Kabanata 45

801 35 3
                                    

Kabanata 45









"Oh, is that so?" Si Cassie tapos binalingan ako nito. "Oh well, ano pa nga bang magagawa ko? Eh ako naman na talaga ang mahal mo..."













At tila mayroon sumigid na kirot sa aking dibdib pero nakayanan ko naman ang kirot nito. Sumimsim ako ng alak mula sa aking bote.
















Ni wala man lang nagsalita o nagkomento ngunit si Cassie ay panay pa din sa kanyang binibitawang mga salita.
























"You always choose me...Miguel, No matter what it takes. Right?"





























Tumango naman ang kanyang Fiance ngunit ang kanyang mga mata ay nasa akin at pabalik-balik ito sa aking katabi.


















"Of course. I'll always choose you." Sagot naman ni Miguel habang nagtiim-bagang ito at sandali kaming nagkatitigan bago niya iniba ang kanyang ekspresyon ng mapunta ito kay Cassie.






















Tumaas ang kilay ko bago ko ibinaba ang bote ng alak ko na dahan-dahan as I closed my legs. Nakita ko naman napabaling sa akin si Miguel na sakto naman iniba ko ang direksyon ng aking mga mata kay Xander.















As usual, nakikipag-usap pa din ito kay Bridgette ng mga casual na usapan bago ko kinuha ang kanyang atensyon.















"Mukhang enjoy ka ah?" Sarcasm maybe felt on my tone. Kinurot naman ni Xander ang pisngi ko ng kaagad niyang binaling sa akin ang atensyon.














"Akala ko, hindi mo na ako papansinin diyan..." Tumaas pa ang sulok ng labi nito.







"Uwi na yata ako?" Sabi ko pa.













At kaagad naman siyang na-alerto na kaagad kong pinigilan dahil alam ko na ihahatid ako nito pero hindi ko na siya inabala pa.




















"No need, Xands. Malapit lang naman ang Apartment natin dito. Isang sakay lang nandoon na ako. Ikaw dapat ang hindi magpapagabi, may duty ka pa." Pigil ko sa kanyang dapat na gawin ngayon at iyon ay ihatid ako.




























Ayoko naman siyang makompormiso sa kanyang kasiyahan ngayon dahil lang sa kasama niya akong nagpunta dito.































I snorted. "Saka bawal kang mambabae ah, the last time na tinawagan mo ako ay sinabunutan ako ng babae mo. Gago ka."























And it reminds, the days had passed. One night, tinawagan ako nito at pinapapunta sa kanyang bahay dahil kay emergency daw at heto naman akong si Uto-uto aba'y dali-dali akong nagpunta dahil may mga cakes and pastries akong pa-order.























Pagdating ko sa bahay niya ay kaagad akong nakita ng kanyang babae na pababa ng hagdan tapos bigla na lang akong sinunggaban at ang buhok ko ay kawawa.



























Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon