"Mahal pa rin kita Andrea. Ano man ang nagawa mo ay handa kitang patawarin."
"Alam mo Joshua. Kahit pa ilang libo mo akong patawarin sa kasalanang hindi ko ginawa ay wala ring mangyayari dahil wala akong ginawang masama. Hindi ako nanghingi ng pera sa mama mo. Kaya kung mabuhay kahit wala ang pera ninyo. Isaksak mo yan sa baga mo."galit sa sagot nito sa binata.
"Naaawa lang ako sayo, dahil hanggang ngayon ay bulag ka pa rin sa maling akala mo. Bulag ka pa rin sa katotohanan. Kung pera ang gusto ko sayo ay sana pinabayaran kita ng malaki sa danyos na ginawa mo noong binundol mo ang bisikletang gamit ko sa paghahanap buhay at noong nagsinungaling kang malala ang sakit ko."umiiyak na siya.
Hindi nakakibo si Joshua. Naalala niyang totoo ang sinabi nito. Dahil ilang beses niyang ibinalik ang bagong bike kina Andrea noon ay hindi nito kinuha.
"Now if you'll excuse me. " galit na sabi ni Andrea
Saka hinila ang brasong hawak hawak ni Joshua. Naiwang nakatingin lang si Joshua sa papalayong dalaga.
"Your still beautiful as ever," bulong ni Joshua.
Pinahid ni Andrea ang luha saka bumalik sa toilet para mag ayos. Palabas na siya ng makita siya ni Christian.
"Oh, there you are. Akala ko iniwan mo na ako. " malambing na sabi ni Christian.
" Sorry Christian. Natagalan ako."
"Its my fault kasi iniwan kitang mag-isa. Now let's go and dance."
Wala na siyang nagawa pa kundi magpatianod sa gusto ni Christian. Ayaw naman niyang mahalata siyang binata.
Sweet ang tugtog. Nakita pa ni Andrea na nagsasayaw si Joshua at ang fiancée nito. Napatingin din sa kanila si Joshua. Lalo na sa kamay nilang magkaholding hands. Napansin niyang kumunot ang noo nito.
It's late in the evening; she's wondering what clothes to wear.
She'll put on her make-up and brushes her long blonde hair.
And then she asks me, "Do I look all right?"
And I say, "Yes, you look wonderful tonight."
We go to a party and everyone turns to see
This beautiful lady that's walking around with me.
And then she asks me, "Do you feel all right?"
And I say, "Yes, I feel wonderful tonight."
I feel wonderful because I see
The love light in your eyes.
And the wonder of it all
Is that you just don't realize how much I love you.
It's time to go home now and I've got an aching head,
So I give her the car keys and she helps me to bed.
And then I tell her, as I turn out the light,
I say, "My darling, you were wonderful tonight.
Oh my darling, you were wonderful tonight."
Habang nagsasayaw sila sa tugtog na Wonderful tonight ay kumapit si Andrea sa batok ni Christian. Gusto niyang ipakita kay Joshua na may ipinalit na siya.
Kinakabahan lang si Andrea dahil alam niyang magkaibigan ang dalawang lalaki. Nagulat siya ng biglang may nagsalita sa likod niya at tinapik ang balikat ni Christian.
"Pare, can I dance with your gf?"
"Sure pare basta ikaw." Nakangiting sagot ni Christian.
Magpoprotesta sana siya ay hindi na siya makapalag.
