Hindi man aminin ni Andrea ay namimiss niya si Joshua. Kahit na ganon ang ginawa nito sa kanya ay hindi niya maiwasang isipin ito.
Gamay na niya ang trabaho niya at may mga kaibigan na rin siya. Ilang buwan na rin siyang nagtatrabaho bilang isang receptionist. Hindi niya lubos maisip na magiging receptionist siya ng isang sikat na hotel sa Manila.Si Christian naman ay nahahalatang may gusto kay Andrea. Nakaduty sa reception area isang gabi si Andrea ng makita niyang palapit si Christian sa kinauupuan niya.
"Sir, akala ko ba umuwi na kayo?" tanong ni Andrea
"Hihintayin na kita. " sabi ni Christian na nakangiti.
"Late na ako sir na mag-a –out." Napangiti na rin siya.
"It's ok , may sasakyan naman ako. Kaya nga hihintayin na kita dahil delikado ang magbiyahe para sa magandang katulad mo."
"Bahala ka na nga"
"Anyway, don't call me sir. Ok! Just my name would do."
"Sabi mo eh."nakangiti ng sabi ni Andrea.
"I'll be in my office. If you need something , call me. Ok"
"Ok Christian."sagot ni Andrea.
Tumalikod na ang binata, pero bigla ring bumalik ng may maalalang sabihin.
"Siyanga pala, before I forgot. Can you be my partner next Saturday?"tanong ng binata kay Andrea.
"Saan naman tayo gagala ?" pabirong sagot niya.
"Engagement party ng kaibigan ko. And you know. I don't have a gf yet and sigurado pag pupunta ako doon na walang partner. They will tease me again. Ako na naman ang sentro ng mata ng mga kabigan ko." Nakangiting paliwanag nito.
"Formal dress up ba?"
"Yes, we will go and buy, if you need one."
Napangiwi siya, dahil kailangan nga niya. Iniwan niya kasi ang mga damit niyang binili ni Joshua sa bahay ng binata...
Naipikit niya ang mga mata sa pagkaalala kay Joshua.
"Joshua, Joshua. Bakit hindi ka maalis sa isipan ko?" Naibulong niya.
"Are you ok?"nag-aalalang tanong ni Christian sa kanya.
Nagising naman siya sa malalim na pag-iisip
"I am ..... yes I am ok." Nauutal na sagot niya.
"Don't worry I'll buy the things that you need on that day.Its my gift para sa pagsama mo sa akin."
"Iniisip ko lang, bakit ako pa napili mong isama samantalang marami naman kayo sigurong mayayamang kaibigang babae na mas maganda sa akin.
"Andrea, you don't know how beautiful you are. But im not looking at your outside appearances alone. There's something in you that I like. Kahit siguro hindi ka perfect sa outside appearance mo. Your blessed kasi nasa sa iyo na lahat ng hinahanap ng lalaki sa isang babae. "
"Correction. Im not rich, kaya hindi 100% na blessed ako. And I'm flattered naman sa sinabi mo. Hindi naman ako kagandahang masyado." Nakangiting at pakumbabang sabi niya.
"Well, kung sino mang lalaki ang hindi nagagandahan sayo ay bulag siya. End of the story." Sabi ni Chrsitian.
"So it's settled then. You will be my partner." Nakangiting sabi nito saka nagpaalam na.
Napatango na lang siya. Saka umupo ulit sa inuupuan niya kanina. Lumipas ng ilang oras. Natapos din ang oras ng trabaho niya. Tatawagan na sana niya si Christian pero ibinaba niya ulit ang phone dahil nakita niyang palabas na ito sa elevator.
"Ready?" tanong nito ng makita siyang nakatayo.
"Yes, salamat." Sabi ni Andrea.
Lumabas na sila ng Hotel. Wala silang imikan habang naglalakad patungo sa kotse ni Christian kong saan nakapark sa may parking sa likod ng hotel.
Nang nasa loob na sila ng kotse ay nagsalita si Christian.
"Andrea, you've been working for months in the hotel, and I've been checking your work status. You're a good worker, friendly to others and I am thinking of promoting you. Be my secretary."
"Huh!!!, ang bilis naman yata yan na promotion." Nailing na sabi ni Andrea kay Christian.
"You deserve it Andrea. You're a hard worker. That's why I admire you and I like you."
"Christian? Hindi mo pa ako lubusang kilala. We've known each for months only and that's not enough to like me that fast. "
"I know your not the type of girl who will fall for someone so fast and I know your not after status and money too. And I understand kung bakit nasabi mo yan. I am willing to wait. Kasi nakikita ko sayo na, your hiding your heartaches." Sabi ni Christian.
"I am sorry Christian. Your right. This is not the right time to fall inlove. You're a good man. Handsome and hardworking too. Pero may nauna na sa puso ko. Sinaktan man niya ako ay hindi mawawala ang pagmamahal na naituro niya sa puso ko. And im not hopeful na magkakabalikan pa kami. Pero gusto ko munang maghilom ang sugat na nilikha niya dito sa puso ko. And I don't know when. Kung makakapaghintay ka then that's good. Pero sinasabi ko sayo. Maraming mas worthy diyan at bagay para sayo. Mayaman ka mahirap lang ako. Ayaw ko namang one day ay ipamukha mo sa akin na pera lang ang habol ko."
"And I am telling you, I've been there. It hurts enough. Kaya ayaw ko ng maulit pa. Its ok na mahirap lang ang darating uling mamahalin kong lalaki basta masipag. " tumulo ang luha ni Andrea. Hindi na niya napigilan, napahikbi siya. Nang haplusin ni Christian ang buhok niya ay napahagulgol.
Ngayon lang niya narealize na masakit pa rin ang ginawa ni Joshua.Sobrang sakit. Kahit ilang buwan na ang lumipas.
Bibigyan ba ni Andrea si Christian ng chance na makapasok sa puso niya?
Abangan ang susunod.