~
"Des, ikaw na muna ang bahala rito. Bibisitahin ko lang ang bahay ni Emil," ani ko.
Sumaludo lang din naman siya sa akin. Tinungo ko na ang kuwadra ng mga kabayo at pumili ng isa para sakyan ko. Nang makapili na ako ay agad ko rin naman itong pinatakbo ng mabilis. Tinahak ko ang daan sa pinakamasukal na parte ng kagubatan.
"Tigil!" Tinapik ko ang leeg ng aking kabayo para huminto ito sa pagtakbo. Agad akong bumaba sa aking kabayo nang tuluyan akong umabot sa bukana ng bahay.
"Emil," mapait kong sambit. Si Emil, siya ang pinakamatalik kong kaibigan. Maaga itong namaalam sa mundo dahil malubhang sakit. At ang tanging iniwan lamang nito sa aking alaala ay ang kanyang kubo ng malapit sa may batis. Nagpupunta ako rito sa tuwing malungkot ako o kaya naman ay sa tuwing gusto kong mapag-isa. Humakbang ako palapit sa bahay pero laking pagtataka ko dahil nakabukas ang pinto. Agad akong pumasok sa loob at napasinghap ako dahil nadatnan ko ang isang lalaki. Nakatalikod ito sa akin at malayo ang paningin nito base na rin sa posisyon niyang nakaharap sa labas ng bintana.
"Sino ka? Anong ginagawa mo rito sa kubo ni Emil?" tanong ko agad.
"Pag-aari ko ang kubong ito Hollian," aniya na ikinanganga ko naman.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" gulat kong tanong. Nakatalikod pa rin kasi ito sa akin.
"Dahil Hollian ang pangalan ng aking magiging kabiyak," sagot niya. Mas lalong nalaglag ang aking panga. Napatawa ako ng marahan.
"Puwes wala akong pakialam kung kapangalan ko man ang magiging kabiyak mo. Ang punto ko rito ay kung bakit narito ka sa kubo ng aking kaibigan."
"Dahil pagmamay-ari ko ang lupaing ito. Nakalimutan mo na ba Hollian?" Mariin kong nakagat ang aking labi. Tumama siya sa kanyang sinabi. Hindi sakop ng lupain ko ang lugar na ito. Napaawang ang aking bibig ng maalala ko ang sinabi sa akin ni Des kanina. Gagamitin na raw ang bakanteng lupa na katabi lang ng pagmamay-ari kong asyenda. Huwag sanang sabihin sa akin ng tadhana na ang lalaking ito ang may-ari ng lupaing iyon.
"Sino ka ba talaga!?" iritado ko ng tanong dito. Dahan-dahan naman itong pumaling paharap sa akin. Nawindang ako sa aking nakita. Siya! Siya ang lalaking nasa panaginip ko kaninang umaga! Hindi ako puwedeng magkamali ro'n dahil klarong-klaro pa sa balintataw ko ang itsura nito. Pero may iba sa kanya dahil kulay berde ang mga mata nito.
"Ikaw!?" Itinuro ko pa siya. Tinaasan pa nito ako ng kanyang kilay.
"Anong ako?" pabalang pa nitong sagot sa akin at nakakalokong ngumiti.
"Ikaw ang nasa panaginip ko!" akusa ko agad dahil totoo naman talagang siya ang nakita ko. Napahalakhak naman ito. Iyong halakhak na masarap sa tainga pakinggan.
"Magdahan-dahan ka sa pag-aakusa sa akin Hollian." Naningkit ang aking mga mata.
"Dahil totoo naman talaga na ikaw 'yon! Paano nagawa iyon ha!?" naguguluhan ko pang ani sa kanya. Humakbang naman ito palapit sa akin kaya napaatras ako. Sa sobrang kaba na umiiral sa aking dibdib ay ngayon ko lang ito naranasan. Napaatras ako ng todo hanggang sa tumama na ako sa dingding. Umangat naman ang sulok ng labi nito. Wari ay umiismid pa ito sa akin. Naigting ang aking panga. Para akong nahipnotismo dahil sa tindi ng mga titig niya sa akin. Parang tumatagos ito sa buo kong katawan.
"Natatakot ka ba sa akin Hollian?" Natameme ako at hindi agad nakasagot. Nang tuluyan na itong makalapit sa akin ay napasinghap ako. Halos magkadikit na ang aming mga katawan at ramdam na ramdam ko ang bawat hininga nito.
"Lumayo ka sa akin," halos pabulong ko nang wika. Bigla naman nito ang siniil ng halik at para akong nalulong sa masamang bisyo dahil sa kakaibang halik na ibinibigay nito sa akin. Nakakaadik bigla! Nang lumayo ang mga labi nito sa akin ay napalunok ako ng mariin. "Hindi mo ako kaya Hollian," anito kasabay nang pagpitik ng kanyang mga daliri. Bigla akong nanlumo at bigla ring lumabo ang aking paningin.
~
#Kanyuellian
Humihingi po ako ng paumanhin sa mga nag-aabang kay Zsakae. Nasira po phone ko at nawala lahat nang isinulat ko. Cannot retrieved my mind easily! Haha! At si Kanor/Kanyue lang ang mayroon akong hard copy sa notes ko. Sorry po talaga!
Enjoy niyo po muna si Kanyue habang inaayos ko pa si Zsakae!
Thank you and enjoy!Love,
Miaki