Kabanata 12

4K 132 33
                                    

Kabanata 12



Natapos ang pananambahan ko sakto alas dose na ng tanghali kung kaya naman ay niyaya muna ako ng mga ito ng salu-salo na malugod ko naman tinanggap habang ang mga Kabataan naman ay nagkakatuwaan at ang ilan sa kanila ay tumutugtog pa ng mga instruments habang ang ilan ay kumakain.







Pagtitipon pala ngayon every first month na nagaganap kung kaya sagana sa hapag. Panaka-naka naman akong kinakausap nina Pastor Lee at nang iba pa, kilala na ako dito sa Church na ito kung kaya komportable ako sa kanila. Alam din naman nila na busy ako sa aking Work kung kaya hindi ako nakakasama kadalasan sa mga small gatherings na alam ko na naiintindihan nila ako.








Mayroon mga Pamilya, mga Mag-Anak at hindi mawawala ang mga tsikitings na kinuhanan ko ng Video habang nagpi-presenta ang mga ito ng kanilang opening number kanina. They are full of joy indeed.













Ang gaan sa pakiramdam at hanggang sa nakapagpaalam ako ng maayos sa kanila while someone keep asking me kung kailan ako tutugtog kasi alam nila na marunong ako sa mga instruments tulad ng Drums and Guitar. Natutuwa ako, gusto ko din sana maturuan ang mga bata ukol sa mga ganitong bagay na sinabi ko pa sa kanila na kapag natapos na ako sa Duty ko ay mag-Focus naman ako sa Ministry because I wanted to get deep about My God and my Faithfullness to Him.









He is the Lord, Our God that will never leave you nor forsake you, instead He would be join your War and make it Win about it. Nandyan lang siya sa iyong puso na kung saan kung hahayaan mo lang siya na maniobrahin ang iyong buhay ay alam ko may kalalagyan ka hindi man dito sa mundong ibabaw kundi sa Kalangitan.





At doon, makakamit mo ang buhay na walang hanggan. Aba, huwag mo ng dadagdagan ang pagdudusa mo dito pa lang sa mundong ito. Kung pasaway ka at hindi ka nakikinig sa kanyang mga Utos at Salita baka pagdating ng panahon kung saan tumigil na ang pag-inog ng iyong mundo mula sa iyong orasan ay magsisi ka man dahil huli na, ang Impiyerno na ang iyong huling kahahantungan ng iyong Kaluluwa...






Sometimes, Ego are the main reasons why are we doing wrong kind of decisions, Pride that will lead you eventually on doing some nasty works. So, wala talaga tayong mapapala sa ating baluktot na kaisipan kaya habang maaga pa ay dapat na nating pululin ito bago pa tumigas ang sungay natin.


Nang makapag-paalam ako sa mga Ka-Churchmate ko ay sumakay ako ulit ng Pampasaherong Jeep upang makauwi na muna at makapagpahinga dahil alam ko na mayroon din limitasyon ang katawang lupa ko kung kaya't kinakailangan ko itong ipahinga kahit na ilang oras lang dahil kinabukasan ay alam ko na sasabak na naman ako sa matinding bakbakan sa buhay.








Halos limang minuto lang ang tinagal ng byahe ko dahil hindi naman punuan kaya mabilis magpatakbo si Manong Driver kung kaya nakarating ako sa munting kubo ko ng maayos.





Naglinis muna ako ng aking kapaligiran mula sa loob hanggang sa labas kung saan madami-daming dahon ng puno ng mangga ang nagkalat. Tsk, sakit sa likod na naman ang aabutin ko nito. Mayroon din akong munting mga halaman na namumulaklak na nakapalibot sa buong compound ko. Maliit lamang ang kinatitirikan at ang paligid nito pero hindi nababakasan ang nililikha nitong pagiging kalmado ko.











And about naman sa Kubo, hindi naman sa literal na Bahay Kubo ito. Kaya ko lang naman tinatawag ko itong ganoon ay sa pakiramdam na kaaya-ayang paraan. Munti kong Kubo kasi mag-isa lang naman ako gawa din ang haligi nito sa semento at mga yero bilang nagsisilbing bubungan. Ang cute nga nitong Kubo na ito eh, kasi nasa bandang likuran ko lamang ay ang malawak na palayan kung kaya kapag nandito ako ay nadidinig ko ang mga ingay ng magsasaka at ang kanilang pag-aararo, at minsan din mga ugong ng traktora o di kaya mga makina na pang harvest naman ang siyang madidinig.




Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon