Kabanata 25

2.2K 104 21
                                    

Kabanata 25











"Hindi na ako nagtataka pa kung bakit hindi maiwan-iwan ito ni Mamita..." Basag ni Xander mula sa katahimikang bumabalot sa amin habang kapwa namin pinagmamasdan ang magandang tanawin ng Hacienda mula dito sa aming mabagal na paglalakad.











Tumigil naman ako sa pagkuha ng mga larawan kung saan ang magagandang tanawin ay hindi pinalalagpas ng aking lens pagkatapos ay binalingan ko ito ng dahan-dahan mula sa aking tabi ngunit ang kanyang mga mata ay nakatutok lang sa mga nadadaanan namin.












"Ang alin ba?" I smiled as I do the same thing He does. Bumalik din ako sa pagkuha ng mga larawan. "Ito bang Hacienda ang tinutukoy mo?"











"Hmm, Yes? Iba pala talaga kasi kung makakita ka pa din ng luntiang tanawin sa ilalim ng maaliwalas na kalangitan. Nakakawala ng stress..." He chukled. "Ang gaan ng pakiramdam, pakiwari ko."













Nangiti naman ako ng makuhanan ko ang isang makulay na paro-paro na dumapo sa isang ligaw na bulaklak na kulay dilaw ang kulay kung saan mula sa background na kinuhanan ko ay narito ang maaliwalas na himpapawid kasama ang panaka-nakang maninipis na kaulapan dito at ang mga kabundukan mula sa malayo. May mga batu-bato din sa gilid ng mga ligaw na bulaklak kung kaya nagbibigay ito ng magandang shots. Perfect!













"Tama, 'yan din ang dahilan kung bakit ayaw kong malayo dito sa Probinsya lalo na dito sa Hacienda." Humugot ako ng malalim na hininga pagkatapos kong bitawan ang lens at pinagmasdan ang kapaligiran.












Ang ganda-ganda talaga dito sa Hacienda, wala na yatang makakatulad pa ng ganda sa isang tahimik at mayroon tanawin na kung iyong bubuksan lang ang iyong mga mata ay masasabi mo na iba pa din pala ang ganda ng Pilipinas. Ang bansa na ating Sinilangan...












"Iba kasi ang nabibigay nito para sa akin na...na para bang, mawala na ang lahat pero huwag lang ang ganitong klase ng tanawin? Yun alam mong ganoon'g feeling?" Pagpapatuloy ko kung saan kaagad naman itong sumang-ayon.











"Kaya ba...ayaw mong subukan ang mangibang bansa? Untag nito ngunit sa kalmadong paraan. Nagsalubong ang aming mga mata pagkatapos.














Mangibang bansa? Sounds good and inviting...pero?















Tumaas ang sulok ng labi ko. "Well, saka na muna siguro pag-isipan iyan ng mabuti kasi ayaw ko naman magpadalos-dalos ng desisyon kasi mamaya niyan...umuwi lang din ako ng Pilipinas pagkababa ko ng eroplano."











Natawa ito ng mahina. "Talaga? Dapat siguro kapag nagkataon iyon ay dapat kang ikandado para hindi ka na makaalis pa sa tabi ko..."












"Nah, sa sinabing mong iyan ay baka huwag ko na lang ituloy pa ang pinaplano mo...as a Secretary, huh?"











"Oo naman. Secretary lang...Bakit gusto mo bang—"












Hindi na nito natuloy pa ang sasabihin ng mayroon nagsisigaw sa bandang likuran namin at napangiwi ako ng sinisigaw nito ang pangalan ko kung kaya napilitan kaming lumingon sa aming pinangggalingan.















"Anya! Anya!" Sigaw nito habang lakad takbo ang ginagawa nito. Natatawa naman ako ng bahagya dahil tila hinahabol siya ng sampung bakla na nakaaway nito sa kanto at gusto siya nitong sabunutan dahil sa klase ng buhok nito ay para na siyang si Simba ng Lion King.

















Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon