Chapter 6

26 0 0
                                    

Masayang nagdidilig si Andrea ng halaman ng may bumusina sa labas ng bahay. Nilingon niya at nakita niya ang isang magarang kotse sa labas. Tumakbo siya at binuksan ang gate. Nakita niyang bumaba ang isang ginang. aristokrata ang dating.

"Hello po, sino po sila?"bating tanong niya.

"Andito ba si Joshua? At bakit sino ka?"

"Nasa office po siya mam, kapapasok lang."

"IM here only to talk to you. Alam kung ayaw akong harapin ng anak ko. May sasabihin lang ako sayo."mataray na sabi ng donya sa kanya.

Sa tagal niya sa Isla na pag-aari nina Joshua ay ngayon lang niya nakita ang nanay nito. Kinakabahan siya at hindi niya alam kung bakit.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala."

Hindi pinansin ng donya ang sinabi niya.

"Ayaw ko ng magtagal pa. sasabihin ko lang na huwag mong perahan ang anak ko. Babayaran kita ng 1 million para layuan siya. May GF si Joshua at ikakasal na sana sila kung wala ka. At sasabihin ko na rin para malaman mo na niloloko ka lang niya na may sakit ka. Wala kang sakit. Binayaran niya ang mga doctor sa ospital para sabihin na may sakit ka. Gusto lang ng anak ko na gamitin ka para hindi sila makasal ng GF niya."

Ngayon sa pag-papaaral ng anak ko sayo siguro naman bayad na lahat at sa pagpapagawa pa niya sa bahay mo. May malaki ka ng bahay sa Isla kaya kung puwede lang ay layuan mo na siya dahil kahit kaylan hindi ko matatanggap na isang mahirap at nagtitinda lang ng mga gulay at isda ang mapapangasawa ng anak ko."

Saka tumalikod ang donya . Iniwan ang 1million pesos sa ibabaw ng mesang naroon . Hindi nakahuma si Andrea. Hindi niya lubos maisip na ganon si Joshua. Gusto niyang magsisigaw yung ibalik ang dating siya. Pero pinigil niya ang sarili at umakyat sa kuwarto nila ni Joshua. Mula ng maging sila ay sa kuwarto na ni Joshua siya natutulog. Gentleman si Joshua dahil nirirespeto siya nito.

Hindi muna siya aalis. Hihintayin niya si Joshua at tatanungin niya ito sa kasinungalingang sinabi ng mama nito.

Hindi na niya napigilan ang sarili. Tumulo na ang luha niya ng maalala ang sinabi ng mama nito na hindi siya nito matatanggap bilang asawa ng anak niya dahil mahirap lang siya.

Ang nasa isip niya ngayon ay kung kaylan na napamahal si Joshua sa kanya ng husto saka naman nagkaroon ng problema.At kung totoo man na nagsinungaling si Joshua. Ano ang gagawin niya?

Nag-empake muna siya saka siya naupo sa sofa sa loob mismo ng kuwarto. Hihintayin niya si Joshua bago siya umalis.

Nakatulog siya sa paghihintay kay Joshua. Hindi na niya namalayan ang pagdating ni Joshua.

Kumunto ang noo ni Joshua ng makita ang bag ni Andrea na nakaempake. Hinalikan pa niya si Andrea sa labi bago niya ginising ito.

"Andrea, Andrea!! What is going on here?"

"Hmmm"iminulat ni Andrea ang mata niya at nakita si Joshua na nakaupo sa tabi niya. Nalilito ang mukha nito. Naalala ni Andrea na nakaempake pala siya bago nakatulog.

"What happen?"tanong ulit ni Joshua na itinuro pa ang mga nakaempake niyang gamit.

"Nagsinungaling ka ba sa akin Joshua? At bakit? Sabihin mo sa akin ang totoo."umiiyak na tanong niya.

Kinabahan si Joshua, hindi niya alam kung paano mag-uumpisa. Ito na ang kinatatakutan niya.

Tumikhim muna siya. Naghahanap ng tamang salita para umpisahang ipaliwanag kay Andrea ang lahat.

"Totoo ba na binayaran mo ang doctor at nurses sa probinsiya at dito sa Manila para magsinungaling na may malala akong sakit?"

"Bakit Joshua, ganon na ba ako katanga sa paningin mo?"

Bakit Ngayon Ka Lang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon