-----
Wala akong maisip na title eh. Pagpasensyahan. XD
Dedicated to nailydolly. Hihi. Salamat sa pagbabasa at salamat kasi kinikilig ka. XD
-----
Chapter 11- The "surprise party"
Patricia's POV
Saturday
Waaaaahh.. Birthday na ni Dave.. Medyo maaga nga ako nagising kasi mag-aayos ang eklabu pa daw yung sa catering. XD Nag-aayos na din sila para dun sa set-up ng party. Hehehe
Ni-ready ko na rin yung gift ko.. Syempre bukod dun sa “surprise party” ko para sa kanya eh gumawa ako ng scrapbook.. Madami akong kinuhanang pictures dun.. (Hulaan niyo na lang kung pano ko siya pinicturan..) Nakakatawa nga eh kasi naman karamihan sa pictures niya eh nakanganga, meron din namang nagkapikit at may combo din. Which is nakapikit na, nakanganga pa. Hahahahaha. Andami ko ngang tawa dun eh.. Buti na lang hindi niya napapansin mga pinaggagawa ko..
Bandang 1 pm, natapos na lahat.. As in lahat lahat.. Nauna nang dumating sina Yzza.. (Yey kumpleto kami) Hindi pa nga ako nakakaligo nun eh.. Kaya naligo na muna ako, nagbihis, nag-ayos at lahat-lahat..
“MA! Yung plano mo ha? Wag mo kalimutan..” tina
“Ayy.. Oo nga pala. Haha. Anong oras na ba?" ako
"Hmm. 2:00 pa lang naman.." tina
-----
After 30 minutes, tatawagan ko na siya.. Unti-unti na kasing dumadating yung mga bisita niya eh. Wahahaha. Tapos yung celebrant wala pa..
And dahil nga plano kong magsakit-sakitan.. Paninindigan ko na to. LOL
*Calling Dave
"Hello?" siya
"U-uhmm.. *sniff *sniff Dave? *sniff Busy ka ba ngayon? *ubo *ubo.. Pwede ba akong magpasama sayo sa ospital? *ubo magpapacheck up sana ako eh.. Medyo mataas kasi lagnat ko.." Wahahahaahha. Pang-best actress na drama ko! Sana naman maniwala siya sa ubo effect ko.
"Huh? hindi naman ako busy.. Nandyan ba si Manang? Sina Yzza? Tinawagan mo na ba?" halata sa boses niyang nag-aalala siya.. Wee. Ako na kinikilig. XD
"S-si Manang umalis eh.. Pumunta sa anak niyang bagong panganak.. *ubo.. Sina Yzza naman, hindi daw pwede kasi may mga gagawin pa sila.. So ikaw na lang ang tinawagan ko.. *ubo *ubo" ako. Waaah. Sana kumagat naman siya sa mga pinagsasabi ko..
"Sige.. Dyan ka lang sa bahay niyo ah? I'll be there in 15 minutes." siya
"Sige. Salamat *ubo *ubo" ako
Yehey! Ansabe naman ng I'll be there in 15 minutes niya? XD Syempre nandito ako ngayon sa kwarto ko nuh. Mahirap nang marinig nila Yzza.Mang-aasar yung mga yun at baka pumalpak pa. =___=
14 minutes left. Wahahaha. Alam ko namang dadating yun maya-maya.. Antayin ko na lang. Mehehehehe.
-----------
Dave's POV
*Calling Patricia
"Hello?" ako
"U-uhmm.. *sniff *sniff Dave? *sniff Busy ka ba ngayon? *ubo *ubo.. Pwede ba akong magpasama sayo sa ospital? *ubo magpapacheck up sana ako eh.. Medyo mataas kasi lagnat ko.." siya na parang sobrang nanghihina yung boses.. ANO DAW? Nilalagnat?
"Huh? hindi naman ako busy.. Nandyan ba si Manang? Sina Yzza? Tinawagan mo na ba?" bigla akong kinabahan.. Ngayon ko lang kasi siya nakausap ng ganito.. Parang nahihirapan na siya sa ubo niya..
BINABASA MO ANG
Truth or Dare?
RomanceKaya mo bang panindigan ang parusa sa isang laro? Kaya mo bang gawin ang DARE o pipiliin mo na lang ang TRUTH?