Kabanata 43

663 26 1
                                    

Oh, hayan natauhan na po siya.
Please don't be harm kay Anya...

Kabanata 43









Nang mga sumunod na araw 'ding araw na iyon ay kaagad kong napagtanto ang aking mga pagkakamali kung saan hindi ko alam kung saan pa ako ulit mag-uumpisa kasi sa bawat umpisa na lang ang nagagawa ko, ni hindi naman ako umuusad.



























Si Miguel Fontallero din ay kaagad na nawala na parang bula pagkatapos ng matinding komprontasyon namin.






















Ni hindi ko alam kung saan siya nagpunta pagkatapos nito ngunit ngayon ay alam ko na...






















Bumalik siya sa piling ni Cassie na parang wala man lang na nangyari sa pagitan naming dalawa ngunit hindi ko naman kasi siya sinisisi kasi ako din naman itong naging marupok...kaya sa akin pa din ang huling sisi.
























"Anya..." Basag ng baritonong tinig mula sa aking harapan. He snapped his fingers closer to my eyes.
























Napamulat naman ako sa realidad kapagkuwan.






















Nahanap ko si Xander na nakahalukipkip na sa aking harapan kung saan nakalapag na sa aming mesa ang order nitong chicken wings at iba't ibang klase peanuts. Nahanap ko din ng aking mga mata ang mga beer na halos makadalawa na kami. Umayos ako ng upo.

































"Ikaw pala. Nakabalik ka na pala, hindi mo man lang sinasabi."































At siya naman ay kaagad na sumingkit ang mga mata habang nakatayo pa din ito sa tabi ng aking mesa.







"Maupo ka nga." Sita ko sa kanya.











Nandito kami ngayon sa The Game Room Sports Bar. Isa itong sikat na puntahan para sa isang gabi ng aliw mula sa mga billiards and drinks. Well, as usual ay mahahanap kaming dalawa dito sa dulo kung saan makalayo-kayo sa mga nagkakasiyahan.








Malayo ito sa amin pero hindi naman ito kalayuan tulad ng inaakala niyo. In fact, malapit lang ito sa SM pero dahil gabi na ay labasan na ng mga Zombies at ako, maging ang kasama doon.
















Ngunit hindi niya pinulot ang binabato ko sa kanyang reaksyon ko sa kanyang pagkakatayo kaya hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mapalingon sa mga katabi naming table which luckily may sarili itong mga mundo.





















"Paano naman kasi malalaman mo na nakabalik na ako kung ang mundo mo ay wala dito, kundi nasa ibang dimensyon." He hissed. Nagbaba naman ako ng mukha pagkatapos.



























"Sorry..." Pag-hingi ko ng paumanhin.
















"Hay, lagi ka na lang ganyan sa mga nakalipas na mga araw...palagi kang wala sa sarili mo... Alam ko na nami-miss mo siya pero alam mong hindi puwede..."






Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon