CM-5

7.1K 266 7
                                    

CM-5

~

Napalunok ako. Nakuyom ko ang aking mga kamao. Bakit nakikita ko sa mga mata niya na hindi nga siya nagsisinungaling patungkol sa nararamdaman niya para sa akin.

Itinulak ko siya.

"Hindi!"

Laglag naman ang magkabilang balikat nito.

"Ititanggi ng iyong sarili, maging ang lumalabas sa iyong bibig ngunit kilos mo naman ay taliwas sa iyong mga salita."

Napaawang ang aking mga labi. Ngunit bago ko pa maitikom ang aking bibig at agad nitong akong ginawaran ng isang mapusok na halik. Hindi ako nakagalaw at mas lalong hindi ako nakatugon sa mga halik niya.

Nang hindi pa rin ako tumugon ay kusa itong lumayo at tinalikuran na ako. Umahon na ito at tinungo ang kubo. Nakagat ko ang aking labi. Tama ba ang aking ginawa sa hindi pagtugon sa halik nito sa akin? Napangiwi ako. Ngunit nagulat lamang ako kaya ganoon ang aking reaksyon. Sumama kaya ang loob nito? Napaungol ako. Naiinis ako sa aking sarili. Ang dami kong mga tanong dito sa utang ko kaya lang ay hindi ko naman mailabas lahat. Natampal ko ang aking noo.

Umahon na rin ako at sumunod kay Kanyue sa kubo. Hindi ko alam kung bakit apektado ako pero parang pakiramdam ko ay nagkasala ako dahil sa ginawa ko kanina.

Itinulak ko ang pinto.

"Kanyue," tawag ko rito.

Napahinto ako. Abala ito sa pagpupunas ng kanyang sarili at nakapagpalit na rin ito ng damit, maliban na lang sa wala na naman itong suot na damit pang-itaas.

Hindi nito ako kinibo at parang wala ako sa kanyang likuran.

"Kanyue," utas kong muli.

Bahagya niya lang akong nilingon at muli ay sa labas na ng bintana itinuon ang kanyang paningin.

"Magbihis ka na at baka'y magkasakit ka pa," malamig niyang utos sa akin.

Bumuntong-hininga ako. Kinuha ko ang aking damit sa labas at bumalik din naman ako agad sa loob ng kubo.

"Galit ka ba?" alanganin ko pang tanong sa kanya.

Muli ay hindi niya ako sinagot. May konting kirot kaagad akong naramdaman sa aking kaliwang dibdib. Tila yata ay nagtatampo ito. Hula ko lamang ngunit base sa aking nakikita ay parang ganoon nga at ayaw ko itong kirot na nararamdaman ko sa aking dibdib. Para bang tinutusok ito at hindi ko malaman kung bakit.

Lumakad ako at nahinto sa kanyang harapan. Halata sa kanyang mukha ang pag-iwas at ayaw man lang ako tapunan ng tingin. Nakagat ko ang aking ibabang labi.

Bigla akong hindi na sanay na ganito ang pagtrato niya sa akin. Malamig. Sing lamig ng tubig sa batis. Marahas akong napabuga ng hangin at matapang na tumingkayad upang mahagkan ang kanyang labi. Nagulat ito sa aking ginawa, maging ako ay natauhan din ngunit huli na ako. Agad nitong hinuli ang aking mga labi. Gumalaw ang mga braso nito para yakapin ako at tumugon sa bawat halik na iginawad ko sa kanya. Bigla niya pa akong binuhat dahilan para tuluyan akong makaupo sa kanyang kandungan. Hindi ko man lang namalayan na nakaupo na pala ito sa kamang gawa sa kawayang pinagtagpi-tagpi. Napaungol ako. Sa kabila ng aking utak ay naghuhumiyaw na mali ang aking ginagawa ngunit ang kalahati naman ay mas masyadong malakas para tuluyan akong magpadala sa bugso ng aking damdamin. Wala akong makapang kaba sa aking sarili, bagkus ito'y naghuhumiyaw ng matinding pag-ayon sa agos.

