Kabanata 21

1.9K 82 5
                                    

Kabanata 21

"Teka lang 'nga, sandali lang! ...bakit ba tayo nagmamadali? May kikitain ka ba? Bakit kasama pa ako? Bakit hindi na lang ikaw mag-isa? Si Mamita, paano siya? Hindi ka pa din nanananghalian. Tayo, hindi pa tayo nanananghalian..." Sunod-sunod kong pagpapaulan ng katanungan mula kay Miguel habang yakag-yakag ako nito papalabas ng Mansyon.



Nakapagbihis na ako ng kung anu-ano ay dumating ito sa aking kwarto. Mabuti na lang at nakaroba ako kung hindi aba eh pagpipyestahan na naman ako ng magaling kong Señyorito kung saan nakita na niya ito dati pa kung kaya wala na akong matatago pa sa kanya.



He tsk. "Huwag ka 'ngang maingay diyan. Sundin mo na lang utos ko at huwag kang magreklamo, okay?" Sabi pa nito at bahagya niya akong nilingon pero hindi pa din siya nagpatinag sa aming paglalakad.



"Teka, sinabi ko bang isama mo ako?"


He glanced at me flatly. Malapit na kami sa sasakyan nito na nakaparada na sa harapan ng nakabukas na mataas na tarangkahan ng Mansyon. It is his black Wrangler, by the way.



"Kailangan ko bang ipaalala sa'yo na nandito ka sa teritoryo ko?"

Pinaningkitan ko ito ng mga mata habang naglalakad kami palapit sa naturang sasakyan. Ang isang Guard naman ay nagmamasid lang sa aming ginagawa ng kanyang Amo na halos naghihilaan na kami ng kamay pero ayaw niya paawat dahil 'nga mas malakas ito kumpara sa lakas ko.



"At kinakailangan ko din bang ipaalala sa'yo na nandito ako para sa Abuela mo." I paused. "—kay Mamita mo because as far as I concerned, Siya ang nagpapasweldo sa akin. Sila nina Señyor Manolo..."






It's been windy since may namumuong sama ng panahon sa dagat pacipiko pero still maaliwalas at maaraw pa din ang bughaw na kalangitan na may pana-panakhang mga maninipis na kaulapan na tila tumatakbo dito sa bilis ng hangin na namamayani.



Mula sa Mansyon ay ilang metro pa ang layo nito mula sa Guard House na nasa pagitan ng pang indibidwal na gate at para naman sa sasakyan. Kulay puti ang Guard House ganoon din ang modernong mataas na tarangkahan ng Mansyon kung saan bumabagay ang mga ito sa modernong istraktura ng buong kabahayan.







Mayroon din mga halaman na nakapalibot dito at isang malaking fountain na nasa gitna ng malawak na  damuhan ang nakapagitan sa pathway na siyang aming dinaraanan. Ngunit dahil 'nga kasama ko ang Apo ng May-Ari ng pinagsisilbihan ko ay dito niya napiling dumaan sa damuhan na mabuti na lang at mayroon mga pebbles stone na tapakan ng aming mga paa na siyang halos synchronize ang aming galaw since halos hinihila na ako nito sa aking kamay.








Kung siguro makikita lang ako ngayon nina Weena or Jona na mas malala pa sa pagiging tsismosa ay baka ginawan na kami ng malisya nitong Amo nila kasi kung makahirit ang huli ay parang kami lang ang tao sa Mansyon. At mabuti na 'nga lang ay wala sila sa paligid kanina na siyang natitiyak ko na nanunuod na naman sila ng Vlog ng pinsan ni Cassie na si Bridgette mula sa Youtube.








Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng labi  nito habang hinihila pa din niya ako nang sa wakas ay nakatapak na ang paa ko sa sementadong daan kung saan tinungo namin ang kanyang sasakyan na ilang dipa na lang mula sa paglalakad namin. Si Mang Berting ay kaagad na sumaludo kay Miguel habang ang huli naman ay tumango lang pero walang sinabi. Nabuksan na ng naturang Gwardya isang panig ng gate kung kaya papasok na lang kami sa loob ng sasakyan nito at voila, maaari na kaming makalabas.








"May I remind you na pera namin ng Pamilya ang siyang pinapasweldo sa'yo." Matigas na tinig nito pero hindi naman ako nagpatinag sa kanya.





Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon