CHAPTER 10

3K 119 3
                                    

JANICE

Habang naglalakad kami papunta sa sunod naming klase ay naisipan kong dumiretso muna sa CR, piling ko kasi ay mahuhulog na ang wig na suot ko. Hindi ko ito masyadong naayos kanina at malelate na kami.

Pagpasok ko ay buti at walang tao, sinara ko ang pinto at tinanggal ang suot kong wig. Sa totoo lang ay gusto ko na itong itapon dahil ang init init na nga sa Pilipinas kailangan ko pang magsuot ng ganito.

Binaba ko ito sa lababo at naghilamos ng mukha. Bigla naman akong napatingin sa dulong cubicle dahil may naramdaman akong gumalaw doon, sa sobrang tagal namin sa BR kahit kaunting kaluskos ay nararamdaman ko. Hindi ka pwedeng tatanga-tanga doon kung gusto mo pang tumagal sa mundo.

"What do you think you're doing?" malamig kong tanong at sinuot na muli ang wig na tinanggal ko kanina, kala ko ay walang tao.

Tinuro naman nito ang wig na sinuot ko at nanlalaki pa rin ang mata.

'Ano bang meron ngayon at andaming kamalasang nangyayari sa'kin' humarap ako sa salamin at tinignan kung ayos na ba ang itsura ko. Maglalakad na sana ako palabas ng bigla akong hinigit nito at ipinasok sa kalapit na cubicle.

"Anong pangalan mo? Diba kasama mo yung babaeng nakasagutan ni Sapphire sa garden? Ano nga ulit pangalan non? La? Wait, is it Le? Hmm- oh! It's Li---" tinakpan ko naman ang bibig nito at sinabihang manahimik muna. Bigla namang bumukas ang pinto at may pumasok na dalawang babae.

"Bakit walang tao dito? I thought pumasok dito yung nerd na isa? I want to play with her pa naman!" tumatawang sabi nito. Napairap naman ako dahil mukhang kilala ko na kung sino ang mga 'to.

"Baka lumabas na, hindi ko napansin at dumaan sila Tristan kanina!" kinikilig pang sabi nito at unti unti ng humina ang mga boses nito.

"Hmmp hmmp!" 'saka ko lang naalala na may kasama pa pala ako at hindi na ito makahinga dahil sa pagkakatakip ko sa bibig nito, naisama ko pala ang ilong niya na natakpan dahil sa pagmamadaling patahimikin ito. Tinanggal ko naman ang pagkakahawak ko dito at lumabas na sa cubicle.

"Can you pretend that you didn't see anything? I don't want to use my fist to shut someone's mouth today." malamig kong sabi dito at tumalikod na.

"Can I be your friend? I'll shut my mouth, promise!" nanginginig nitong sabi at nakayuko pa rin.

Hindi ko na sana ito papansinin pero bigla itong humawak sa kamay ko, ramdam na ramdam naman ang panginginig nito. What's her problem?

"Why would I?" mataray kong tanong at inalis ang pagkakahawak nito sa braso ko. Tumingin naman ito at nung tumingin ako ay bigla itong nag iwas ng tingin.

"Ano kasi, yung nangyari kasi sa garden nung lunes. Napanuod kasi namin 'yon ng kakambal ko, and we find it really cool. Unlike samin, takot kaming mabully ng iba pero kayo, ni hindi niyo manlang ininda yung mga ginagawa nila these past few days. We just want to learn from you." pagtapos nitong sabihin 'yon ay nagsimula na itong umiyak. Napakunot naman ang noo ko at napansin ang itsura nito. Maganda naman ito pero hindi ito yung tipikal na estudyante ng Hendrix. May makakapal itong salamin at mahahabang damit, gaya ng suot namin ngayon.

This is actually my first encounter with an actual "Nerd" in this school, and they look weak and easily intimidated.

"I understand, can you please stop crying now? Your snot is all over your face." sabi ko at lumayo dito. Agad naman itong kumuha ng panyo at nagpunas ng mukha.

"Ako nga pala si Karen." nakangiti nitong sabi at inabot ang kanang kamay. Inabot ko naman ang kamay ko dito.

"Janice." sabi ko. Ngumiti lang ito at kumawit pa sa braso ko. Inaya na ako nito lumabas dahil kailangan na daw naming pumasok. Napakunot naman ang noo ko at sinabi niyang sa kabilang kwarto lang pala ang section nito. Nagpaalam na ito at pumasok na sa classroom nila.

'Ano ba 'tong napasok ko' papasok na sana ako ng biglang may bumangga sa balikat ko.

"Are you blind?" sabi ng lalaking nakabangga ko pero hindi ko na ito pinansin at pumasok na. Masyado ng maraming nangyari wag niya na sanang dagdagan.

- R E V I S E D -

That Nerds Are The Long Lost Gangster PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon