Kabanata 5

6.3K 196 38
                                    

Kabanata 5

Hindi ko alam kung ilang minuto ang itinagal ko ilalim ng dutsa ng malamig na tubig na nagmumula sa Shower habang hinahayaan ko ang tubig nito na tangayin ang hindi maampat na aking mga luha mula sa aking mga mata...








Hindi ko 'nga ba alam kung ano ang iisipin ko o mararamdaman ko dahil maging ako ay naguguluhan din.














'Yung akala mo hindi na sana masakit ngunit mayroon pa lang masasakit pa?

































Is this was also the process of healing?
















Pero...kailangan pa ba na maging masakit ang mga susunod na kabanata sa buhay ko bago ako mapagbigyan naman ng kaunting saya kahit man lang sa pamamagitan ng aking tinuturing na Pamilya?

















Nandoon na ako 'eh, na magiging okay na talaga ako para sa kanilang lahat. Tanggap ko na ang sinapit ko sa pag-ibig ko kay Miguel ngunit ang makita mo ang Pamilya na kinabibilangan mo ay masakit?



























Bakit 'nga ba?






















Iisa lang naman kasi kami ni Cassie ng pinagmulang mundo, ang mundong sana aming ginagalawan ng maayos ngunit bakit ako tinatakwil ng sarili kong mundo na sana aayon naman sa mga nais ko?



















Ipinilig ko ang ulo ko habang nakatingala ito na animo'y mayroon hindi gustong makita mula sa nakita ko kanina...










At iyon ang pagiging parte ng Pamilya ko para sumaya si Cassandra ng lubusan...



Nakita ko....









Nakita ng dalawa kong mga mata kanina na masaya sila sa Video na na-upload kanina...






















Masaya sina Tito Lucas at si Tita Camilla, sina Kuya Blake at Kuya Ethan ko...silang apat na miyembro ng Pamilya ko...They keep on smiling with Cassie and Miguel habang sarap na sarap ang mga ito sa hawak nilang Barbeque and Beer...




























At alam mo ang mas masakit?






















Iyong hindi lang sila kasa-kasama ni Cassie sa kasiyahan at mga nagaganap sa buhay nito ngunit alam mo din na bibihirang makita mo si Tito Lucas mo na masaya ngunit hindi ka kasama?
































'Yung tipong namamanhid ka na lang sa pagiging malamig na trato sa'yo ng Tito mo, iyong nag-iisa sanang Pamilya, ang nag-iisa na lang na kadugo ko, iyong nag-iisa na tao na sana'y makakapitan mo at malaya mong mayayakap sa panahon ng kagipitan o kasiyahan ay hindi ka naman pala kayang protektahan?








































How I wish I could see you Tito Lucas smiling towards at me? his warmth love that catches the cold inside of mine...





































Akin KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon