Kabanata 20

2K 75 17
                                    

Kabanata 20






Humahangos akong pumunta sa Dining Hall ng ipatawag ako nina Mamita kay Jona na kung saan halos mapamura ako pagkagising ko at kanina pa tirik ang araw kung kaya naman ay nagmadali akong naligo matapos kong pagbuksan si Jona at sinasabi 'nga nito na nasa hapag na sina Mamita at hinihintay na ako.











Ako naman ay napamaang! Lagot!








Kung kaya halos liparin ko na ang hagdan papunta sa Dining Hall na kung saan nadatnan ko na 'nga doon sina Mamita at si Señyorito na tahimik na nag-aagahan. Humihingi ang aking mga mata ng paumanhin.









"Sorry po." Ako na bahagyang nakayukod. Si Mamita naman ang nagsalita at bahagyang tinapik ang kanyang katabing upuan na siyang nagsasabi na dito ako maupo.
















"Well, I understand. Hija, kagagaling mo lang sa trangkaso at hindi biro ang alagaan ako maghapon kung kaya halika na't saluhan mo na kami, natitiyak kong nagugutom na siguro ang mga bulate mo ano?"








Ako naman ay napangiwi ng bahagya habang wala sa isip ko na nahahaplos ko na pala ang tiyan ko. Mukhang may naghihimagsikan na sa loob ko ah?








Baby are you still there? I mean is...mga anak kong bulate? Nandyan pa ba kayo? Bulate daw kayo? Di'ba malaki na kayo, kaya Anaconda na dapat ang pangalan ninyo, hindi ba mga anak?









At sino ba naman kasi hindi magugutom lalo na kung ang mga pagkain na kadalasan mahahanap sa hapag tuwing agahan ay makikita dito. Mayroon mabangong Tocino, pritong Longganisa ng Ilocos? Itlog na Maalat na nabalatan na at nahati na sa gitna tapos isang bandehado ng Garlic Fried Rice. Wow! Nagningning ang mga mata ko sa nakita.














Mayroon din paco salad na yaki kainin para sa akin tapos syempre hindi mawawalan ng isda na Pritong Galunggong na natitiyak kong sawsawan nito ay ang paco na may kamatis saka alamang tapos mayroon din pa lang Ham at Bacon. At mukhang naglaway na 'nga ang bagang ko.








Natatakam ako kung kaya't lumapit na ako ng tuluyan sa Mag-Lola habang hinahaplos ko ang tiyan ko.
















"Ah, hindi na 'nga po bulate ang nasa loob ng tiyan ko kundi, anaconda na po!" Wika ko nang tuluyang makalapit ako sa mga ito at naghila ako ng isang upuan mula sa kanyang tabi.













Sa sinabi ko ay halos nabingi ako sa halakhak ni Mamita na halos umalingangaw sa apat na sulok ng kabahayan. Napatawa na lang din ako kasama siya ng hindi naman siya nag-iisa at mag-mukhang may sayad kahit ang Apo naman niya ngayon ang may sayad at nararamdaman ko ito sa kanya.









Paano ba naman kasi eh halos pag-isang linya na ang kanyang makakapal na kilay samantala tahimik lang ito na sumusubo pero halatang walang gana siyang kumain kasi sa tingin ay mao-over take ko siya kasi sa ganado ko ba naman kumain ay halos si Lola ay napapangiwi habang hindi pa ako tapos sa ulam ko ay kukuha na naman ako ng kanin mula sa bandehado at ang ending ay ako ang nagwagi.






"Hija, if you don't mind..."











"Ano po iyon, Mamita?" Sansala ko kaagad sa kanya kahit pa mayroon akong kinakain sa bunganga ko pero kaagad ko iyon nilunok at sinamahan ko ng tubig para naman hindi ito magbara. Kaagad akong nagsandok muli ng kanin mula sa bandehado saka kumuha ng Itlog na Maalat at iyon naman ang nilantakan ko matapos kong magsawa sa mga Processed Food. "Ano pong sasabihin niyo?"

Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon