Chapter 4

29 0 0
                                        

Nakarating sila sa Manila. May kinausap na din si Joshua sa Hospital para sa drama niya. Kaya pagkapasok pa lang sa Hospital ay na-admit kaagad siya. Worried lang si Joshua dahil iniisip niya na papaano kung malaman ni Andrea na niloloko lang niya ito. "Lalong madadagdagan ang kasalanan ko." Napalalim ang paghinga ni Joshua habang inisip ang mangyayari pag nalaman na niloloko lang niya si Andrea.

"Josh, Huwag kang aalis diyan ha. "pakiusap ni Andrea kay Joshua habang ipinapasok siya sa room nito.

Ibinilin din ni Joshua ang bahay ng dalaga at ang mga gamit niya. Nagbayad din siya ng titingin tingin sa bahay nito habang wala si Andrea..

"Yes I will be here, Don't worry. Lalabas lang ako bibili ng gamit mo." Sabi ni Joshua kay Andrea.

Hindi mapakali si Andrea. Kinakabahan siya. First time din niyang mapunta sa manila.

"Hindi ko alam na may malala na pala akong sakit. Akala ko healthy ako." Sabi niya sa sarili.

Nasa room na siya ng bumalik si Joshua. May dala dalang mga plastic bags.

"Andrea, ito na ang mga gamit mo. Bumili na rin ako ng pagkain sa labas." Hindi makatingin ng deretso si Joshua kay Andrea. Nagiguilty siya.

Bumangon si Andrea at kinuha ang mga gamit na binili ni Joshua. Naghanda rin si Joshua ng plato, kutsara at tinidor.

"Come, and eat."Yaya ni Joshua kayAndrea.

Lumapit naman si Andrea at kinuha ang pagkain saka nag-umpisang sumubo. Naiiyak siya sa naging situwasyon niya. Hindi niya akalain na ang kinasusuklaman niyang lalaki sa mundo ay siya pang tutulong sa kanya. Yun ang akala niya .

Pero ang katotohanan, niloko lang siya ni Joshua. Paano kung malaman ni Andrea ang katotohanan na binayaran lang niya ang mga doctor at nurse na mgasnungaling na may sakit si Andrea.

Nagiguilty rin si Joshua, pero ang katuwiran niya ay nandun na sila, tapos na siyang mag sinungaling. Kung puwede lang na bawiin ang lahat ay gagawin niya, naawa rin siya sa itsura ni Andrea.

Habang pinagmamasdan niya si Andrea ay may nararamdaman siyang hindi niya maipaliwanag.

"Naawa lang siguro ako sa kanya."sabi ng isip niya.

Ng matapos kumain ay, nagpaalam muna si Joshua na pupunta sa opisina niya dahil may meeting siya. Tumango naman si Andrea.

"Matulog ka muna, pagbalik ko dederetso ako sa doctor para tanungin kung ilang araw ka dito sa ospital."

"Anong oras ka babalik?"tanong ni Andrea. Parang hindi niya kaya ang mapag-isa.

"As soon as I can sweetie. Just stay here relax. Don't think of anything. Ok." Hahalikan sana ni Joshua ang pisngi niya ay biglang lumingon si Andrea at, sa labi nito tumama ang labi ni Joshua. Sa una ay pareho silang hindi nakagalaw, pero na malaunan ay natukso si Joshua. Tinangka niyang palalimin ang halik nito sa labi ni Andrea, hindi naman sinaway ni Andrea ang ginagawa nito. Nadala rin siya.

"Oh Lord, ang sarap palang humalik ang mismong kaaway ko. Kahit kunin mo na ako ngayon"dasal ng isip ni Andrea.

Sa katunayan ay windang na ang isipan niya.

"Mahal ko na yata ang demonyong ito. "naisip niya ulit habang nakikipag halikan kay Joshua.

First time ni Andrea na mahalikan. Ang malas pa niya ay sa mismong kaaway niya . Nahihiya man siya dahil hindi siya marunong humalik ay nadadala naman siya sa mga halik ni Joshua . Natuto siya dahil magaling itong humalik.

Si Joshua ang tumapos sa halikan nila. Wala siyang lakas na itulak o sawayin si Joshua.

"I have to go sweetie, I have meeting to attend to. I'll be back later. "nakangiting sabi ni Joshua. Hinalikan siya nito ulit sa labi.

Bakit Ngayon Ka Lang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon