Kabanata 37

2.2K 111 44
                                    

Kabanata 37












Napapalakpak ako ng mailapag ni Xander ang isang stainless na may kalakihang plato na siyang naglalaman ng umuusok at pumuputok-putok pa na taba ng barbeque na kasama ng laman nito na swabe lang ang pagkakaluto. Medyo sunog!













And by doing that, I earned sarcastic tone from him.

















"At ito na po ang medyo sunog na sunog na barbeque niyo, Señyorita." Aniya.




















Ngumiti ako at nagpasalamat. "Thank you." Sabi ko saka ko pinulot ang pinakapatong na barbecue at kaagad na sinunggaban ito.



















Mula sa maaliwalas na kalawakan mula sa ilalim ng malaking buwan ay nandito kami sa kanyang terasa na kung saan nakaupo kami sa Papag na gawa sa matibay na kahoy.
























Hindi ko alam kung paano napunta ito doon dahil nadatnan ko na lang ito at hindi na din ako nagtanong.










Nang kumagat ako ay sumabog lahat ng lasa sa bibig ko. Ang maalat-alat tapos 'yung karne na kahit medyo tustado ay para sa akin ang the best dahil malutong-lutong ito at masarap.

























Masarap na masarap. 'yung parang barbeque ng mga restaurants na masarap na masarap at alam mo na hindi ka tinipid. Ganoon ang feelings. I feel blessed...























At dahil dito ay hindi ko napigilan na hindi magkomento. Hindi ko man ito binalingan pero alam ko na ang kanyang mga mata ay nakatuon lang sa labas ng terasa kung saan naroroon ang kalye at mayroon pa din na nagdadaan na mga sasakyan na pailan-ilan at mga tao na nasa hindi kalayuan ang siyang natatanaw ko.






























"Hmm, masarap ang timpla ng barbeque mo ha? Hindi matapang, hindi nao-over power ng marinade ang karne bagkus nagkaroon ito ng kumbaga fusion. Ang galing ha? Ang sarap?" Tumango-tango pa ako at nagpatuloy sa aking pagkain.






















Dito na namin piniling mag-hangout kasi doble gastos pa kung sa labas saka hindi ko din kasi feel ang lumabas at para makipagsiksikan sa mga tao at lalong magsuot ng hindi ko komportableng kasuotan lalo na't ang lapit lang naman ng mga Restaubar saka mga sikat na nag-iihaw dito ng iba't ibang klase ng karne at mga seafoods tapos ang mamahal pa at hindi lang iyon, hindi mo mapakita sa kanila kung gaano ka katakaw sa mga ito kaya dito na lang napagdesisyunan namin tutal, masaya pa din naman dahil madaming pagkain ang kanyang inihanda.

















Saka bakit ba ako nagpapaliwanag? Eh, sa ayaw ko 'ngang lumabas at maligo. Iyon 'yun!












At dahil sa naging komento ko ay kaagad na inismiran ako ni Xander na usually ay napapansin ko sa kanya na ginagawa niya sa akin ito sa mga nagdaang mga araw na hindi man palagi kami magkasama ay alam mo 'yon?


































Gumagaan ang pakiramdam namin sa bawat isa at ito na siguro ang palatandaan na nagiging kampante na kami pareho hindi dahil same kami ng fields, hindi lang iyon ngunit may iba't-ibang kaming katangian na alam mo yun, hindi man kami magkahalintulad ng mga pananaw at prinsipyo pero damang-dama mo ang respeto ninyo sa bawat isa and I think this is working for us.

























Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon