Kabanata 32

1.8K 94 35
                                    

Kabanata 32








"Manang, pupwede po ba akong humingi ng pabor? Usal ko kapagkuwan. Nakaupo lang din ito paharap sa akin kung saan hinila pa nito ang isang high chair sa tabi ko at tumapat siya ng upo sa akin. Napangiti naman ako sa ginawa nito.

















Kaagad siyang nag-angat ng tingin matapos nitong ibinaba ang tasa ng kape niya mula sa maliit na platito nito. Tutal sinamahan na lang din ako nitong kumain at iniinit nito ang ulam ko ay pinagtimpla ko na lang din siya ng masarap na timpla ko ng kape na kaagad naman niya nagustuhan.























Mataman ako nitong pinakatitigan. "Ano 'yon, Anya? May bumabagabag ba sa'yo? Sabihin mo lang sa akin baka sakaling makatulong ako." Aniya.




























I heaved a deep sigh to calmed myself and where I should start. Naghabilin na nga ako.

"Manang, alam ko na isa kayo sa pinagkakatiwalaan ng Pamilya." Pag-uumpisa ko. "At isa kayong saksi kung ano ang nangyari sa Pamilyang ito at sa Akin." I gulped.



















Tumango naman ito. "O—oo, Oo, naman...Anya, hindi naman ako manhid para hindi malaman ang sitwasyon ng nasa paligid ko." Saad nito at pagkatapos ay bumuntong hininga siya. "Alam ko na alam ko kasi isa ako sa nakasaksi kung paano mo ipaglaban ang Amo ko, Anya. Mahal na mahal mo siya kaya ginawa mo lang kung ano ang tama para sa'yo kasi...alam mo? Kung ako lang iyon, iyong pinangakuan ako tapos hindi lang din pala tutuparin bagkus mas pinili pa niya ang mali kaysa ikaw na tama? Naku, Anya. Sinasabi ko na sa iyo na walang puwang ang lalaking iyon sa mundo ko!"















Natawa naman ako ng mahina. "Kaya po ba kayo hindi na nakapag-asawa, Manang?" I teased her.











Sinamaan naman kaagad ako ng tingin. "Naku, itong batang ito? Nakuha pang magbiro sa ganyang sitwasyon..." Naiiling na komento nito.



Nagkibit balikat ako. "Hmm, gusto ko lang po kasing maging productive ako habang nabibilang na lang din ang oras ko sa inyo Manang, gusto ko po sana na mag-ipon ng memories kahit na bukas lang din? Pupwede po ba?"




















At kaagad naman itong nag-react sa sinabi ko at pumalakpak pa ito ng mahina.















"Tama iyan naisip mo, Anya! Ano kaya kung magkaroon tayo ng Barbeque Party sa likod ng bahay?" She suggested it so I agreed.




















"Wow. Gusto ko po iyang naisip niyo. Tiyak na matitikman ko na naman ang Chicken Barbeque niyo!"



At nakita ko ang paglamlam ng kanyang mga mata kapagkuwan.












"Mami-miss kita, Anya...mami-miss ka naming lahat dito, ang kasiyahan mo, ang pagiging positibo mo sa lahat ng bagay." At kaagad naman akong natigilan at mukhang naiintindihan niya ang reaksyon ko. "Ang sinasabi ko lang ay kung paano ka maging positibo sa kabila ng mga negatibong bagay na dumadaan sa buhay mo..."
















Napawi naman ang pagngiwi ko. "Ah, akala ko po kung ano na..."






















Siya naman ang ngumisi. "At maging ang katakawan mo, Anya..."




















And my smile fell and laughter once again that reign. Ilang sandali pa ang inilagi namin na kung saan nagpaalam ako na magpapahinga na at siya naman ay hahatiran lang ng meryenda ang mga nanghihinging Sekyu ng Mansyon ngunit bago ko lisanin ang lugar na iyon ay sinabihan ko pa si Manang na kaagad naman niyang naintindihan.






















Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon