Chapter 1
"Bili na kayo. Gulay isda....!!!!! "Sigaw ni Andrea.
Mag-isang namumuhay si Andrea. Ulila na siyang lubos. Lumaki siya sa pagtitinda ng mga gulay at isda na inaangkat niya sa kabilang bayan. Minsan maganda ang kita niya, minsan ay hindi.
High School lang ang natapos ni Andrea. Pero hindi yun naging problema sa kanya. Masipag siya at kahit ulila na siya ay nakaya niya mamuhay at hindi nagutom.
Maganda si Andrea kahit mumurahing damit lang ang isinusuot lumalabas pa rin ang ganda niya.
Marami ring nanliligaw sa kanya sa lugar nila pero wala pa sa isip niya ang mga bagay na yun. Maraming hirap ang dinanas niya mula ng maulila siya. 23 years old na siya pero feeling niya ay bata pa siya.
Nagpapasalamat siya at kahit papaano ay may konting perang naiwan ang mga magulang niya na siya niyang ipinuhunan sa pagbibenta.
Pakanta kanta pa siya ng LIFE GOES ON ni Kelly Clarkson. Hindi rin pala nahuhuli si Andrea sa mga bagong kanta.
Sa kasipagan niya ay Nakakaipon din siya ng mga gamit niya sa bahay. Kahit papaano ay may naipupundar si Andrea.
Madilim na ay nasa kalsada pa rin siya. Kauubos lang ng paninda niya. Nakabisikleta lang siya na may sidecar. Binili niya yun ng mura. Kumakanta pa rin siya ng biglang may bumusina....
"Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep....!!!"
Sa lakas ng pag busina ng magarang kotse ay gumiwang ang bisikleta niya. Napunta sa gitna ang sidecar niya .. At sa gulat niya ay......
"Ay kabayong bakla na naliligo sa sapa!!!!" gulat na sigaw ni Andrea.
Ng biglang bumukas nga pinto ng magarang kotse at lumabas doon ang matangkad na guwapong lalaki...
"Diyos ko, tulungan mo po akong maibalik ang sarili ko."Naidasal ni Andrea.
Dahil sa napakaguwapong nilalang na naglalakad patungo sa kanya ay, hindi na makapagsalita si Andrea. Aakala mo namaligno siya.
Nakalapit na ang lalaki at pinagsabihan siya.
"Miss kung hindi ka marunong diyan sa bisikleta mo huwag kang sumakay diyan. Nang iistorbo ka ng lakad eh."
Sa narinig ni Andrea ay biglang bumalik ang katinuan niya. Ang akala niya lumapit ang lalaki para humingi ng despensa. Pero hindi pala. Kaya.... Kusang bumuka ang bunganga niya at.....
"Hoy Mister , kung sino ka man. Hindi sayo ang daan . Kung makabusina ka akala mo bombero ka . Anong akala mo sa akin bingi at hindi mawiwindang ang taynga ko sa lakas ng busina mo?" sunod sunod na sagot niya sa lalaki.
"Bakit kasi andito ka pa sa daan eh madilim na. At saka sa sinabi mong akin ang daan Yes, I owned this." Hindi rin nagpatalo ang lalaki.
"Paano mo nasabing sayo ang daan aber.? Taga dito ka ba? At saka ngayon lang kita nakita dito kaya huwag ka ng magmayabang. Ikaw na nga ang may kasalanan kung ano ano pa ang sinasabi mo. Kilala dito ang may ari ng daan. " pakikipagtalo ni Andrea.
"I am the son of the owner of this road. Amin itong island na ito for your information."
"Lord, bakit ang sakit mong magbiro." Naidasal ulit ni Andrea.
"Matagal ko na pong hinihintay ang kapogihan ng lalaking ito Lord , bakit sa ganitong paraan pa?" bulong ni Andrea.
"Hoy ano ba, aalis ka ba sa daan ko o hindi?" inis na tanong ng lalaki.
Bumalik ulit ang galit ni Andrea.
"Kahit nasa panaginip kita lagi, ay hindi ako patatalo sayo." Bulong niya sa sarili.
"Pag minamalas ka nga naman,.. "inis na may halong galit na sa mukha ng lalaki.
"Hindi ako aalis hanggang hindi ka nag sosorry sa akin." Inis ding sagot ni Andrea.
"Oh, why should I? Wala naman akong kasalanan ah , ikaw ang may kasalanan dahil gagawin mo pa yatang parking lot ang gitna ng daan"
"Hindi ako ang may kasalanan. Ikaw ang may kasalanan. Kaya dapat ikaw ang humingi ng sorry,"pagmamatigas ni Andrea.
"Ah ganon ha." Biglang naglakad pabalik sa kotse nito. Pinaandar sinindihan ang headlight saka, walang lingon binundol ang sidecar ni Andrea na 2nd hand niya binili.
Tunog na lang ng bisikletang nawasak ang narinig ni Andrea. Wala na ang kotse ng guwapo at supladong nilalang.
Pagtingin niya sa kotse niya, este bisikleta niya ay gulong na lang na isa ang buo. Tumilapon ang mga banyera niya sa kabilang daan. Napaupo siya at umiyak saka sinabing.....
" Papatayin kita kahit ikaw na lang ang natitirang guwapo sa mundo." Sigaw ng isip niya.
Makakaganti kaya si Andrea sa estranghero at guwapong lalaki. Papaano? Magkikita pa ba kaya sila?
Abangan......
