Chapter 2

113 0 0
                                        

Chapter 2

Naglakad pauwi si Andrea.  Naghalo halo ang pawis at luha niya. Ang naiuwi lang niya ay ang isang gulong ng sidecar niya saka isang palangganang plastik. galit na galit siya sa lalaking iyon.

"Papatayin kita pag nagpakita ka, kahit sing guwapo ka pa ng idol kung hollywood actor. " bubulong bulong na sabi niya habang  naglalakad. Malapit na siya sa bahay niya kaya kahit papaano ay nakaramdan siya ng ginhawa. Malayo rin ang nilakad niya. Dala pa niya ang mga abubot niya saka yung gulong.

“Hello byutipol,” bati sa kanya ng isang masugid na manliligaw niya na hindi niya pinapansin.

“Anong nangyari nangyari say o at para kang naholdap.?”

“Huwag ka nga pabyuti -byutipol  diyan, umalis ka sa harapan ko. Huwag mo akong bad tripin at baka ikaw mapagbalingan ng galit ko, “ galit na sabi niya dito.

Umurong naman ito dahil alam niyang hindi biro kung magalit si Andrea.

“Sino bang nagnakaw ng kotse mo at gulong lang ang naiuwi  mo ? “ tanong pa din niya.

“Ang sabi ko umalis ka sa harapan ko.” Sabi ulit niya.

Ihahagis na sana niya ang gulong sa mukha ng lalaki pero nakahalata na hindi na maganda ang tema ng boses ni Andrea, kaya dali daling lumayo ito.

Nakarating na siya sa bahay niya, pumasok siya sa loob at umupo at tumingin lang sa kawalan.

Inalala niya ang mukha ng lalaki..

“Napakaguwapo..”bulong niya. “Pero papatayin pa rin kita. Sa ginawa mo sa sidecar ko.”

Nang bumaba ang blood pressure niya ay, naligo na siya. Nagbihis ang naghanda ng matulog.

Kinaumagahan ay hindi siya makagalaw sa sakit na nararamdaman niya sa katawan niya.

“Para akong natadyakan ng sampung kabayo nito. Bakit ang sakit ng katawan ko,” sabi niya sa sarili.

Nahihilo hilo pa siya. Sinalat niya ang noo niya. Napakainit at siguradong may lagnat siya. Sanay siyang mag isa pag may sakit siya. Pero ngayon parang di niya kaya. Napaiyak siya na naalala niya ang nanay at tatay niya. Ang pag aalaga sa kanya pag may sakit siya.

“Nay,tay! Sana di niyo ako iniwan, mag-isa ko na lnag ngayon. Lalo na ngayon may lagnat ako. Sinong mag aalaga sa akin?” umiiyak na tanong niya sa kawalan.

Nakahiga siya hanggang tanghali. Hindi pa siya kumakain. Nanginginig siya at ang ang init init niya.

Parang hindi na niya kaya ng may marinig siyang sunod sunod na katok sa pinto niya.

“Sino yan?” nanghihinang tanong niya. Alam niyang madidinig ng kumakatok dahil sa salas siya nahiga. Hindi na niya kayang pumasok pa sa kuwarto niya.

“Tao po? “ katok pa rin ng nasa labas.

“Ate Andrea, may naghahanap pos a inyo.”sigaw ng batang anak ng kapit bahay niya.

“Masama ang pakiramdam ko Lani, samahan mo na lang na pumasok dito.” Sabi niya sa bata.

“Ok po ate, Mama pasok na daw tayo. “ dinig niyang sabi ng bata sa kasama na naghahanap sa kanya.

Nakapikit pa rin siya ng maramdaman niyang binuksan ang pintuan niya.

“Ate, anong nangyari sayo. “nag-alalang tanong ng bata.

Mabait na bata ito kaya minsan binibilhan ni Andrea nga kung ano ano.

Hindi naman nakatiis ang kasama ng bata na naghahanap sa kanya. Nakapikit pa siya at hindi na talaga niya kaya ang sakit ng ulo at katawan niya kaya hindi niya nakikita kung sino ang naghahanap sa kanya.

Naramdaman niya ang paghaplos ng palad ng lalaki sa noo niya. Nagdulot iyon ng kakaibang feelings na hindi niya maipaliwanag.

“God ang init init mo. Dadalhin kita sa Hospital. “ sabi nito sa kanya.

Umungol lang siya. Hindi na niya kaya. Wala na siyang lakas para idilat ang mata niya at tingnan ang may ari ng boses. Pero feeling niya ay narinig na niya iyon,hindi lang niya alam kung saan.

Mawawalan na siya ng malay pero naramdaman pa rin niya na kinarga siya ng may ari ng boses. Saka sinabing…

“Don’t sleep, hang on there I’ll bring you to the hospital. “

Natatakot ito na pag natulog siya ay dederetso na siya sa langit. Kaya panay ang kausap nito sa kanta.

“Im sorry for what happened yesterday, alam ko kaya ka nagkasakit ay dahil doon sa nangyari. I hope na pag gumaling ka na ay you will accept my apology.”patuloy na kausap ng lalaki sa kanya.

Alam niyang nasa loob na sila ng sasakyan. Kasama nila si Lani. Hindi na siya nito iniwan.

Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Na nangyari kahapon daw. Kahit na gusto man niyang ipikit ang mata niya ay nakinig naman siya sa sinabi nito na huwag matutulog.

Takot din yata siyang mapunta sa langit ng wala sa oras. Kahit na alam niyang masama ang pakiramdam niya ay hindi pa rin niya nakakalimutan na may misyon pa siya. Yun ay ang patayin ang lalaking sumira sa araw niya kahapon. Pag nagawa na niya yun ay puwede na siyang pumunta sa langit.

Kahit mahilo hilo siya ay napag isip pa din niay na sa langit ba siya pupunta kung nakapatay siya ng lalaki.

“Siguro naman bibigyan ako ng special treatment ni Lord , kasi papatayin ko lang naman yun dahil sa ginawa niya sa sidecare ko.” Sabi ng kabilang isip niya.

Naramdaman niyang tumigil ang kotse. Nagbukas ng pinto. Saka sinabing..

“Hey andito na tayo. Hang on there.”sabi nito sa kanya.

“Kahit may sakit siya at feeling niya ay mamatay na siya sa nararamdaman niya ay nabubuhay ang pakiramdam niya sa tuwing magsasalita ang lalaki sa kanya.

Ano ang magiging reaksiyon ni Andrea pag nakita niya ang lalaking nagdala sa kanya sa Hospital.

Abangan po ang susunod na kabanata… Enjoy

Bakit Ngayon Ka Lang?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon