CM-4.2

6.9K 231 9
                                    

CM-4.2

~

"Hollian, sigurado ka na ba sa gagawin mo?" muli ay tanong ni Manang Bebeng sa akin matapos niya akong paghainan.

"Wala po akong pagpipilian," sagot ko habang sumusubo ng tinapay.

Malungkot naman itong napatungo na lamang.

Tumayo na ako.

"Aalis na po ako," paalam ko rito.

"Mag-iingat ka anak," anito.

"Opo."

Nababakas ko sa tono nito ang matinding pag-aalala para sa aking kapakanan. Ngunit kung paiiralin ko ang ganito ay ako pa rin sa huli ang mawawalan. Hindi na bale kung magalit man si ama sa gagawin kong ito pero nakapagpasya na ako at sisiguraduhin kong maayos ko ito.

Tinungo ko na ang kuwadra at kinuha ang kabayong gamit ko kanina. Sinakyan ko agad ito at tinahak ang daan papunta sa asyenda ni Kanyue.

"Kaloy! Ang señorito Kanyue mo? Nasaan siya?" tanong ko agad pagkahinto ko.

"Nasa batis po señorita Hollian," ani Kaloy.

Tumango lamang ako at tinahak na ang daan patungo sa batis.

Nang makarating ako ay agad din naman akong bumaba sa aking kabayo at itinali ang lubid nito sa malaking puno ng kahoy.

Napalinga-linga pa ako sa aking paligid. Humakbang pa akong ng limang beses bago ako tuluyang nakaapak sa malaking bato. Agad na natanaw ng mga mata ko si Kanyue na naliligo sa may batis. Nakatalikod ito at walang damit na pang-itaas. Nakatukod sa mga bato ang dalawang kamay nito habang patuloy na rumaragasa sa buong katawan niya ang tubig na nagmumula sa bundok. Napabuga ako ng hangin dahilan para lumipad ang ilang hibla ng aking buhok na natatakip sa aking mukha. Hindi ko maipagkakaila sa aking sarili na magandang lalaki rin ito. Saktong-sakto ang laki at brusko ng pangangatawan nito. Bumagay din sa kanya ang mahabang buhok, lalo na ang kulay berde nitong mga mata.

Bigla naman itong pumaling paharap kaya agad na nagsalubong ang aming mga mata.

"Ano ang iyong sadya Hollian?" anito at bahagya pang lumayo sa tubig na rumaragasa sa kanyang katawan. Nang hagurin ko ito ng tingin at agad akong napalunok. Hindi ki maiwasang mapatitig sa kanyang tiyan, pababa sa kanyang puso. Diyos ko! Bakit ba masyadong pinagpala ang lalaking ito. Daig niya pa ang isang modelo.

Napalunok akong muli at sinalubong ang kanyang pagkakatitig sa akin.

"Iyong tungkol sa alok mo sa akin," panimula ko.

"Ang akala ko ba ay ayaw mo?" Tila yata ay parang nanunuya ito sa akin. Nakuyom ko ang aking mga kamao.

"Apektado at nadadamay ang mga tauhan ko kaya wala akong pagpipilian."

"Ganoon ba? Sige. Agad kong mamanduan si Kaloy para hakutin ang mga gamit mo. Titira ka na sa akin, simula sa araw na ito."

Napaatras ako.

"Agad!?" mangha ko pang reaksyon.

Tinaasan naman nito ako ng kanyang kilay at pilyong ngumiti.

"May angal ka ba ro'n Hollian?"

Mariin kong nakagat ang aking ibabang labi.

"Wala," mariing sagot ko.

Buwesit! Bakit nga ba ako nagrereklamo gayong alam ko namang sa umpisa pa lang ay ito na talaga ang mangyayari.

Tumalikod na ako ngunit bigla may humawak sa aking kanang kamay. Nang pumaling ako sa kanya at nagitla ako. Paano nakapunta agad sa akin si Kanyue gayong malayo naman ang puwesto nito mula sa akin.

"A-ano k-ka b-ba t-talaga?" nauutal kong tanong.

"Hulaan mo," hamon pa nito sa akin.

"Puwede ba Kanyue, hindi ako manghuhula! Ano ka ba talaga? Bakit ba lagi kang sumusulpot gayong kitang-kita ko naman kung gaano ka kalayo sa akin. Hindi ako bulag Kanyue at mas lalong hindi ako mangmang!" Nanginginig ang buo kong kalamnan habang sinasabi ko iyan sa kanya.

"Masyado kang maraming iniisip Hollian."

Natampal ko ang aking noo at marahas na nagpakawala ng malalim na hininga.

"Aalis na ako," nasabi ko na lamang ngunit maagap ito muli sa paghila sa akin.

"Samahan mo akong maligo," aniya.

"Nahihibang ka na ba?"

"Magiging asawa na kita Hollian. Dapat lang siguro na sabayan mo ako," aniya.

Nailing ako. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko mula sa kanya. Padabog ko itong tinabig at bumaba sa malaking bato. Humakbang pa ako ng konti at hinubad ang aking bestida. Napipilitan man ngunit wala akong magawa. Lumusong ako sa tubig at agad na guminhawa ang aking pakiramdam. Kailangan kong pagtiisan ang mga nais niya, alang-alang sa mga trabahador ko sa aking asyenda. Halos nasa tatlong daan din ang mga tauhang mayroon ako at masakit para sa akin na pati sila ay madadamay dahil lamang sa kalokohan ng lalaking ito.

Nang pumaling ko kay Kanyue ay nakalusong na ito sa tubig kaya bahagya akong lumayo sa kanya ng konti.

"Hollian," tawag nito sa akin.

"Mahal kita," aniya pero hindi naman nakatingin sa akin.

Natulala ako saglit dahil sa aking narinig.

"M-minahal mo ako sa sandaling panahon lamang?" Napatawa ako.

"Hindi ako naniniwala sa iyo."

Napahalakhak naman ito.

"Anong nakatatawa?" inis kong sambit.

"Ikaw. Parang hindi mo naranasang magmahal Hollian. Walang pinipiling oras, araw, linggo, buwan at taon ang isang pagmamahal. Kusang tumitibok ang puso mo kapag nararapat na sa iyo ang isang tao. At isa pa'y hindi nagkakamali sa pagpili si Luna para sa amin. Takasan mo man ang kapalaran mo'y hahanap at hahanap ito ng pagkakataon, mangyari lang ang nakasaad sa iyong kapalaran."

Hilaw akon napatawa. Tama ito sa kanyang sinabi pero hindi pa rin ako naniniwalang iniibig niya nga ako.

"Hindi tunay na pag-ibig ang nararamdaman mo sa akin kaya tigilan mo ako," utas ko rito.

Lumapit naman ito sa akin kaya muli akong napaatras ngunit hindi ko na makuhang umurong pa ng todo dahil malaking bato na ang mayroon sa aking likuran. Iniharang pa nito sa akin ang kanyang dalawang braso para makulong ako sa pagitan nito.

"Titigan mo ako Hollian at sabihin mo mismo sa aking harapan kung ano ang iyong nakikita."

Bumigat ang aking paghinga at sa pakiramdam ko'y mas lalong lumamig ang tubig sa batis. Nag-iwas ako ng aking paningin ngunit maagap nitong nahawakan ang aking mukha at muling pinaharap sa kanya.

"Sabihin mo sa akin Hollian," utos nito.

Nagitla ako. Sa unang tingin ko sa kanyang mga mata ay kulay pula ito ngunit ng kumurap ako'y naging berde itong muli. Namamalikmata ba ako o hindi?

"Hollian," malumanay nitong untag sa akin.

CARITAS MEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon