[ vote and comment guys SALAMAT NG MARAMI ]
Shiela povs
Andito kami ngayon sa hospital kasama si cyrille at mama ni Alice sa pag kakakilala ko ang pangalan niya ay Alicia.
Kamukhang kamukha siya ni alice,Grabe!! ang ganda ng mama niya hindi halata sa itsura niya na may kaedar@n na ito dahil mukhang diyosa.
Nakaupo ito sa tabi ni alice at punong puno ng Takot at awa na naka rehistro sa kaniyang Mukha.
Matapos kasi ang nangyari kanina ay tinawagan namin siya dahil sa pag alala na din kay alice.
Na alala ko pa ang nangyari kanina bago siya nawalan ng malay .
------ Flashback -------
Kanina pa ako nag pipigil ng galit sa mika na yan hindi pa nakontento ng binuhusan niya si Alice ng isang balding tubig at inalok pa ang ibang kababaihan na pag babatuhin si alice nag itlog.
" you deserve that slut!"
rinig ko pang sigaw ng mga kababaihan habang patuloy sa pag bato ng itlog.
" Sumosobra na talaga yang pugitang babaeng yan !" gigil na sabi ko Unti nalang talaga mapapatay ko na ang hinayupak na mukhang clown na yan isama mo pa ang mga babaeng nasuhulan niyang bullyhin si alice.
Napansin ko may Yumakap kay alice na lalaki sa pag kaka tanda ko siya yung nakasalo kay alice ng muntikan siya madulas sa kagagawan ulit ni mika.
Bwisit kasing cyrille na ito eh! kanina pa ako hawak hawak hindi ko tuloy magawa ang gusto kong gawin kay mika!
makawala lang talaga ako sa kamay ni cyrille mapapat@y ko siya .
Ano bang problema nila kay alice nanahimik siya tapos Bullyhin nalang nila ng walang dahilan. Sumosobra na talaga sila ano akala nila Isang BAGAY lang si alice at pag laruan nila.
Oo alam ko bago ko palang kilala si alice pero sa araw na iyon ng makilala ko siya magaan ang pakiramdam ko at alam kong mabait ito at tahimik.
Kaya nga nagtataka talaga ako kung bakit siya Center of attraction sa Pagiging Bully.
" Stop it !!! " natahimik ang mga kababaihan at mga kalalakihan na walang ginawa kundi ang manuod at tumawa na akala na sa isa silang comedy bar.
Napalingon ako sa lalaking Sumigaw na kakarating lang. Nainis ako ng Ma alala bat ngayon lang ito dumating Late na siya ng 30 minutes dahil ka klase namin siya at ngayon lang dumating di kung maaga siyang dumating hindi Mapapahamak ng ganito si alice.
Tsk !
Natahimik ang lahat ng sumigaw siya at halos na pasinghap ako ng biglang may nag takang batuhin si alice ng bato at akala ko hindi ito makaka abot kay alice dahil hanggang ngayon pinoprotektahan siya ng lalaking kanina pa nakayap sa kaniya.
Pero nag kamali ako dahil tumama ito sa Ulo niya at biglang unting natumba si alice dahil dun halos ma isigaw ko na ang pangalan niya sa pag kabigla.
Mag babayad ang gumawa sa kaniya nito!
" Aliceeeeeeeeee!!!!" sigaw ko at sabay Pinuntahan ang babaeng bumato sa kaniya ng bato hindi ko alam kung saan nakuha ng bruhang iyon ang bato dahil Sementado naman itong gym at wala kang makikitang nakakalat na bato.
Halos mag dilim ang paningin ko ng tumawa pa ito kaya wala akong ginawa kundi ang sugurin ang lapastangang babaeng bumato kay alice at hindi nag dalawang isip na kinaladkad siya sa bleacher pababa habang hawak ko ang buhok niya.
Halos mapa aray pa siya dahil halos ilampaso ko siya sa bleachers pababa sa gitna ng court.
" Yan ! yan ang sayo! "
inis na sabi ko at pinag sasabunot ang buhok niya, inaawat naman kami ng kababaihan pero wala silang nagawa dahil sa galit ko pinag tatadyak ko pa siya.
Hanggang sa Awatin ako ni Cyrille at mga walang kwentang kalalakihan dahil hindi naman ako ma awat ng kababaihan.
" ARAY! bat ko ginawa yun ha ?! " sigaw sakin ng sinabunutan ko kanina habang inayos ayos ang buhok niya.
" nararapat lang yan sayo ! bruha ka ! sino ka ba sa akala mo at maaari mong batuhin si alice!" Gigil na sabi ko at tangkain sana ulit siyang sugurin dahil gigil na gigil ako sa galit sa kaniya pero pinigilan ako ni cyrille.
" huh ! So ano akala mo ngayon hero kana ! at naka ganti ka !" sigaw niya ulit ng may halong Nakakalokong ngiti.
" Eh! bruha ka pala eh! ay! hindi pala bobo ka rin pala at bakit may sinabi ba ako na hero ako ! tanga bobo inutil ang panget panget mo!"inis parin na sabi ko.
Kanina pa talaga ako gigil ng gigil sa kaniya sa ginawa niya kay alice bwisit kasing cyrille nato.
Pag ako talaga nakawala sa pag hawak niya sakin gugulpihin ko ang babaeng yan!
" huh ! akala mo kung sino ka ! " sabi niya at akmang susugod rin kaya napasugod rin ako ng makuha ako ng tyempo na maluwag hawak sakin ni cyrille.
" Ano lalaban ka huh!! punyeta ka mapapatay talaga kita bwisit ka !!!" sabi ko at sinabunutan siya.
" ahh! stop it ouch !! y-you bitch ahh - ouch s- stop it !!!" sabi niya at halata sa boses niya ang paghihirap.
Na awat ulit ako ni cyrille kaya nabitawan ko siya.
" you bitch ! pag sisihan mo ginawa mo sakin ! mag kikita rin tayo ulit !!!"
Gigil na sabi niya at sabay nag walk out.
tsk ! poor girl hindi kita aatrasan.
Nabalik lang ako sa realidad ng makita kung Tinakbo ni Eithan si Alice palabas ng gym kaya na pasunod na din ako.
End of the flashback ----
haaay! hanggang ngayon parin asar na asar parin ako sa babaeng Bumato talaga kay alice hanggang ngayon hindi pa kasi nagigising si alice dahil masiyadong malaki ang batong binato sa kaniya.
Once talaga na makita ko Pa ulit ang babaeng yun !! Hindi na ako mag dadalawang isip Na ilampaso ulit pag mumukha niya.
To be continue........
Waaaah ! Natakot na ako shiela ang brutal pala niya kung magalit . Huhu ! Kamusta na kaya si alice kelan kaya siya magiging ?
Sino naman kaya ang lalaking Dalawang beses na niligtas si alice ??
Ano kaya role nito sa buhay ni alice ??
Vote and commemt please..