Chapter 10

30 0 0
                                    

Sabado, nakahanda na si Andrea at naghihintay kay Christian na sunduin siya. Papunta sila sa engagement party ng kaibigan ng binata.

Hindi siya mapakali. Lagi niyang tinitingnan sa bintana kung dumating na si Christian. Pagkatapos ng ilang minuto ay dumating ang binata. May dalang bulaklak.

Pumasok si Christian at ibinigay ang bulaklak kay Andrea. Hinalikan niya ito sa pisngi. Kinuha ni Andrea ang bulaklak at nagpasalamat. Iniwan niya sandali ito at kumuha ng vase para ilagay ang mga bulaklak.

"Your so beautiful Andrea. I hope you will give me a chance." Humahangang sabi ni Christian.

Isinuot nito ang binili ni Christian na long silky black dress at saka 3 inches na high heels. Ang meron lang siyang isinuot na alahas ay ang pulseras nito. Itinaas niya ang buhok niya at kitang kita ang mapuputi niyang batok at likod.

"Maaga pa para sagutin ko yan Christian. I'm still mending my broken heart. I hope you understand."sagot ni Andrea.

"Anyway, baka late ka na. haha!" dagdag ni Andrea.

"I understand Andrea. " saka ngumiti at niyaya na siyang lumabas.

Wala silang imikan ng nasa loob na sila ng sasakyan.

"Your beautiful Andrea."basag ni Christian sa katahimikan.

"Thank you Christian. Guwapo mo rin." nakangiting sagot din niya.

"Hmmm, im glad naguguwapuhan ka sa akin." Birong sabi nito.

"Anyway we're here." Sabi ng binata saka inihinto ang kotse sa harap ng isang sikat na restaurant.

Kinabahan man si Andrea ay wala naman siyang magagawa pa kundi bumaba. Dahan dahan siyang bumaba dahil sa taas ng takong niya. Natuto siyang magsuot ng mga ito dahil sa kinuha ni Joshua na nagturo sa kanya.

Napatigil siya ng maalala na naman si Joshua. Nakaramdan siya ng lungkot. Nangungulila siya kay Joshua.

"Are you ok?"tanong ni Christian.

Naalala niyang naghihintay pala si Christian sa kanya.

"Sorry, yes I am. Kinakabahan lang ako. Baka hindi ako sanay sa ganitong party. Pang mayaman lang yata."

"Oh, no Andrea. You look gorgeous in your dress. Your very sexy. Stunningly beautiful. I'm sure luluwa ang mga mata ng mga kaibigan kong lalaki. Sana lang ay may chance ako na sabihin sa kanila na your mine."sabi pa ni Christian.

"Tama na nga yan. Baka kung saang usapan na naman tayo umabot. I am your partner for tonight. Kinakabahan ako. I'll let you hold my hand just for tonight. Reward mo for being a good boss."biro ni Andrea

Mabilis namang tumalimama si Christian at hinawakan ang kamay ni Andrea. Nagdaop ang pala nila. Nakangiti si Christian. Magkaholding hands silang pumasok.

Pagpasok pa lang nila ay nakita na nila ang mga kaibigan ni Christian. Tama siya puro lahat may kaya sa buhay. Nahihiya man siya ay nandito na siya. Wala na siyang magagawa pa kundi pagbutihin ang pagiging partner ng boss niya kahit ngayong gabi lang. Naisip niya na kahit ngayong gabi lang ay makabayad siya sa kabaitan nito sa kanya.

Naglakad na sila palapit sa mga kabigan nito. Ipinakilala siya ni Christian. Napawow ang mga kaibigan niya. Lahat ay nagtanong kung kelan sila susunod sa kaibigan nilang may engagement party.

"Hmmm, I'm not going to answer all your question. Sa ngayon ay were here to be with our friend on his special day. Kaya fucos kayo sa kanya instead na sa akin."natatawang sagot ni Christian.

Iniwan siya saglit ni Christian at pumunta sa toilet. Naglakad siya malapit sa may glass door.

Malungkot siyang nakatayo doon. Naalala na naman niya si Joshua. Naisip niya na kung hindi sa mama nito ay siguro kasal na sila ngayon at baka may anak na sila. Pinigil niya ang luhang nagbabantang pumatak sa pisngi niya.

Nagulat siya ng marinig na mag-uumpisa na ang party. Kaya napaharap siya. Nakatayo pa rin siya. May hawak siyang kopita na may laman na wine.

Nag-umpisa ng mag announce ang emcee.

"Dear friends. Let's welcome the couple na siyang may party ngayon gabi. Now let's welcome the handsome,the rich and famous Mr. Joshua Dela Fuente and her fiancée Carla Rodriguez. Sweet Music for them please." Sabi pa ng baklang emcee.

Hindi nakagalaw si Andrea sa kinatatayuan niya. Kitang kita niya si Joshua at ang magiging asawa nito na magkasayaw. Hawak hawak pa ni Joshua ang palad ng dalaga habang nagsasayaw. At very sweet silang tingnan.

Naglakad siya papunta sa toilet. Hindi na niya napigilan ang luha niya. Sobrang sakit ang nararamdaman niya sa oras na ito. Kung puwede lang na tumakbo palabas at umuwi na ay ginawa na niya. Nahihiya naman siya kay Christian at isa pa sa ganitong ayos niya. Hindi naman siya puwedeng mag taxi na lang. Natatakot naman siya dahil gabi na.

"Joshua, bakit?" iyak niya habang nakaupo sa may upuan malapit sa toilet ng restaurant. Matagal siya sa ganoong ayos. Nang mahimasmasan ay pumasok siya sa toilet para ayusin ang sarili.

Palabas na siya ng magkasalubong sila ni Joshua. Napatigil sila pareho sa paglalakad. Tinitigan siya ni Joshua. Hindi niya nakayanan ang titig nito. Ibinaling niya sa kabila ang tingin. Hindi niya maitago ang luhang tumulo na naman. Umiiyak na naman siya dahil kaharap niya ngayon ang lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal, the man who made her heart broken.

"Andrea! "

Hindi siya umimik. Hindi rin niya tiningnan si Joshua. Ayaw lang niyang magmukhang kawawa sa harap ni Joshua. Ayaw niyang makikita ni Joshua na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya. Na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakamove on.

She move her legs and started to walk. Palihis sa kinatatayuan ni Joshua. Pero pagtapat niya sa tabi ni Joshua ay hinila siya ni Joshua.

"Please talk to me." Sabi ni Joshua.

"Bitiwan mo ako."galit sa sabi niya.

"No I wont."

"Bitiwan mo ako, bitiwan mo ang kamay ko."pagpupumiglas niya. pero hinila siya ni Joshua palabas ng restaurant.

"Andrea,'I've been looking for you." Malungkot na sabi ni Joshua.

"Bakit? " tanong niya.

" I just want to say sorry. I'm sorry dahil pinaalis kita. Puwede naman nating pag-usapan yun noon pero hindi ko man lang pinakinggan ang paliwanag mo. Narealized ko lang na noong ako ang nagsinungaling sayo ay, nakinig ka at pinatawad mo ako."

"Bakit ngayon ka lang? It's too late Joshua. Remember, party mo ito. Engagement party mo. Ikakasal ka na. At nasaktan ako ng sobra sa ginawa mo sa akin. At ngayon nakamove on na ako."Pagsisinungaling ni Andrea.

Bakit Ngayon Ka Lang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon