Chapter 14- Yehey! :)
Patricia's POV
Andito ako ngayon sa bahay... 3 days na kasi akong hindi pumapasok.. Simula kasi nung araw na nag-usap kami ni Dave, bigla na lang akong nagkasakit.. Buti naman at lagnat lang ang napala ko.. Akala ko kasi may malala na akong sakit...
Sabi din ng doktor, stress daw ako masyado kaya kailangan kong magpahinga.. Umuwi na rin si mama para alagaan ako.. Ang hirap daw kasi walang mag-aalaga sa akin kundi si manang lang..
Tatlong araw na akong walang ginagawa dito, ang boring kasi.. KAIN, TULOG, HIGA, NUOD TV lang ang ginagawa ko..
Kamusta na kaya sila sa school? Si Yzza? Kimmy? Dane? Nica? Gelai? Naomi? Janice? Tina?
Si Dave?
"Argh.. Bat ko ba siya iniisip???!!!" nasabi ko sabay hagis ng unan sa pintuan
*RING RING
"Ay kalabaw!" nagulat na naman ako kasi nariring cellphone ko.. Pagtingin ko sa screen, si Yzza tumatawag.
"Hello?"
"Hi ma! Musta ka na?"
"Ayos lang, nagpapahinga na lang ako.. Baka bukas makapasok na ako."
"Talaga! Yehey. Ang hirap pala kapag absent ka.. hindi ka na updated"
Updated? San naman?
"At san naman? Sa mga assignments? Pwede namang magtanong na lang bukas"
"Hindi assignments. Ahahaha. Basta.. Good news yun.. Hindi mo na kailangan ng paghihiganti.."
"Ano yun? Dali sabihin mo" bigla akong na curious.. Baka tungkol kay Dave yun?
"Ayoko nga. bleh. Bukas na.. Wahahaha. Para may thrill"
"Oi! Dali na.. Kapag hindi mo sinabi babatuk---"
*TOOT TOOT TOOT
AISH. Binabaan ako. Bastusan lang..
Pero ano nga kaya yun? Hindi ko na daw kailangan maghiganti? Halaaa.. Hindi ko magets..
-----
KINABUKASAN
Mukha akong zombie dito sa kwarto.. Pano kasi hindi ako masyado makatulog.. tinext ko pa kaya si Yzza kagabi.. Kaya lang sabi niya lang.. "Lezzee. Surprise nga diba?"
Kaya hindi ko na kinulit.. Baka magalit pa eh. :P
Hindi ko alam kung bakit naeexcite akong mag ready para pumasok.. Feeling ko kasi good vibes ang araw na ito eh.. Bukod sa magaling na ako eh parang may special pang mangyayari..
---
School
Sabi ko nga GV ngayon. Kasi halos lahat yata ng makasalubong ko naka smile sa akin?
Ano ba talagang meron? Baka naman feeler lang ako na naka smile sila sa akin? Wahahahaha
"MAAAAAAAAAAAAA!" sigaw sa akin ni Yzza nandun pa lang ako sa may hagdanan.. EXCITED much? XD
"HIIIIII!" syempre sumigaw din ako. Waha
"Bilisan mo dali!" sigaw din ni Janice
Ako naman tong uto-uto, tumakbo paakyat papunta sa classroom..
*takbo
takbo
takbo
tak---
BINABASA MO ANG
Truth or Dare?
RomanceKaya mo bang panindigan ang parusa sa isang laro? Kaya mo bang gawin ang DARE o pipiliin mo na lang ang TRUTH?