"Here we are Andrea.."
Nakatulog pala siya na hawak hawak pa rin ni Joshua ang kamay niya. Nagmulat siya ng mga mata at nakitang nakangiti si Joshua sa kanya.
"Hey sleepy head. Andito na tayo sa bahay. Bumaba ka na at ipapark ko lang ang kotse sa garahe. Wait for me at the door."
"Sige. "nasabi na lang niya. Saka siya bumaba.
"Paenglish english pa kasi tong lalaking ito. Alam ko mahina ako sa english pero nakakaintindi ako."sabi niya sa isip niya.
Hindi naman nagtagal si Joshua. Nakangiti itong naglalakad sa kinatatayuan niya.
"Halika pasok na dito sa loob. Nagpahanda ako ng hapunan natin. Para maaga kang makapagpahinga."yaya ni Joshua.
"Ok ."tipid niyang sagot.
Inakay siya ni Joshua sa loob.
"Ang laki ng bahay mo. At ang ganda dito sa loob. Hindi ako sanay sa ganito."
"Masasanay ka rin. Ituring mo ng parang bahay mo na rin Andrea."
Ibinaba ni Joshua ang mga gamit saka tinawag ang isang katulong.
"Pakidala lang itong mga gamit sa taas dun sa kuwartong malapit sa kuwarto ko. "utos ni Joshua.
"Ako na lang ang magdadala niyan Joshua."nahihiyang sabi niya kay Joshua.
"Hayaan mo na Andrea. Masanay ka na. Mula ngayon dito ka na titira habang nagpapagaling ka. Uuwi rin tayo sa inyo kung free ako sa weekends o kaya ipapasyal kita sa Tagaytay. May bahay bakasyunan ako doon. Mas maganda doon."
Sinulit na talaga ni Joshua ang magdadrama.
Tipin lang na ngiti ang isinagot ni Andrea. Inakay na siya ni Joshua papunta sa hapagkainan.
"Ang dami namang nakahanda Joshua. Dadalawa lang tayo."
"Hayaan mo na, kasali na diyan ang mga katulong kaya ok lang."sagot ni Joshua.
"Ang sasarap ah, paborito ko to lahat. Nagutom tuloy ako .."
"Sige kumain ka ng marami para tumaba ka ng konti."biro ni Joshua.
Bigla silang natahimik habang kumakain. Sabay din silang natapos. Palihim na sinusulyapan ni Andrea si Joshua. At ganon din si Joshua kay Andrea.
"Kaseksi palang kumain ng kumag na to. Talo pa niya ako."bulong ni Andrea.
Pagkakain ay umakyat na sila. Ihinatid siya ni Joshua sa magiging kuwarto niya. Napakaganda ang kuwarto. Parang nanaginip lang siya..
"Ok sweetheart, feel at home. Magpahinga ka na. Bukas ay sabado I will be at home all day. I'll take care of you."Nadulas ang dila ni Joshua sa pagkakasabi na aalagaan niya ito.
Hindi man siya makapaniwala ay, tumango na lang siya. At bago isara ni Joshua ang pinto ay, hinalikan muna siya sa pisngi.
"Goodnight, and sleep well"
"Maraming salamat Joshua."sambit niya.
At lumabas na si Joshua. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Parang may, nararamdaman siyang gustong humulagpos everytime na nakikita niya si Andrea. Nagagandahan si Joshua kay Andrea. Simple lang ito pero maganda pa ring tingnan at pag nabihisan mo ng maganda ay hindi mo masasabing siya ay mahirap lamang.
Binabalak ni Joshua na pag-aralin si Andrea . Kukuha siya ng special na magtuturo para kahit ilang buwan lang ay matatapos ito ng college. Alam niyang gagastos siya ng malaki sa binabalak niya pero hindi iyon ang concern niya. Gusto lang niyang makapag –aral si Andrea ng college at makakuha ito ng magandang trabaho para hindi na ito magtitinda ng mga gulay at isda. At gusto rin niyang matutunan ni Andrea ang mundong ginagalawan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/2536363-288-k601367.jpg)