"Hollian," utas nito sa aking mga labi habang panay yapos sa aking likurang bahagi. Tanging pag-ungol lamang aking naging tugon.

Wala akong masabi at walang kahit anong salita ang gustong umalpas sa aking bibig.

Mas lalo pa itong naging mapusok dahilan para masugatan aking labi. Nagsimula na itong magdugo at nalalasahan ko na ito. Ngunit para kay Kanyue ay parang sarap na sarap pa ito sa kanyang ginagawang paglapastangan sa aking mga labi. Itinukod ko ang aking mga palad sa kanyang matipunong dibdib at ako na mismo ang kumalas para pahiran ang dumudugo kong labi. Tinabig nito ang aking kamay at muli akong hinagkan. Bumaba ang mga halik nito sa aking leeg at dibdib.

Nagulat pa ako sa biglaang pagpunit nito sa aking panloob na kasuotan. Agad na kumawala ang malulusog kong hinaharap sa kanyang mga mata. Napaungol akong ng puntiryahin ng kanyang bibig ang aking dalawang korona. Napasinghap ako nang ito'y kanyang kagatin.

"Kanyue!" sambit ko.

Kumapit ako sa kanyang batok at mas lalong idiniin ang kanyang mukha sa aking dibdib. Gumalaw ang kanang kamay nito para abutin ang aking huling saplot sa katawan. At gaya nga nang ginawa nito kanina at pinunit niya rin ito.

Binuhat naman nito ako ng konti at nang maibaba ako'y laking gulat ko dahil sa isang bayo lang ay agad nitong napasok ang aking hiyas. Napahiyaw ako at napaluha dahil sa matinding sakit na aking naramdaman. Sa pakiwari ko'y may napunit sa loob ko at aminado akong mahapdi ito. Dahil sa mabilisang pangyayaring iyon ay hindi ko maiwasang mapakapit sa kanyang magkabilang balikat dahilan para bumaon ang aking mga kuko sa kanyang likuran. Halos masabunutan ko pa ito nang gumalaw ito ng konti. Mataman nitong hinaplos ang aking baywang at unti-unti nitong ginalaw ang aking balakang. Bahagyang nawala ang sakit sa pagitan ng aking mga hita. Hindi ko man lang napaghandaan ang biglaan niyang pagsugod sa akin. Masyadong mapusok at agresibo si Kanyue. Hindi ki inakalang ganoon pala ito kalaki. Hindi lang pala ito magandang lalaki, may ibubuga rin palang nakatago.

Iginiya naman nito ako at parang mawawasak na ang higaang gawa sa kawayan.

Konting bayo pa nito ng malakas ay paniguradong matatanggal ang mga pako rito.

"Kanyue," anas ko.

Kusa ng sumabay ang pag-indayog ng aking balakang sa bayot bayo na kanyang ginagawa. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Parang may kung anong bagay sa loob ko ang sasabog.

"Ahh!" Napasinghap ako.

Patuloy ito sa pagbayo sa akin habang nakaupo ako sa kanyang kandungan paharap. Patuloy lamang ito sa pagsulong hanggang sa tuluyan nang sumabog itong kaloob-looban ko. Narinig ko ang pag-ungol ni Kanyue. Pero laking gulat ko dahil tuluyan ng bumigay ang kamang inuupuan namin.

Napatungo ako at hindi ko maiwasang mapahagikhik.

"Sinira mo ang kama," anito.

Nahampas ko naman ito sa kanyang balikat.

"Kasalanan mo iyan!" Ito naman ang napatawa.

"Hollian," sambit nito kaya agaran kong sinalubong ang kanyang mga mata.

Hinaplos nito ang aking leeg. Bigla namang nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. Natulala ako. Namalayan ko na lamang na kagat-kagat na nito ang aking leeg.

Napaliyad at napasinghap ako.

"Kanyue," halos pabulong ko ng sambit.

Tuluyan akong napabitaw sa pagkakapit sa kanyang batok dahil sa biglaang panlulumo ng aking katawan. Biglang dumilim ang aking paningin at maging ang pandama ko'y naging walang silbi.

CARITAS MEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon