Nakabalik si Joshua sa manila. Tuwang tuwa si Andrea. Pero nagulat siya dahil sa galit sa mukha ni Joshua.
"Please pack your things and I don't want to see you here again."utos ni Joshua sa naguguluhang si Andrea.
"Bakit? "tanong ni Andrea. Lumuluha na siya. Hindi na niya napigilan ang umiyak sa harap ni Joshua. Masyado siyang nabigla. At hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Joshua. Ang akala niya ay umuwi ito at ibabalik ang ibinigay ng mama niya na 1 million at babalik para sabihin they will be happy forever. Bakit ngayon ay galit na bumalik si Joshua.
"Anong nangyari?" tanong ulit ni Andrea kay Joshua.
"Let's break up."
"Yan lang ang sasabihin mo. At least naman sana bago ako umalis ay sabihin mo kung anong dahilan para naman may peace of mind ako kahit na nasasaktan ako sa pagpapalayas mo sa akin." Sabi niya hindi matigil tigil ang luha niya.
"You lied to me. Ako kahit nagsinungaling ako sa iyo, yun ay dahil mahal kita. Ikaw nagsinungaling ka para sa pera. Bakit mas mahal mo ang pera ha. I can give you more if you want."galit na galit na sabi ni Joshua.
"Ito yung 1 million na hiningi mo kay mama. At huwag mong sabihing hindi mo hiningi ito dahil pati si Carla ay narinig ka. Ito dalhin mo sa pag-alis mo."sabi ni Joshua. Ibinagsak ni Joshua ang check sa mesa. Saka dali daling lumabas.
Hindi na nakapagsalita pa si Andrea. Masakit man sa kanya ang kawalan ng tiwala ni Joshua sa kanya ay wala na siyang magagawa pa dahil nakikita niya sa mukha nito na nabrainwashed na ng husto ang utak niya.
Inilagay niya lahat ng mga damit niya sa bag. Kung ano yung dala niya noon yun din ang dala niya paalis ngayon. Hindi na siya nagtagal pa sa bahay ng binata. Iniwan din niya ang 1 million. Ni minsan hindi siya nanghingi ng pera sa kahit na sino. Inakusahan siya ni Joshua at yun ang pinakamasakit sa kanya. Ang lalaking pinakatiwalaan niya ng buong puso at buong buhay niya ay nagagalit sa kanya dahil sa maling akala.
Naglakad na siya palabas ng bahay. Hindi niya namamalayan na nakadungaw si Joshua at pinagmamasdan siyang naglalakad palabas ng bahay nito. Sa ganong ayos ni Andrea na naglalakad ay parang gusto niyang habulin ito at pabalikin. Pero nanaig sa kanya ang galit sa akala niyang kasinungalingang ginawa ni Andrea. Nang hindi na niya matagalan ay tumalikod ito at kunuha ang alak. Ininom niya nga isang lagukan lang ang alak. Nalulungkot pero ang akala niyang ginawa ni Andrea ay mahirap patawarin dahil involved ang mama niya. kahit na ganon ang mama niya ay may respeto pa rin si Joshua at kahit kaylan alam niyang hindi nagsinungaling ang mama niya sa kanya.
"Hindi mo man lang ako binigyan nga chance na magpaliwanag Joshua. Isinusumpa ko ang araw na nagkakilala tayo. At sana hindi ako nagtiwala sayo."umiiyak na bulong ni Andrea habang nasa taxi siya.
"Mam, ok lang ba kayo?" sabi ng taxi driver.
Hindi niya ito sinagot. Patuloy lang siya sa pag-iyak.
"Saan po kayo mam?"tanong ulit ng driver sa kanya.
Tiningnan niya ang labas ng bintana. Madilim na. kaya nagpahatid siya sa isang hotel na afford niya.
Bumaba siya dala ang gamit. Tinulungan naman siya ng taxi driver para ipasok ang bag niya.
Nang makapasok ay nagtanong siya sa reception kung may available room pa.
"Meron pa po mam, ilang gabi po kayo magi stay?"tanong ng receptionist.
"Isang gabi lang. maghahanap ako ng mauupahan bukas. "sagot niya
"Sa 5th floor po mam, ito po ang susi niyo." Nakangiting sabi ng babae.
Nang makuha ang susi ay tinungo na niya ang elevator at pinindot ang 5th floor. Ng makapasok ay pagod ang utak niya at nahiga sa kama.