi na ni Andrea ang pagpunta niya sa bahay nila.

"How did you found out my new house ma?" Tanong ni Joshua.

"I have my sources Joshua. Why did you bought a house without telling me?"tanong din ng mama niya.

"I had enough with you interfering my life ma. I just want to be with someone I want and I love."

"Is Andrea love you? I know she doesn't love you Joshua. Wake up. Open your eyes. Naaawa ka lang sa kanya dahil sa nagawa mo. Pero kaya mong bayaran yun. Actually sobra sobra pa nga ang bayad na naibayad mo. Napag-aral mo siya. Naipagawa mo ang bahay niya."

"No ma, she loves me. At huwag mo siyang akusahan."

"Im not accusing her of using you or after your money but noong pumunta ako sa bahay ninyo ay doon ko lang nalaman na she is after your money. And you know why? Because I asked her na hiwalayan ka niya. She asked me to pay her 1 million kaya nagbigay ako ng 1 milyon sa kanya. Sinabi pa niya sa akin an ang mga nagawa mo ay kulang sa pagsira mo sa buhay niya at pagsisinungaling mo. " dagdag pa ng mama niya.

Ngayon ay naguluhan na si Joshua dahil dala dala niya ang 1 milyon at ang sabi ni Andrea sa kanya ay ang mama niya ang nagbigay ng 1 milyon sa kanya bayad nito para lang hiwalayan si Joshua. Bakit ngayon iba ang sinasabi ng mama niya. Sino ang paniniwalaan ni Joshua?

"Ma, don't lie to me. Here is the check. Ibinigay ni Andrea sa akin yan. Sinabi niya lahat sa akin."

"Sinungaling siya Joshua. Now kung siya ang paniniwalaan mo ay wala akong magagawa." Saka naglakad ang mama niya paakyat sa hagdan.

Naguguluhan si Joshua.

"Sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo?" paulit ulit na tanong ng isip niya.

Sinundan niya ang mama niya sa taas. Nasa study room ito. Tinitiingnan ang mga litrato nila ng papa niya.

"Ma, im sorry pero please tell me the truth. I love Andrea and I hope na matanggap mo siya."

"Joshua, Andrea doesn't love you. Pinasasakay ka lang niya dahil sa ginawa mo sa kanya at sa pagsisinungaling mo tungkol sa sakit niya. Ang sabi niya sa akin ay muntik mo na siyang patayin. Gusto niyang makaganti sa iyo."

Bakit Ngayon Ka Lang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon