----------
Natatawa talaga ako kay untoldsshh at TheWayILook. Wagas mga comment eh nuh. XD
----------
Chapter 9- She is Back
Dave's POV
Nakauwi na ako..
Hay. Sobrang unforgettable naman nitong araw na ito..
Pano bumalik na dito sa Pilipinas si Hazel... ang first girlfriend ko..
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman.. Kakainis! Bakit kasi pagkakita ko sa kanya kanina.. bumabalik na naman ang mga nararamdaman ko sa kanya.. Pero nagsorry ako kay Patricia nung hindi ko siya nasamahan kanina..
*FLASHBACK
(3years ago)
Naglalakad ako nun sa hallway.. First day of school kasi.. Wala pa akong mga kakilala.. Kaya naman ako pa lang mag-isa..
Sa di-kalayuan, may nakita akong isang babae.. Inaaway yata siya ng mga higher years.. At dahil ako naman tong tapang-tapangan, lumapit ako dun sa mga nambubully sa kanya..
"Kuya wag niyo naman siyang asarin oh.." sabi ko nang may paggalang. NAKS.
"At sino ka naman? Savior niya? Hah! Gusto yata nitong mabugbog eh.. Hindi mo ba kilala kung sino ang kinakausap mo?! 1st year ka pa lang ang angas mo na ah.." sabi nung lalaking mataba
Kinuwelyuhan niya ako sabay tawag dun sa mga kasama niya.. Dinala nila ako dun sa bakanteng classroom at binugbog hanggang manghina... Ewan ko kung bakit hindi ako lumaban at parang kahit isang suntok nila hindi ako nasasaktan..
Maya-maya, may dumating na teacher.. Kasama yung babae...
''Kayo Mr. Alegro! First day na first day ng school nambubugbog ka na naman.. Go to the guidance office!" yung teacher..
"Ahhmm.. Ok ka lang ba?." sabi nung babae sakin.
"Ok lang.." tatayo na sana ako nun kaya lang napuruhan yata yung binti ko.. Ngayon ko lang naramdaman yung sakit..
"ARAY!" ako
"Haha. Sabi mo ok ka lang.. Hindi pala.. Tara na.. Aalalayan na kita." sabi nung babae
Tinulungan niya akong makatayo.. Pumunta na rin kami sa clinic para ipagamot mga sugat ko..
"Ay..Wala yung nurse.." siya
"A-ayos lang ako.. Sa bahay ko na lang to gagamutin.." ako
"Ha? Naku hindi pwede.. Tutal bukas naman yung pinto pasok na lang tayo.. Marunong naman ako kahit papano ng first aid eh.." nakangiti niyang sagot sa akin
----
"A-aray! Dahan-dahan lang.." ako
"Oooops. Sorry. Hehe." siya habang dinadampi yung bulak sa gilid ng labi ko.. may sugat kasi eh
Pagkatapos niyang gamutin yung sugat ko, nagkuwentuhan lang muna kami.. Nalaman ko na classmates pala kami at Hazel pangalan niya..
After ng insidenteng yun, naging magkaibigan na kami.. Lagi na niya akong kasama kahit san siya magpunta.. Ang hindi niya alam eh may gusto ako sa kanya...
Pero isang araw, nakita ko dun sa isang notebook niya na crush pala niya ako.. Syempre natuwa naman ako dun.. Kasi may gusto pala kami sa isat isa nun..
"Oy espren crush mo pala ako ah!" ako
"Ha? hindi ah.. Ikaw talaga gumagawa ka na naman ng kuwento.." siya
BINABASA MO ANG
Truth or Dare?
RomanceKaya mo bang panindigan ang parusa sa isang laro? Kaya mo bang gawin ang DARE o pipiliin mo na lang ang TRUTH?