CM-2

8.6K 266 5
                                    

CM-2

*****

"Senyorita Hollian, gising na po." Napaungol lamang ako. Dahan-dahan ko pang iminulat ang aking mga mata. Ang mukha agad ni Des ang nakita ko. Agad akong napabalikwas at napalinga sa paligid ko. Nasa bahay na ako at kasalukuyang nasa aking silid ako ngayon.
"Des? Anong nangyari?" tanong ko agad.

"Po? Nahimatay daw po kayo sa kubo ni kuya Emil. Nakita kayo ni Manang Bebeng. Pinuntahan ka raw niya ro'n eh," paliwanag niya.

"Iyong lalaki? Nasaan siya?" Kumunot naman ang noo nito.

"Lalaki? Sino po ang tinutukoy niyo?"

"Iyong lalaking kasama ko sa kubo ni Emil," sagot ko.

"Wala naman pong nakita si Manang Bebeng na may kasama kayo sa kubo ni kuya Emil." Nailing ako.

"May kasama ako Des! Mayro'n!" Bumaba ako sa aking kama at lumabas ng bahay. Agad kong nakita ang isa ko pang katiwala na si Mang Karyo. Agad akong lumapit sa kanya.

"Mang Karyo, sinong nakatira sa kabilang asyenda?" tanong ko agad.

"Si Senyorito Kanyue Oruiseas Zoldic po, senyorita Hollian. Bakit po?"

"Dalhin mo ako sa kanya," utos ko.

"Pero senyorita, wala po riyan ang senyorito. Bukas pa raw ang dating nito galing sa ibang isla," anito. Napaawang ang aking bibig.

"Anong bukas ang pinagsasabi niyo Mang Karyo? Nakita ko po ang lalaking iyon sa kubo ni Emil kanina lang." Hindi ko lang basta nakita ang lalaking iyon dahil hinalikan niya pa ako. Sinabi pa nitong kapangalan ko raw ang magiging kabiyak niya. Kalokohan!

"Pero senyorita Hollian, totoo po ang sinasabi ko. Bukas pa po talaga iyon darating dahil nakausap ko pa nga po ang katiwala niyang si Kaloy." Natampal ko ang aking noo. Hindi ako makapapayag na gawin niya akong katawa-tawa sa lahat ng mga tauhan ko. Patutunayan kong totong narito na nga ang lalaking 'yon!

"Pero senyorita Hollian, totoo po ang sinasabi ko. Bukas pa po talaga iyon darating dahil nakausap ko pa nga po ang katiwala niyang si Kaloy." Natampal ko ang aking noo.

Hindi ako makapapayag na gawin niya akong katawa-tawa sa lahat ng mga tauhan ko. Papatunayan kong totoong narito na nga ang lalaking iyon!

"Dalhin mo ako sa kanya Mang Karyo, ngayon na!" utos ko. "Pero senyorita," pagtutol nito. Matalim ko siyang tinitigan kaya awtomatiko naman itong napalakad papunta sa mga kuwadra ng mga kabayo. Paroon at parito ang mga hakbang ko habang nakapamaywang. Naiinis ako sa tuwing sasabihin nilang wala akong kasama sa kubo ni Emil. Ang lalaking 'yon! Hindi ko alam kung anong ginawa niya para magmukha akong baliw sa aking mga tauhan. Bumalik naman agad si Mang Karyo, dala niya ay dalawang kabayo. Agad akong sumakay sa kabayong ibinigay nito. Si Mang Karyo naman ay agad din namang sumakay sa kanyang kabayo. Napatiuna ito sa pagpapatakbo ng kanyang kabayo kaya sumunod na lang din naman ako. Halos limangpung metro ang layo ng asyenda nito sa asyenda na pagmamay-ari ko.

~

Nang makarating kami sa bukana ng lupain nito ay agad kaming sinalubong ng isang binatilyo. Ito marahil ang katiwala niyang si Kaloy, ayon na rin kay Mang Karyo kanina. Bumaba ako sa aking sinasakyang kabayo.

"Kaloy, si senyorito Kanyue ba nariyan?" tanong pa ni Mang Karyo nang makababa ito sa kanyang kabayo. Binitawan naman nito ang hawak na walis ting-ting.

"Si senyorito Kanyue po ba? Bukas pa po siya darating. Bakit po Mang Karyo? May kailangan po ba kayo kay senyorito?" Mariin kong nakagat ang aking labi. Imposible!

"Nako Kaloy, wala naman. Ang sabi kasi ng senyorita Hollian ay nakita niya ito sa kubo ni Emil," sagot naman ni Mang Karyo.

"Talaga ho? Baka po guni-guni niyo lang po iyon senyorita," baling pa ni Kaloy sa akin. Nagsalubong ang aking mga kilay. Magsasalita na sana ako pero bigla namang may dumating na isa pang bisita. Nakasuot ito ng sumbrero na pamilyar sa akin. Para itong koboy sa kanyang suot pero wala namang suot na damit pang-itaas. Papalapit ito sa kinaroroonan namin. Saka ko tuluyang namukhaan ito.

"Siya!" Itinuro ko pa ito. Pareho namang napalingon sina Kaloy at Mang Karyo sa kanilang likuran. Napatakbo agad si Kaloy sa kinaroroonan nito.

"Senyorito Kanyue, napaaga po yata kayo," ani Kaloy.

"Masyado kasi akong nagalak lalo na sa magandang tanawin dito sa asyenda," anito habang nakatuon naman ang paningin sa akin. Napalunok ako. Hayan na naman iyong mga titig niya na sa pakiramdam ko'y tumatagos sa aking katawan at kaluluwa.

"Siya po ba ang nakita niyo senyorita Hollian?" tanong pa sa akin ni Mang Karyo. Hindi ako nakasagot kaya tanging pagtango na lamang ang aking nagawa.

"Ngayon lang kita nakita kaya imposible na magtagpo tayo," anito. Napalabi ako.

"Sigurado akong ikaw ang kasama ko kanina sa kubo ni Emil," giit ko.

"Anong kubo ba?" Napaawang ang aking mga labi. Bakit parang itinatanggi nito ang nangyaring pagkikita namin kanina.

"May kubo po kasi sa gitna ng gubat malapit sa may batis senyorito Kanyue. Kubo po iyon ng kuya Emil noong nabubuhay pa po ito," paliwanag pa ni Kaloy. Bakit ba nagmamaang-maangan pa ito.

"Hindi ko pa nakikita ang lugar na iyon Kaloy. Papasyalan ko ang parteng iyon kapag nabakante ako," nakangiti pa nitong wika.

CARITAS MEATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon